Zia POV
Naging busy ako sa ilang linggo na lumipas dahil sa company namin.Ito muna ang pansamantalang ginagawa ko habang pinag-iisipan ko pa ang pagpunta sa France.Kailangan ko ring magpaalam pa kay Half.
Inikot-ikot ko ang swivel chair ko habang nakasapo sa noo ko.Mukhang masyado na kong napapagod.
Bigla naman akong napatingin sa phone ko ng makitang umilaw 'to.Kinuha ko 'to at nabasa ko ang text message ni Dad.
"Naayos ko na ang pagpunta mo sa France."
Kumunot ang noo ko.Nasabi ko kila Dad ang balak kong pagpunta doon pero hindi ko pa kinukumpirma.Sinubukan ko siyang tawagan pero walang na sagot.
May kumatok sa pinto kaya nalipat dito ang atensyon ko dito.
"Pasok."
"Pagkain niyo po Ms.Cruise." Tumango ako sa secretary kong babae.Nilapag niya 'yon sa lamesita at umalis na.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa aking phone at sinubukan muli ang pagtawag kay Dad ngunit ayaw niya paring sagutin.Napailing na lang ako at lumapit sa pagkain.Kakain na lang muna siguro ako.
Tinikman ko ang spaghetti.Masarap huh.Saan kaya 'to nabili ng secretary ko? Muling umilaw ang phone ko kaya napatingin ulit ako dito.
honey babe <3
Agad kong kinuha ang phone at sinagot.
[Do you like it?] Napangiti ako.Siya pala nagpadala nito.
"Yes.Thank you honey babe."
[Hahaha you're always welcome.]
"Ang sarap mo paring magluto."
Pero ako hindi parin marunong. >_< That's bad right?
[Really?]
"Yup."
[Anyway are you free today?]
"Mamaya pang 8:00 pm may meeting pa ko."
[Okay susunduin kita.]
"Saan tayo pupunta?"
[Sa condo ko.]
<\\\<
>\\\>
"A-Anong gagawin natin doon?"
[Hahaha Mamaya na.]
Siguro sa mga oras na 'to pulang pula na ko.Shez! Kung anu-ano naman kasi ang iniisip ko! >_<
"Sige, bye."
[Bye.I love you.]
"I love you too Half."
Pagkababa na pagkababa ko ng cellphone agad akong napahilamos sa mukha ko.Ano namang gagawin namin sa condo niya? Aish!
Hindi ako nakapag-concentrate sa mga ginawa ko dahil 'yon ang nasa isip ko.Urgh! Baka naman masyado akong OA. -_-
Ilang pirma at pindot pa sa laptop ang ginawa ko bago tuluyang matapos.Ako na lang yata ang nandito.Inayos ko na ang mga gamit ko at tinignan ang phone.8:03 pm na pala.Nasa baba na siguro si Half.
Pinatay ko ang ilaw at binuksan na ang pinto.Muntik ng malaglag ang mga gamit ko dahil sa gulat.
"Half! Ginulat mo naman ako." Ngumiti siya at naglabas ng bulaklak mula sa likod niya.
"For you."
"Thank---" Mabilis niya kong hinalikan sa labi.
"Welcome."
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...