Chapter 26

760 21 1
                                    


"Mabuti naman at naisipan mo ng umuwi."

Salubong sakin ni Daddy habang nakaupo ito sa sofa ng living room.

"Nag-pahinga lang po ako sandali dahil---"

"Binigyan ka na namin ng panahon mag-pahinga at mag-isip sa South Korea!" Napayuko na lang ako.Habang mahigpit na hinawakan ang bag ko.

"Dalawang taon 'yon! Kulang pa ba 'yon?!" Dagdag niya habang padabog na tumayo.

"Sinayang mo ang mga araw! Imbis na nagawa mo ang partnership ng Wilton at Dethon! Nagkaroon ka sana ng silbi!"

"I-im sorry po Dad..." Siguro nga wala akong silbi.Makasarili ba ko? Kailan man hindi ko naisip ang ikauunlad ng business namin pero hindi nila ako masisisi dahil wala naman akong interes dito.

Hindi ko pinangarap na mag-aral at babagsak lang bilang house wife.Ayokong makasal sa kahit na sino ng dahil lang sa business.Paano ko sasabihin kay Dad na wala na? Na binitawan ko na ang Wilton? Paano si Half?

"I can't forgive you.Just do what I said then if you succeed I will forgive you."

"And If im not?" Pahabol kong tanong bago 'to tuluyang umakyat.

"Forget that you have a father!" Parang nanlamig ang puso ko ng marinig 'yon.Naramdaman ko na lang ang luha ko na tuloy tuloy sa pagbagsak.I love my Dad pero itong pinapagawa niya ay mahirap sakin.

I can't do that alam ko 'yon sa sarili ko.Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahang lumabas ng bahay.Sa condo ko na lang ako didiretso hindi ko kayang manatili dito.

Tulala akong naglalakad dahil sa mga masasakit na sinabi sakin ni Dad.Im just 2nd year college bakit sila nagmamadali sa ganitong bagay? At bakit sakin pa? Bakit sa Wilton pa? Naguguluhan na ko.Hindi ko kayang manira ng relasyon.Ichiro is happy now.Sinaktan ko siya noon at ayoko ng saktan ulit siya ngayon.Pinatawad na niya ko.Tama na 'yon.But how about me? Patuloy na lang ba ko magdadrama sa buhay ko? Sapat na ang dalawang taon sa South Korea ayoko ng maulit 'yon.

Pero masaya ba ko ngayon? Obviously, hindi but everytime na malapit si Half sakin, everytime na pinaparamdam niyang mahal niya ko nagiging masaya ako dahil ngayon wala ng ibang na sa tabi ko kung hindi siya.Wala akong taong makapitan.Lahat sila lumayo sakin.Si Khrislyn, si Daddy at Mommy.Iilan lang sila sa buhay ko pero nawala pa.Ang sakit.

"Hey." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na 'yon.Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na sobrang lawak ng ngiti sakin.

"Renz."

"Mag-isa ka lang?"

"Obviously." Napapailing kong sagot.May nakita ba siyang kasama ko? -_-

"Akala ko kasama mo si Half." Bigla akong kinabahan.Si Half.Umuwi siya kahapon ng lasing.

"B-Bakit?"

"Kagagaling lang non sa aksidente ngayon nawawala na naman."

"Naaksidente siya? Kailan?" Tama ako, may alam nga si Renz sa nangyari kay Half.Kahapon....

Naalala ko nung niyakap ko siya.Naramdaman kong may kung ano sa tagiliran niya.

"Ano kasi..." Nakita ko ang pag-aalinglangan sa mukha niya.

"Sabihin mo na sakin Renz!" Masyado ng na uubos ang pasensya ko.Kahapon ko pa gusto malaman 'to.

"Nabanga ang kotse niya sa isang maliit na eskinita.Tapos...Nasaksak siya kasi---"

"K-Kailan 'yon?" Hindi ko na siya pinatapos at napaupo na lang.

"Dalawang araw bago ka pumunta ng Tagaytay." Bigla kong naalala yung pagtawag niya ng gabing 'yon.Kaya ba ayaw niya kong papuntahin kung nasaan siya dahil...

Gahd! Masama ba ko? Pero hindi ko naman alam.Yung sa tagiliran niya.Doon siya nasaksak.Tapos pinuntahan niya pa ko sa Tagaytay.Baliw ba siya? Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng maalala ang pangtataboy na ginawa ko sakanya.Akala ko mas kailangan ako ni Ichiro pero mas kailangan niya pala ako.

"Ako ng bahala.Don't worry hahanapin ko siya." Umiling ako.

"Gusto ko sumama."

"Pero---"

"Please?"

"Kailangan ko rin siyang makausap."

"Tatawagan na lang kita pag nakita---"

"No, gusto ko sumama!"

"Zia---"

"Please Renz!"

Nakita ko ang pag-suko sa mukha niya.

"Ang kulit."

*****

Kung saan-saan na kami nakarating ni Renz pero hindi parin namin makita si Half.Nasaan ba ang lalaking 'yon?

"You know what? Ngayon ko lang nakita si Half magkaganyan sa babae." Natatawang sabi ni Renz kaya napalingon ako sakanya.

Tinigil niya muna ang kotse para kumain kami dahil halos mag-hahapon na.

"Madami na ba siyang naging girlfriend?" Bigla siyang humagalpak ng tawa!

"Lagi kamo ni-rereject ng mga babae!" Kumunot ang noo ko.

"Si Half? Bakit naman?"

"Hindi ko rin alam." Impusible ang sinasabi niya.Halos perpekto na si Half.Sinong babae ang mag-rereject sakanya?

"Marami ng babae ang umayaw sakanya."

Maalaga si Half naramdaman ko 'yon kahit noong na sa ''Fake relationship" pa kami.Inisip ko pa ngang maswerte ang magiging girlfriend niya kaya nakakapagtaka ang sinasabi ni Renz.

"Baka ikaw ang laging rejected?" Nasabi ko na lang at natatawa siyang nilingon.

"Ano? Sa gwapo kong 'to!"

"Ang hangin!"

Napailing na lang ako at tinapos na ang pagkain ko.

"Sandali."

"Hmmm?" Nilingon ko ulit siya at halos idikit na niya ang mukha niya sa bintana ng kotse niya.

"Ano yon?" Pagtatanong ko ulit at pilit tinitignan ang tinatanaw niya.

"Nakita ko na si Half."

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon