Zia POVSaturday ngayon at ito ang araw na balak kong kausapin si Half pero simula kahapon hindi pa siya nagpaparamdam.Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?
"You mean tatapusin mo na ang relasyon mo kay Half? But, why?" Tanong ni Khrislyn habang tinitignan ako ng hindi maintindihan.
"Gusto ni Dad ang Wilton..." Mahina kong sabi pero sapat lang para marinig niya.
"Oh! My gosh! Edi ba naka-move on ka na?"
Hanggang ngayon hindi parin alam ni Khrislyn ang fake relationship namin ni Half kaya alam kong mahihirapan ako dito.Wala akong balak sabihin dahil nagkasundo na kami dito ni Half.Kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam.
"Uhm...Oo nga pero----"
Pareho kaming natigilan ng biglang may mag-doorbell.Inimbitahan ko kasi si Khrislyn dito sa condo ko since wala naman akong kasama at ginagawa.Balak din naming mag-movie marathon kaya wala akong inaasahan na tao na darating dito ngayon.
"Ako na mag-bubukas." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na tumakbo sa pinto.
Bumungad sakin ang isang boquet ng mga red rose pagbukas ko pa lang ng pinto.
"Hi." Nakita ko ang mukha ni Half ng ibaba niya ang bulaklak na hawak niya.
"Bakit ngayon ka lang?" Hindi ko mapigilang tanong nakita ko naman ang makahulugan niyang ngiti.
"You miss me?"
"Asa!" Inirapan ko siya.Bakit ko naman siya ma-mimiss? Tsk.
"Okay." Sabi niya pero tinitignan parin ako ng makahulugan.
"Anyway, for you." Inabot niya sakin ang boquet ng red rose.
"Anong meron?" Taas kilay kong tanong.
"1 week na tayo." Siguro sa mga oras na 'to namumula na ang pisngi ko.He's right.1 week na nga kami.Pero...
"Fake lang naman---"
"Your welcome honey babe." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Hindi mo sinabing may kasama ka pala." Bulong niya sakin at doon ko lang naalala si Khrislyn.
"Your always welcome honey babe." Kinuha ko na yung mga bulaklak sa kamay niya habang naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko.
Tinignan ko siya at binabasa sa mata niya kung anong gagawin niya.Kinagat niya ang ibabang labi niya.Aish.Alam ko na.
Tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan sa labi naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.
"Ehem!" Nagkunwari naman akong gulat na humarap kay Khrislyn.
"Oh! Im sorry!"
"It's okay.Na curious lang ako kung sino yung tao ang tagal mo kasi." Tumango ako at humarap kay Half.
"Khrislyn this is Half and Half this is Khrislyn my friend."
Nagkamayan naman sila at hindi ko inaasahan na mas magiging madaldal si Khrislyn dahil tanong 'to ng tanong about sa kapatid ni Half.Medyo natawa ako ng malamang Whole pala ang pangalan ng bunsong kapatid ni Half.Iniisip ko tuloy kung anong trip ng nanay nila.
*****
"Ang daldal niya." Bulong ni Half sa tenga ko mula sa likod siniko ko nga.
Wala kasi si Khrislyn na sa living room hinahanda yata yung papanoodin namin niyaya niya rin kasi si Half na mag-movie marathon.Nandito naman kami sa kusina hinahanda yung popcorn.
"Ayaw ni Whole sa madaldal." Iling-iling niyang sabi.
"Close kayo ng kapatid mo?"
"Hmmm...not really." Napatango na lang ako.Iniisip ko tuloy kung anong itsura ng kapatid niya.
"One more thing why i came here it's because---"
"Okay na ba yung popcorn guys?" Pareho kaming napalingon sa pinto ng kusina kung saan nakatayo si Khrislyn.
"Ah! Oo ako na magdadala nito." Tinulak ko si Half para samahan na si Khrislyn doon.
"Sige." Sagot ni Khrislyn habang nauna ng maglakad.
Nag-sign naman ako kay Half na sumunod na.Nakasimangot naman siyang sumunod.Napailing na lang ako.
"Dito ka sa tabi ko honey babe." Hindi na ko nakaangal kay Half ng hilahin niya ako sa tabi niya.
Sumulyap ako kay Khrislyn na nakatutok na ang mga mata sa T.V.Kinurot ko si Half sa tagiliran pero kinindatan lang ako ng loko.
May nag-doorbell na naman ng na sa kalagitnaan na kami ng panonood.Pinindot ko ang pause bago tumayo para sana buksan pero nauna na sakin si Half.
"Bro!"
May lalaki sa pinto at mukhang kilala 'yon ni Half.Tumingin ako kay Khrislyn na ngayon ay parang na estatwa na sa kinauupuan niya habang nakatingin doon sa lalaki.
"Let's go Zia."
"Wait, saan tayo pupunta?" Tumingin ako doon sa lalaki na nakangiti sakin.Kahawig siya ni Half and i guess siya si Whole?
"Wear this." Inabot sakin ni Half ang blazer na kulay grey.Habang hinila na ako palabas.
"Ingat!" Dinig kong sabi nung lalaki.
"Saan tayo pupunta Half? Paano si Khrislyn?"
"Si Whole na bahala sakanya." Kinuha niya sa kamay ko ang blazer ng makasakay kami sa elevator.
Siya na ang nagsuot sakin nito.Naka-maong na short lang ako habang naka sleeveless na damit.Aish! Ano ba kasing nangyayari?
"Hindi mo pa sinasagot yung isa kong tanong."
"Fuene Resort." Sagot niya habang pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya.
Napansin ko agad sa backseat ang ibang mga gamit.Fuene resort? Medyo malayo yun rito.
"Ano namang gagawin natin doon? Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ako nakapaghanda.Saka sinabi ko bang sasama ako?!"
"Kasal ng kaibigan ko.Papakilala kita sakanila.Sinubukan kong sabihin kanina pero sumingit yung kaibigan mo.Hindi mo na kailangan maghanda.Binili na kita ng damit.Hindi ka na pwedeng tumanggi dahil nakasakay ka na dito." Laglag panga ko siyang tinignan.
Urgh! Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to! >_<
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Fiksi Remaja"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...