Zia POV
Mabilis akong napaupo sa kama ko ng ma-realize kung pano ako napunta dito.
Si Half.
Bumaba ako sa kama ko at pagbukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko naamoy ko na agad ang mga pagkain sa kusina.
Gutom na ko! >_< Hindi ako nag-dinner kagabi.
"Good morning Honey babe!!" Biglang sumulpot si Half at tinapat sakin ang camera.
"HALF!!" Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya.
"What?"
"Aish! Hindi pa ko naghihilamos!!" Inagaw ko sa kanya yung camera pero tinaas niya lang 'yon.Siya na matangkad!
"Don't worry cute ka parin naman." Sinapak ko nga sa dibdib.
"Akin na 'yan!" Umiling lang siya at lumayo sakin.
Napasimangot ako at nagdadabog na umakyat pabalik sa kwarto ko.
"Hey."
Sumunod siya sakin pero hindi ko parin siya pinapansin.Lumapit ako sa kabinet ko at kumuha ng damit.
"Honey babe..."
"Honey babe mo mukha mo!" Inis kong sinarado ang kabinet at naglakad papunta sa CR.
"Ano? Susunod ka rin dito?" Hinarang ko ang kamay ko sa camera pero pilit niya pa ring kinukuhanan ang mukha ko.
"Half!!"
"Hahaha!"
"Bahala ka jan!" Tuluyan na kong pumasok sa CR at malakas tong sinara pero rinig ko parin ang pagtawa niya.
"Bwisit ka Half!!!"
*****
"Umuwi ka na.Papasok pa ko." Sabi ko habang pilit siyang pinapalabas sa pinto ng condo ko.
"No, hahatid kita." Umirap ako at umayos ng tayo.
"Umuwi ka na tapos maligo." Kahit hindi siya mabaho, ewan ko ba sa lalaking 'to kahit hindi yata maligo ng ilang araw mabango parin.
Nakita ko ang pag-amoy niya sa sarili niya.Umiwas ako ng tingin at pasimpleng napangiti.
"Okay, susunduin na lang kita pauwi."
"Okay."
Sinarado ko na yung pinto at patakbong pumunta sa kusina.Waaahh!! Gutom na talaga ako! >_<
Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na hinanda ni Half na para daw sakin.
Agad ko kasi siyang pinaalis matapos kong maligo.Oh diba ang sama ko pero mas masama siya.Kuhanan ba naman ako kahit bagong gising pa lang. -_-
Patapos na sana akong kumain pero natigilan ako ng makita ang camera.Kumunot ang noo ko at inabot 'to.
Pinidot ko ang play at bumungad agad ang likod ni Half na nagluluto.Napangiti na lang ako pero mabilis tong nawala ng biglang mamatay.
"Aish! Low battery!"
Pinatong ko na lang 'to sa mini table ng living room bago kunin ang bag ko at umalis na sa condo ko.
*****
"Ayiee! Nasaan naman yung Honey babe mo?" Bungad agad sakin ni Khrislyn na mukhang kanina pa naghihitay sakin dito sa harap ng Dethon University.
"Busy." Pag-sisinungaling ko at dire-diretsong naglakad papasok.
"Ang cute ng bago niyong video! Waah! Fan niyo na talaga ako!" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.Wala pa naman akong ina-upload na bagong video.
"Ah." Sagot ko na lang kahit hindi ko alam kung ano 'yon.
"Ah? Hmp! Hirap mo talagang kausap minsan."
"Bilisan mo na lang mag-lakad malalate na tayo." Paglihis ko sa usapan habang binilisan ang paglalakad.
"Zia!"
Bigla akong nawalan ng balanse at napaupo sa sahig.Aray! Mabilis akong humawak sa paa ko.Aish! Na sprain yata ako!
"Sorry." Tumingala ako sa babaeng bigla na lang sumulpot sa gilid ko kanina dahilan para mawalan ako ng balanse.
Hindi ko iniisip na sinadya niya dahil ngayon ko lang naman nakita ang mukha niya at wala naman akong kaaway dito pero nakakainis lang dahil matapos niyang mag-sorry umalis na agad siya.
"Are you okay?" OA na dalo sakin ni Khrislyn habang tinitignan ang buong katawan ko.
"Im fine." Sagot ko at pilit na tumayo pero buti na lang nahawakan ako ni Khrislyn sa likod ng matumba ulit ako.Napadaing na lang ako dahil sa sakit.
"Parang hindi naman." Saad niya habang napapailing.
"Help me." Sabi ko nang sumuko ako sa pagtayo.
Dinala ako ni Khrislyn sa clinic at buti na lang din may nagmagandang loob na estudyante na tumulong samin.
"Sino ba ang babaeng 'yon? Parang sinadya naman niya ang nangyari." Inis na sabi ni Khrislyn habang nilalagyan ng cold compress ang paa ko.
"Hindi naman siguro." Kibit balikat kong sagot habang pinapanood siyang gamutin ang pilay ko.
"Ewan ko sayo."
Hindi ako nakapasok sa mga klase ko at nagpa-iwan na lang kay Khrislyn ayaw ko namang pati siya mag-skip ng klase.
*****
Nagising ako dahil sa ring ng phone ko.Bigla akong napaupo at tumingin sa suot kong wrist watch 7:04?! Seriously?! Ako na lang yata tao dito.
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag.Agad kong nakita ang message ni Khrislyn na nagkaroon ng emergency kaya hindi na niya ako napuntahan dito pero sobrang umagaw ng atensyon ko ang missed call ni Half na halos umabot ng two-hundred at ang messages niya na nasa one hundred na yata.
Where are you?
Im worried.
Zia.
Answer my call!
Nandito ako sa labas.
Hindi ko na binasa pa ang iba at tumayo na.Medyo na aapak ko na naman ang paa ko.Kahit nahihirapan akong maglakad binilisan ko paring makapunta sa labas ng school.
Napahawak ako sa poste ng hindi ko na matiis ang sakit habang mabilis ang paghinga ko.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...