Chapter 15

784 23 0
                                    


Half POV

"I-Im sorry pero ayoko na."

Ano nga bang karapatan kong hindi pumayag? Pagpapangap lang ang lahat.

Sabi na nga ba wala talagang forever!

Aww! Bakit kayo nag-break?!

Sure akong may dahilan si Ms.Zia Dethon kung bakit siya nakipaghiwalay. :(

Okay lang 'yan Papa Half! Im here for you! ^_^

Sinarado ko na ang laptop ko at sumilip sa binta ng kwarto ko.Hindi dapat ako nasasaktan.

Sure akong may dahilan si Ms.Zia Dethon kung bakit siya nakipaghiwalay. :(

Ano nga bang dahilan mo Zia? Napasabunot na lang ako sa buhok ko at tinungkod ang dalawa kong kamay sa gilid ng bintana.

Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko na dapat iniisip 'yon dahil tapos na ang lahat pero hindi ko maiwasang maalala yung oras na tumalikod na siya sakin.Hindi ko alam ang pakiramdam na 'yon pero parang may tumusok sa puso ko nang ilang libong karayom.Parang bakla! Pero 'yon talaga ang naramdaman ko.

Napahinga na lang ako ng malalim at balak na sanang isara ang kurtina pero natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae.

Autum

Nakakatawang isipin na siya ang dahilan kung bakit ulit kami nagkita ni Zia sa mall, sa ilang beses kong paghabol sakanya lagi na lang si Zia ang dahilan kung bakit hindi ko siya nakakausap.Siguro sa mga oras na 'to.Wala nang Zia'ng pipigil.

May sumundo na naman sakanyang dalawang babae kaya hindi na ko nagdalawang isip na sundan ulit sila.

Para akong stalker na sunod ng sunod kahit saang shop sila pumasok.Sa isang female botique ulit sila pumasok pero napatigil ako nang may matanaw akong isang pamilyar na babae.

Shvt! Nandito si Zia.

Mabilis akong nagtago doon sa likod ng stall at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas nakahinga lang ako ng malalim ng tuluyan na siyang makalayo.Tinignan ko naman ang pwesto nila Autum kanina pero nagulat ako nang makitang wala na sila doon.Aish!

Tumingin ako sa wrist watch kong suot.7:00 na pala ng gabi.Umuwi na lang ako para magpahinga pero hindi ko inasahan na makikita ko ulit si Autum pero iba na ang kasama
niya.Isang lalaki.

Napapalo na lang ako sa manibela ko at sinundan sila.Tsk sino naman ang lalaking 'yon? Sa Witon Park tumigil ang sasakyan nila.Hindi ako masyadong lumapit at hinintay muna silang makapasok sa loob bago sumunod.

Sino ba ang lalaking 'to? Mukhang sobrang lapit nila sa isa't-isa.Umupo sila sa bench matapos sakyan ang mga rides dito sa park.Nakamasid lang ako sakanila pero hindi ko inaasahang makita si Zia.

"Miss sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo."

Lalapit na sana ako sa pwesto ni Zia at doon sa lalaking nabunggo niya pero...

"What's happening here?" Tanong ng lalaking kasama lang ni Autum kanina.

Bumalik ang tingin ko kay Autum na ngayon ay mag-isa na lang nakaupo sa bench.Ito na siguro ang pagkakataon ko.

Huminga ako nang malalim at medyo lumapit sa pwesto niya at sa pagkakataong 'to alam kong nararamdaman na niyang may nakatingin sakanya.

Nagtama ang tingin naming dalawa, hindi ko alam parang tumalon ang puso ko sa saya.At last!

Tumalikod ako sakanya at nagsimulang maglakad sa parte ng park na mapuno.Kilala ko si Autum alam kong susundan niya ko.

Humarap ako sakanya ng tumigil na ako sa paglalakad pero nakita kong balak na niyang umalis kaya hinila ko siya pabalik.

"I-Ikaw?"

"Autum..." Saad ko sa pangalan niya at hindi mapigilang yakapin siya.I miss her...so much, pero tinulak niya ko at tinignan ng hindi maintindihan.

''Ako 'to Autum.Don't you remember me?" Kumunot ang noo niya at mukha itong nag-isip.

"This is me Half Alcantara." Sabi ko sa pangalan ko at para siyang biglang may naalala.

"Half..." Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ko ng parang tuluyan na niya akong naalala.

"At last Autum! Akala ko hindi mo na ako matatandaan." Natatawa kong sabi at umupo sa damuhan na agad naman niyang ginaya.

"Kailan ka pa umuwi?"

"Last month pa.Hinahanap kita kaya ng makita kita kanina.Sinundan na kita."

Pero hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko bago kita makausap.

"Dito ka na ba titira?"

"Yeah, nag paalam na ko kay Mom and Dad."

"Buti pinayagan ka?''

"Oo naman, hindi na rin ako bata."

Kilala na niya talaga ang parents ko napapailing na lang ako habang naaalala ang sobrang paghihigpit sakin nila Dad na nasasaksihan ni Autum.

"Talaga lang ha." Napatawa na lang kami.

Hinawakan ko ang kamay niya pero agad niya rin tong inagaw.

"Half---"

"Autum, tutupadin ko na yung mga sinabi ko sayo noong bata pa tayo." Nakangiti kong sabi pero nakita ko ang pagbuntong hiniga niya habang umiling.

"Half bata pa tayo 'non.Iba na ngayon." Tumayo siya kaya napatayo rin ako.Nag-iwas siya ng tingin sakin.

Nahuli na ba ko? Pero mahal ko siya.Hindi ako susuko.

"Autum---"

"Maging mag kaibigan na lang sana tayo."

Napahilamos na lang ako sa mukha ko.Kaibigan? Kaibigan na naman! Ilang beses akong huminga ng malalim.Hindi, hindi sa pagkakataong 'to susuko ako.

"Sorry Autum pero hindi ako papatalo sa lalaking kasama mo---"

"Si Ichiro pala!"

Hindi na ako nakapag-salita dahil bigla na lang siyang umalis.

Shvt! Huli na ba talaga ako?

Pero bakit pamilyar sakin ang pangalang Ichiro?





Note:

Pasensya na kung umulit ang part na 'to kailangan lang kasi baka may isang chapter pa na umulit.Don't worry pagkatapos naman non iba na.

Binigay ko lang ang side ni Half.Anyway! Kung may nalilito pwedeng pwede kayo magtanong sakin sasagutin ko naman. ^_^

-Erine♥

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon