Zia POVHindi ko na alam ang nangyayari sa paligid basta ang alam ko lang ay gusto ng pumikit ng mga mata ko.Gusto ng magpahinga ng katawan ko.
Naramdaman ko na lang ang likod ko na lumapat sa malambot na bagay.Ang dami kong naririnig na boses ngunit hindi ko na 'to maintindihan.Tanging isang tinig lang ang nangibabaw sakin bago ako tuluyang pumikit.
"Rest now."
Half
*****
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.Akala ko na sa taas parin ako ng puno ngunit natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga dito sa malambot na kama.Ginalaw ko ang kamay ko at ngayon ko lang napansin na may nakahawak dito.
"H-Half..." Halos hindi ko marinig ang boses ko.Nauuhaw na ko.
Inikot ko ang paningin ko.Natigil 'to sa orasan.Malapit ng mag 12:00 am, malapit ng mag-October 2.Tumingin ulit ako kay Half na nanatiling tulog parin.
Konti na lang at birthday na niya pero ito ako nakahiga dito at nanghihina.Bigla kong naalala ang napag-usapan namin sa gubat.
"Do you love me?"
"Did you choose me that time? Tell me Zia."
Narinig niya kaya ang sinagot ko? Pilit kong tinanggal ang kamay ko na hawak niya pero bago pa 'yon mangyari ay bigla na lang umangat ang ulo niya.Bago pa may lumabas na salita sa bibig niya, inunahan ko na siya.
"Happy birthday."
Nakita ko ang pag-ngiti niya habang tumingin sa orasan.12:00 am na.
"Thank you." Sagot niya at nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko.
"Are you hungry? Are you okay now?"
"Im thristy."
Tumango-tango siya bago ako iwan upang kumuha ng tubig.Napahawak na lang ako sa kamay ko na hinalikan niya.Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag-ngiti.
Narinig ko ang pag-bukas ng pinto kaya umayos ako ng upo.
"Here."
Inabot niya sakin ang isang basong tubig na agad kong kinuha at ininom.
"Thank you."
Ngumiti siya at naupo sa gilid ng kama ko.Umurong ako ng konti habang umiiwas ng tingin.Pakiramdam ko lahat ng dugo ko na sa pisngi ko na.Shez! Bakit ganyan siya kalapit sakin?
"W-What's your problem?" Lakas loob kong tanong habang hindi makatingin sakanya ng diretso.
"Don't do that again." Bigla siyang naging seryoso habang mas nilapit pa ang mukha sakin.
"Pinag-alala mo ko Zia." Bulong niya.Nag-angat ako ng tingin sakanya na sana pala ay hindi ko na ginawa dahil mas lalo lang nag-wala ang puso ko.
"Im sorry---" Bigla akong natigilan ng maalala ko yung lalaki.Agad akong nilamon ng takot.Nahuli kaya siya? Pero wala namang binanggit si Half.
"Namumutla ka.Are you really okay?" Pilit akong ngumiti at umiling.Mabuti pang huwag ko na lang sabihin.Hindi ko na naman siguro makikita ang lalaking 'yon.
"Im just hungry.Uhm, cook for me!" Paglilihis ko sa usapan habang tumingin ng diretso sa mga mata niya.Kailangan ko siyang makumbinsi.
"Okay." Sagot niya ngunit may paghihinala parin.
"Can you walk?"
Tumango ako dahil hindi na naman masakit ang sugat ko sa paa.Pumunta na kami ng kitchen.Habang naupo ako sa high stool chair ng makarating na kami dito.Pinanood ko lang si Half na maghanda ng mga ingredients para sa lulutuin niya.
"Paano ka natuto mag-luto?" Tanong ko sakanya habang nag-hihiwa 'to ng kamatis.Sinigang daw lulutuin niya.Well sinabi ko pa lang iyon ang lutuin niya.
"Mag-isa lang ako sa condo.No one's cook for me that's why I need to learn." Napatango ako.Mag-isa lang din ako sa condo and usually nagpapadeliver lang ako ng pagkain.Saka marunong naman ako mag-prito at hanggang doon lang 'yon.Minsan sunog pa.Kaya nga hindi ko alam kung anong lasa ng pagkain na binigay ko sakanya last time.Alam ko kasi na sunog yung hotdog doon kaya dapat ko rin ba siyang tularan?
"I can't cook." Pag-amin ko habang nakatingin sa hinihiwa niya.Narinig ko naman ang pagtawa niya na kinasimangot ko.
"Stop laughing." Medyo inis kong sabi pero nagpatuloy parin siya kaya nanahimik na lang ako.Kainis!
"It's okay, I'll cook for you." Saad nito matapos tumawa.Tumingin ako sakanya at mukhang seryoso siya doon.
"Nag-papadeliver naman ako kaya---"
"What? Kaya siguro hindi masustansya ang katawan mo." Mas lalo akong sumimangot.Sinasabi niya bang mahina ako dahil sa mga kinakain ko?
"Nakain ako ng gulay.Saka ganon din ang madalas kong ipadeli---"
"Fresh?" Natigilan ako at nilipat na lang ulit ang tingin sa ibang direksyon.Bakit ba nandito kami sa topic na 'to? Bakit namin pinag-uusapan ang mga kinakain ko?
Habang tumalikod naman siya para siguro tignan ang niluluto niya.Ilang minuto pa ang lumipas at hinanda niya na rin 'to.Ngayon ko lang din naramdaman na gutom na talaga ako.
"Wash your hands first."
Bumaba ako sa upuan ko at lumapit sa lababo.Nagkadikit ang braso namin habang hindi ko pinakita na naapektuhan ako at pinagpatuloy lang ang paghuhugas sa kamay ko.
"I can cook for you." Tumingala ako sakanya na ngayon ay seryoso ng nakatingin sakin.
"Healthy and delicious." Dagdag niya pa at naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko.Siguro sa mga oras na 'to namumula na ko.
"Half..."
"Hmm?"
Sobrang lapit na ng mukha namin and next thing I knew magkalapat na ang labi namin.Napahawak ako sa braso niya habang hindi ko mapigilan na humalik pabalik.
"I love you Zia Dethon.Can you be my girlfriend? and I can be your chef."
"Just kiss me."
"Hahaha but I need your answer honey babe."
Tumingin ako sa mga labi niya.Aish! Ano bang nangyayari sakin? And wait? Did he just call me honey babe?
"Im hungry." Nilingon ko ang Sinigang na naghihintay sakin sa lamensa.Upang makaiwas na rin sa tingin niya.
"But..."
Binalik ko ang tingin ko sa labi niya na ngayon ay may kakaiba ng ngiti.
"But what? Honey babe?"
Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko at parang gusto ko ng tumakbo palayo dito para lang kumalma.
"Stop." Wala sa sarili kong saad.
"Stop what?"
"Stop this..." Pinilit kong makawala sa mga bisig niya pero masyado siyang malakas.
"Do you want me to stop this?" Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya sakin habang nakita ko ang sakit sa mata niya.Para naman akong na-guilty.Hindi naman kasi 'yon ang ibig kong sabihin.
"Tell me how Zia because I don't know how to stop."
"T-Then don't..." Tumingkayad ako upang mahalikan siya.
"That's not what I mean.Im sorry." Saad ko habang lumayo ng isang hakbang.
Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.Napasimangot ako.This guy!
"I know." Nakakaloko niyang sabi at lumapit sakin pero umatras ako.
"You tricked me!"
"I'll accept what you did as a yes." Saad nito habang hindi pinansin ang sinabi ko.
"Whatever Half! Im hungry!"
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...