Chapter 5

1K 38 0
                                    


West Adams University ang pangalan ng napili kong eskwelehan.Bukas na ang simula ng pagpasok ko dito.

Kaya namimili na ako ng mga gamit ko ngayon.Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat haist. -_-

Kukunin ko nasa ang napili kong binder pero may isang kamay din na humawak dito.

Inayos ko ang eye glass kong suot bago nilingon kung kaninong kamay 'yon.Mabilis kong inalis ang kamay ko sa binder ng makilala kung sino 'to.

"Sige, sayo na." Saad ko at kinuha na lang yung katabi non.Tinalikuran ko na siya at tuluyan ng umalis.

Masyado bang maliit ang ginagalawan namin para lagi kaming magkita ni Zia? Tsk.Napailing na lang ako.

Sobrang dami ng tao dahil simula na nga ng pasukan bukas kaya mukang matatagalan ako dito sa counter.Diretso lang ang tingin ko sa counter at hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako oh totoong natatanaw ko si Autum mula dito.

Nakita kong may kasama na naman siyang mga babae but this time apat na sila.Tapos na silang magbayad at palabas na sila ng store.Umalis ako sa pila at patakbo na pumunta sa direksyon nila.

"Excuse me." Sabi ko habang nakikipagsiksikan sa mga tao.

Hindi sa pagkakataon na ito na hindi ko na naman makakausap si Autum.

"Excuse---shvt."

Nalaglag lahat ang gamit ko at gamit ng babaeng nabunggo ko.Umangat ang tingin ko sakanya.

"Zia..." Bulong ko sa pangalan niya pero mukhang hindi niya alam na tumapon ang mga gamit niya.

"Ichiro." Dinig kong sabi niya.Sino 'yon?

Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang tinitignan niya.May lalaking nakapila sa counter at sa tingin ko ay yun ang sinasabi niyang Ichiro?

"Sorry!" Bumalik ang tingin ko sakanya at nakita kong pinupulot na niya ang mga gamit.

Lumuhod din ako at tinulungan siyang magpulot.

"Ayos lang." Sabi ko at tumayo na.Tumayo na rin siya habang walang sabi-sabi na umalis.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumila na siya sa counter.Napailing na lang ako at tinignan ang exit ng store.Hindi ko na naman naabutan si Autum.Tch, lagi na lang.

Ichiro...

Sounds familiar.Binalik ko ulit ang tingin ko kay Zia na nasa dulo ng pila.Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa direksyon niya at sa likod niya pumwesto.

Siya lagi ang dahilan kung bakit hindi ko nakakausap si Autum.It's time to pay.

Mukhang malalim ang iniisip niya dahil ang dami ng sumisingit sa unahan niya.Kaya marahan ko siyang tinulak para umusod.Lumingon siya sakin at nanlaki ang mata ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Obviously, counter 'to."

Inirapan niya ako at humarap na ulit sa unahan.Aba't... -_- Medyo yumuko ako para makatapat ang tenga niya.

"Alam mo bang? Madami kang kasalanan sakin." Mahina kong bulong pero alam kong sapat lang 'yon para marinig niya.

Akma na siyang lilingon pero hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para mapigilan 'yon.

"At kailangan mong manghingi ng tawad sa araw na 'to." Dagdag ko at napangiti na lang bago umayos ng tayo.

Humarap siya sakin pero hindi galit oh naiinis.Kalmado lang siya kaya nagulat ako ng ibaba niya ang basket niyang bitbit at nilagay ang dalawa niyang kamay sa batok ko.

"Ilan ba ang kasalanan ko Half?" Bulong niya sa tenga ko.

Nagkatinginan kami at alam kong alam niya na gulat ako sa mga ginagawa niya.Shvt! Ngumiti siya kaya nadepina na naman ang dimple niya.

"Babayaran ko na yung isa." Dagdag niya pa.Napalunok ako at tumingin sa paligid.Fvck! Pinagtitinginan na kami.

"Zia, stop---"

"Stop, what? Half?" Mas lalo niya pa akong nilapit sakanya kaya napahawak ako sa bewang niya.

"You can't stop me." Seryoso niyang sabi.

Pumikit siya at nilapat ang labi niya sakin.Humigpit ang hawak ko sa bewang niya at nilayo siya sakin.Konti lang ang naging distansya naming dalawa kaya ramdam ko parin ang mabilis niyang paghinga.Nagmulat naman siya ng gawin ko 'yon.

"Why are you doing this?" Diretso akong tumingin sa mga mata niya pero nag-iwas siya.

Tinignan ko ang isang lalaki na matalim na nakatingin saming dalawa.

Ichiro.

"Para bayaran ka---"

"No, Zia alam ko." Natigilan siya at binalik ang tingin sakin.

"Alam ko kung bakit." Ulit ko.

Ako na ang humila sakanya palapit sakin at hinalikan siya.Agad naman siyang humalik pabalik.Ramdam ko ang lahat ng gusto niyang iparating.Lahat, lahat.

Narinig ko rin ang mga singhapan ng tao at pareho kaming natigilan ng magpalakpakan sila.

"Shvt!"

Nabato ko na lang ang phone ko matapos panuodin ang nangyari kanina sa mall.

Ang dami na nitong views at alam kong baka hindi na ako makatapak sa mall!

Napatakip na lang ako sa mukha ko at naalala ang nangyari kanina ng matapos ang ginawa naming kalokohan sa store.

"Mag-usap tayo bukas." Sabi ko kay Zia ng hilahin ko siya palabas ng mall.

Hindi agad siya nag-salita at ilang minutong nakatulala bago...

"Oh! my gosh! Half! Ang galing mo!" Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.

"Tama! Mag-uusap tayo bukas! "
Nakangiti niyang saad na kinailing ko mukhang natutuwa pa siya sa mga nangyayari.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon