Chapter 14

777 28 1
                                    


Zia POV

"Mag-ingat ka! Hindi ko akalain na sasakyan ko tong kabaliwan mo." Sermon sakin ni Khrislyn habang tinutulungan akong makatakas dito sa Dethon University.

"Don't worry lilibre kita! Sige bye na!" Kumaway ako sakanya at nakita ko lang ang pag-iling niya.

Pupunta ako ngayon sa West Adams University.Obviously para kay Half pero para magpaalam.Gusto ko nang tapusin ang fake relationship namin.

"Hindi ba't sinabi ko nang lumayo ka sa Alcantara'ng 'yon?" Galiit na saad ni Daddy.

Sinubukan ko naman pero hindi ako makakuha ng magandang oras para makausap si Half.

"Apo, alam mong para sayo rin 'to." Naramdaman ko ang paghawak ni Lolo sa kamay kong nakapatong sa hospital bed na hinihigaan niya.

"Opo." Pilit akong ngumiti sakanya kahit masakit sakin na nakikita siyang nakahiga sa hospital bed na 'to.

"Gusto kong matapos na ang relasyon niyo nang lalaking iyon."

Ginawa lang naman namin 'to ni Half para hindi ipahiya ang pamilya namin and i guess dito na nagtatapos ang lahat.Naisip ko rin na mas mabuti na 'to.

"Pasensya na neng bawal ang babae dito." Sabi ng guard habang nakaharang sa daan.

Inaasahan ko na talaga 'to pero syempre may plan B ako.

"Pinapunta po ako dito ng principal para makausap si Mr.Alcantara." Sagot ko habang inabot ang I.D ng principal namin.Thanks to Khrislyn dahil nakuha niya 'to ng patago.

Ilang minuto tong tinignan ni kuya pero sa huli pinapasok na niya ako.Yes!

Mukhang sabay lang ang break time ng school namin at school ni Half.Makakausap ko siya agad.

Pinagtitinginan ako ng mga ibang estudyanteng lalaki.Na sa mukha nila ang pagtataka.Yung iba naman walang paki.Naalala ko tuloy noong pumasok ako ng Wilton.Gangster ang halos lahat ng lalaki doon at kung makatingin ay para kang hinuhubadan pero may iba namang mabait pero ibang iba dito sa WAU halatang mababait ang lahat.

"Hey!" May tumapik sa balikat ko kaya agad akong napalingon dito.Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"It's me Whole." Agad akong napatango.Yung kapatid ni Half.

"Dito ka rin nag-aaral?"

"Nag-transfer ako.Ayoko kasing mapalayo sa kuya ko." Sweet niyang sabi kaya napangiti ako.Malambing pala 'to si Whole.

"...you know ang sarap niya kasing asarin." Binabawi ko na pala yung sinabi ko. -_-

"Nakita mo ba siya?" Pag-iiba ko sa usapan.Nakita ko ang pagkislap ng mata niya at nagulat ako ng hapitin niya ako palapit sakanya.

"W-Whole anong---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko may biglang humila sakin at ng maamoy ko pa lang ang pabangong 'yon kilala ko na agad kung sino 'to.

"Uy! Bro!" Tumingin ako kay Whole at doon ko narealize ang ginawa niya napailing na lang ako.Trip niya talaga kuya niya.

"Magpapalipat na talaga ako nang school." Seryosong sabi ni Half at mukhang inis na inis.

"Huwag naman kalilipat ko lang." Mapangasar na sabi ni Whole pero hindi na siya pinansin ni Half at tinangay na ko palabas.

"Be ready." Bago ko pa matanong kung bakit nagulat ako ng buhatin niya ako.

"Half! What are you doing?" Pinalo ko siya sa dibdib at nagpapasag.Mas lalo kaming nakakuha ng atensyon pero mukhang walang paki si Half.

"Kuya! Na-tapilok po kasi girlfriend ko! Kailangan na niyang madala sa hospital!" Sabi ni Half sa guard habang ako hindi alam ang gagawin.

Si kuya naman parang nataranta at binuksan agad ang gate.

"Loko ka Half!"

Tawa kami ng tawa hanggang sa makalayo na kami sa school niya.

*****

Bumalik kami doon sa park na madaming nagtitinda ng street food pero para hindi kumain.

"Ang bagal mo Half!" Sigaw ko nang maunahan ko siya sa pagbibike.Yup, marunong na ko magbike!

"Be careful Zia." Dinig kong sigaw niya napangiti na lang ako.

Talagang ma-mimiss ko 'to kasi pagkatapos nito alam kong hindi ko na ulit mararamdaman ang sayang 'to.Ang sayang si Half lang ang nagparamdam sakin.

"Are you okay?" Tumango ako habang inabot ang tubig na nasa kamay niya.

Palubog na ang araw at napagdesisyonan kong pagkatapos nito ko tatapusin ang lahat.Kasabay ng pagtatapos ng araw.

"Thank you for everything Half." Ngumiti ako sakanya at binalik ulit ang tingin sa araw.

"Always welcome honey babe."

Honey babe...

Tahimik lang kaming nakamasid sa araw hinihintay ang tuluyang paglubog nito.Ang sarap sa pakiramdam na makasama sa buhay ni Half kahit maikling panahon lang 'to.Alam kong may babae pang mabibigay ang saya na hindi ko kayang ibigay.

Nilingon ko si Half at nakita ko lang ang mukha niyang nakangiti habang nakatingin sa araw.Ayoko sanang tanggalin ang ngiting 'yon pero oras na.

(N/P: Memories of You) (Para mas feel niyo! ^_^)

"Half..." Lumingon siya sakin pero nakangiti parin.

"Tapusin na natin 'to." Dagdag ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"W-What do you mean?" Tumayo na rin siya at tinignan ako ng hindi maintindihan pero alam kong may parte sakanya na alam ang ibig sabihin nito.

"I want to end this.This relationship." This fake relationship.

"But---"

"Half, your a good guy and i know may babaeng---" Lumapit siya sakin at nilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

"Madami ng nagsabi sakin niyan Zia.So please huwag mo nang ituloy." Para akong binagsakan ng isang sakong simento nang marinig ang sakit sa boses niya.

"I-Im sorry pero ayoko na." Nakita ko ang pagtango niya.Hindi ko 'yon inaasahan.

"I get it but can i h-hug you?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at ako na ang yumakap sakanya.

Ilang minuto kaming tahimik at na sa ganong posisyon lang.

"Thank you Zia for making me happy.I never felt this feeling before."

Tumango lang ako at niyakap siya ng mahigpit.

"I-I think it's time Half." Lumuwag ang yakap niya sakin and i guess this is a goodbye.

"Thank you..." Pilit akong ngumiti sakanya at tuluyan ng tumalikod.

"...my honey babe."

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon