Zia POVPaano mo ba masasabi sa tao na ayaw mo na? Pero ayaw ko na nga ba? Ngayong alam ko sa sarili ko na masaya ako pag-nanjan siya.
"We're here!" Tumingin ako sa labas at mula dito kitang kita ko na kung gaano kaganda ang resort.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Half habang agad niyang hinawakan ang kamay ko.Tumingin ako sakanya pero diretso lang ang lakad niya.
"Ayan na si Half!" Sigaw ng isang lalaki ng matanaw kami.
Humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Half ng makita kung gaano kadami ang mga kaibigan niya.
"Hahaha relax." Bulong niya sakin pero sa totoo lang gusto ko ng magtago sa likod niya.Naiiling ako sa mga tingin nila.
"Long time no see Half!" Sabi ng mga lalaki niyang kaibigan habang nakikipag fist bump sakanya.Nakangiti lang naman sakin yung mga babae kaya ngumiti ako pabalik.
"Anyway, this is Zia my girlfriend." Pakilala niya sakin kaya napunta ang lahat ng atensyon sakin.
"Hi." Alinlangan kong bati at nagulat ako ng maghiyawan sila.Huh?
Tumingin ako kay Half na napapailing.
"At last! Nagka-girlfriend na rin siya!"
"Congrats! Dude!"
Napangiti naman ako ng makita
ang pamumula ni Half.Hahaha.Kaya pala.Isa-isa naman silang nagpakilala at iilan lang ang natandaan ko."Yung Renz ba ang ikakasal?" Tanong ko nang makapasok kami sa kwarto na ni-reserve para samin.
Dalawa naman yung kama kaya hindi na ako nag-panic.Nakita ko naman ang pag-iling niya.
"Yung kapatid niya." Napatango naman ako pero pansin ko parin ang hindi niya pagtingin sakin.
"May problema ba Half?" Pinatong ko yung bag na inabot niya sakin doon sa napili kong kama.Habang umupo dito.
"Wala." Sabi niya pero hindi parin makatingin sakin.
"Meron eh, dahil ba sa nalaman kong NGSB ka?" Hula ko habang napapangiti.
Hindi ko inaasahan na ang isang Half Alcantara ay no girlfriend since birth.Hahaha.
"Aish!" Ginulo niya ang buhok niya habang tumingin na sakin.
"It's okay." Sabi ko pero napapatawa parin.Hindi talaga ako makapaniwala.
"Let's forget it." Seryoso niyang sabi na parang ayaw nang ungkatin 'yon.
"Okay." Kibit balikat kong sagot habang sinimulan ng kalkalin yung bag na inabot niya sakin kanina.
Urgh, puro shorts ang laman nito at mga sleeveless.Meron ding dalawang two piece.Pati na rin mga undergarments.Halos mamula ang pisngi ko aish! Bakit puro ganto?
"Half! Ikaw ba bumili ng mga 'to?" Siguro sa mga oras na 'to umuusok na ko sa inis.
"What? No.Si Whole.Bakit?"
Yung kapatid niya? Parang nawala bigla ang inis ko.Huminga ako ng malalim.Ano pa bang magagawa ko eh nandito na.Tsk.
*****
"Ilang beses nang na reject 'yan si Half kaya buti na lang may napasagot na rin sa wakas.Ikaw ang first girlfriend." Saad ni Renz habang pinapanood ang kaibigan na nakikipagharutan doon sa mga iba nilang kaibigan na lalaki.
Napasagot? Kung alam lang ni Renz ang totoo.Humigop ako sa juice na hawak ko at ngumiti sakanya.
Ilang beses na pa lang na reject si Half buti na lang at hindi siya natatakot mag-try ulit.
Pagkatapos kaya nitong fake relationship namin.Ano na kayang mangyayari sakanya? sakin?First girlfriend.
Ang sarap pakinggan pero fake lang ang lahat ng 'to.So? I guess hindi ako ang first.
"Saan kayo nag-meet?"
"Uhm...Sa mall.Natapunan ko siya ng kape." Nahihiya kong sagot pero humagalpak lang siya ng tawa.
"Seryosa ba 'yan?"
"Oo maman!"
Naalala ko pa noon sobrang bad mood talaga ako dahil sa nalamang kong may mahal ng iba si Ichiro.
"Honey babe..." Napaigtad ako ng may yumakap sakin mula sa likod.
"Sige Zia, Half, doon muna ako." Ani ni Renz at umalis na.
"Umayos ka Half." Hindi siya nakinig at mas sinubsob pa ang mukha niya sa leeg ko napansin ko ring medyo lasing na siya.
"Anong pinag-usapan niyo? Hmm?"
"Wala." Sagot ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap niya sakin habang nakatingin sa mga kaibigan niyang mga nag-eenjoy.
"Swimming tayo." Bago pa ako makaangal hinila na niya ako at sinama ako sa pagtalon.Sa kamalas malasan na sa malalim na part kami.
"Half! Hindi ako marunong lumangoy!" Mahigpit akong kumapit sa leeg niya.Tumawa siya at hinawakan ako sa bewang.
"Don't worry im here." Pinalo ko siya sa dibdib.
"Lasing ka na eh.Alis na tayo dito."
"Mamaya na, saka hindi ako lasing." Tumingin ako sa mga mata niya at alam kong medyo lasing na siya.Napailing na lang ako.
Tinignan ko ang mga kaibigan niya na nasa kabilang side ng pool.Nagtama ang tingin namin ni Renz.Tumango lang siya sakin.
"He likes you." Kumunot ang noo ko kay Half.
"Who?"
"Renz." Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala.
"Your just over reacting Half." Sagot ko pero umiling siya.Anong problema ng lalaking 'to? -_-
"Im jealous." His what? Bago ko pa ma-proseso ang sinabi niya.Bigla siyang lumubog kaya napasama ako dahil nakahawak ako sa batok niya at nakahawak naman siya sa bewang ko.
Aahon sana ako pataas pero hinigpitan ni Half ang pagkakahawak sa bewang ko.Nauubusan ako ng hangin! Aish!
Nabigla ako ng halikan niya ko at hindi ko na mapigilang humalik pabalik.I don't know but the way he kiss me it was really familiar.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...