Chapter 33

644 19 1
                                    


Zia POV

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakasiksik dito sa puno basta ang alam ko nangangalay na ko at sobrang sakit na ng sugat ko.

Nagulat ako ng biglang kumulog kaya mas niyakap ko pa ang sarili ko at siniksik ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Mukhang uulan pa yata.Masyado namang masama ang araw na 'to para sakin haist.Pero buti na lang nawala na yung lalaki.Hindi pa ko nakakasigurado kaya dito na lang muna ako.

Unti-unti na ngang pumatak ang mga tubig galing sa langit hanggang sa lumakas na ito ng lumakas.Mabuti na lang at malaki ang punong ito.Hindi ako gaanong nababasa pero alam kong pagtumagal pa 'to mababasa rin ako.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ng mga palaka.What the! Mukhang papunta sila dito.Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako palayo sa puno na 'yon.

"Aish!" Napasandal ako sa isa pang puno ng maramdaman ang kirot ng sugat ko.

Biglang kumalabog ang puso ko ng matanaw ang lalaki sa malayo.Shvt! Kailangan ko ng makalabas dito! Tumingin ako sa paligid ko.

Tumakbo ako palapit sa isang puno na hindi gaanong mataas at pilit itong inakyat.Kagat kagat ko ang labi ko tuwing nararamdaman ko ang sakit.Naupo ako sa isang sanga at kumapit ng mahigpit sa iba pang sanga.

Basang basa na ko at puro putik na rin.Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.Gusto ko ng umalis dito pero alam kong delikado.Kumidlat na naman kaya mas napahigpit ang hawak ko sa sanga.Mas mabuti pang mamatay sa kidlat kesa mapunta sa lalaking 'yon.

Sinandal ko ang ulo ko sa katawan ng puno.Pagod na ko at gutom na rin.Sobrang hina na ng katawan ko pero ayokong sumuko.Kailangan ko pang makalabas dito.

Hindi ko na napigilan ang mata ko dahil ito na ang kusang pumikit habang unti-unti na kong hinihila sa pagkakatulog.

Bigla akong napamulat ng may humawak sa paa ko.Yung lalaki! Napatili ako at sinipa sipa siya.Tumuntung ako sa sanga pero nagkamali ako ng apak dahilan para mahulog ako.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko basta ang alam ko nandidilim na ang paningin ko.Manhid na ang katawan ko.

Nakita ko ang lalaki sa harap ko habang may kakaiba itong ngiti.

"H-Huwag..."

"Huwag..."

"Huwag!"

Nagmulat ako ng mata at napahawak sa dibdib ko.Panaginip lang pala.Tumingin ako sa baba at nagkaroon ng malaking pag-asa sakin ng makita si Half.

"Half! Nandito ako!"

Tumakbo siya palayo kaya dahan-dahan akong bumababa sa puno at hinabol siya habang iniinda na naman ang sakit ng sugat ko.

"Half!"

Tumigil siya sa pagtakbo kaya napangiti ako.Dahan-dahan siyang humarap at napaatras ako ng makitang hindi si Half 'to.Yung l-lalaki.Nakita ko na naman ang ngiti niya.Tatakbo na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"Bitawan mo ko!"

Mas lalong humigpit ang hawak niya at pakiramdam ko nababali na ang buto ko sa braso.

"Hahahaha!!" Kinilabutan ako sa tawa niya habang palapit siya ng palapit sakin.No!

"Argh!"

Sobrang bilis ng paghinga ko habang nakahawak sa dibdib ko.Akala ko totoo.Panaginip lang pala.Masyado ng naghahalo ang pagod sakin kaya siguro ako  nananaginip ng ganon..

Napansin kong tumila na ang ulan.Tinignan ko ang oras sa wrsit watch ko.11:00 na pala ng gabi.

Hinahanap na kaya nila ako? Oh baka hindi nila napansin? Pero si Khrislyn.Umaasa ako sakanya.Sinandal ko ulit ang ulo ko sa katawan ng puno.

Sa tingin ko dito na lang ako maghihintay.Kailangan kong hintayin ang tulong.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon