Zia POVI wait him but he didn't came.Inabot ako ng gabi sa coffee shop ng hindi ko namamalayan pero hindi parin dumating si Half.
I try to call him pero hindi niya sinasagot.What's happening to him? Nalaman na niya kaya? Sinabi kaya ng Mommy niya? Huminga ako ng malalim at napasandal na lang.Kailangan ko siyang makausap pero mukhang ayaw niya.
Sumuko na ko ng sabihin sakin ng isa sa mga waiter ng coffe shop na magsasara na sila.Where are you Half? Ilang minuto pa kong naghintay sa labas bago magdesisyon na umuwi na.Hindi talaga siya pumunta.
"Ma'am ready na po ang maleta." Tumango ako kay Manang at umakyat na ng kwarto.Nakita kong nakahanda na nga ang maleta ko.
Napaupo na lang ako sa kama ko habang nakatingin dito.Hindi ako makapaniwala na hindi ko man lang siya nakausap.
Nalaman ko kay Mom na may sakit si Dad at malala na 'to kaya kailangan niya ng dalihin sa America upang doon operahan.Kahit masakit sakin ang iwan ang Pilipinas.Kailangan kong sumama dahil iyon ang hiling ni Dad at mas gugustuhin ko rin 'yon because his my Dad.Kailangan niya kami.
Kahit galit siya sakin.I know he need me.My Mom need me.
Lumapit ako sa cabinet ko at nagsimula ng mag-impake.Pinangako ko sa sariling kong babalik ako dito.Babalik ako Half.Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.Kaya ko ba?
Napaupo na lang ako sa sahig.Parang naulit na naman ang dati.Kaya ba kong hintayin ni Half? Katulad din ba siya ni Ichiro? Ayokong umasa pero sana...sana...
"Ma'am? Kayo na lang po hinihintay." Dinig kong sabi ni Manang sa labas habang nakatok 'to.Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pinagpatuloy ang pag-iimpake.
"Sige po, susunod na ko." Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone sa bulsa ko.
Hinanap ko ang pangalan ni Half.I hope magkita ulit kami.Someday.
Someday...
Matapos mag-impake bumaba na rin ako at mukhang nakasakay na sila Mom sa van.Tinulungan ako ng driver sa mga gamit ko kaya agad na rin akong sumakay sa van.
Tumabi ako kay Dad na ngayon ay tahimik lang.Ngumiti sakin si Mom na ginantihan ko rin ng ngiti.
"Maaari ka namang maiwan dito kung ayaw mo." Biglang sabi ni Dad na kinailing ko.
"Sasama po ako." Hinawakan ko siya sa kamay at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.Napapikit ako ng maramdaman ang pagdiin ng hawak niya sa kamay ko.
I miss you Dad.
*****
Nakarating kami sa airport matapos ang ilang oras.Nakatulog din ako kaya hindi ko rin namalayan ang pagdating namin.Tahimik lang akong nakasunod kila Mom dahil mabagal na paglalakad lang ang ginagawa ko.
"Zia? Let's go." Saad ni Mom ng tuluyan na kong napatigil.Lumingon ako sa likod ko sa huling pagkakataon.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad.Hindi nga siya sumipot sa usapan asa pa kong pupunta siya rito para lang sana magpaalam pero hindi niya rin ginawa.
Tinapik ako sa likod ni Mom habang ngumiti sakin si Dad.Isang pilit na ngiti ang ginanti ko.
I love you Half but goodbye for now.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...