Chapter 2

1.5K 47 0
                                    

Ilang minuto pa akong nag-stay sa harap ng Park bago naisipang umuwi.

Zia Dethon

Hindi mawala sa isip ko ang pag-ngiti niya sakin kanina.Yung pagwawala niya sa Park.Parang isip bata.Napailing na lang ako.

"Saan ka galing Kuya?"

Naabutan ko si Whole na nakaupo sa sofa pero hindi ko makita ang mukha niya.

"Anong trip mo at nakapatay ang mga ilaw?"

"Tinatanong kita."

"Sapak?" Napa-poker face na lang ako ng buksan niya ang lamp shade sa gilid ng sofa.

"Mom! Si Kuya oh, galing bar! Lasing!"

"What the fvck Whole?" -_-

Don't tell me nandito na si Mom? Oh niloloko lang ako nitong si Whole.Tsk as if i care.I just want to rest.

Paakyat na sana ako sa kwarto ko pero natigilan ako ng makita ko si Mom sa hagdan.Shvt! Nandito na nga siya.

"M-Mom..."

"May kasama ka raw na babae kanina?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.Hanggang dito ba naman pinapasundan niya parin ako sa mga tauhan niya.

"Mom, pwede bang itigil niyo na ang---"

"No Half, nagkaintindihan na tayo dito."

Napahinga na lang ako ng malalim at nilagpasan siya.Wala ako sa mood makipagtalo dahil alam ko namang matatalo parin ako.

"Im talking to you Half."

Tumigil ako sa paglalakad at pagod siyang hinarap.

"Bukas na lang.Im tired."

Simula bata pa lang ako ayos lang sakin ang laging may nakasunod na tauhan ni Mommy pero ngayong malaki na ko.Nagsisimula na akong mainis dahil kahit ang mga personal kong ginagawa.Ni-rereport nila kay Mom.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at pinikit ang mga mata ko.I really miss this place.

"Half! Wake up!!!"

That voice.Napamulat ako at agad kong nakita si Autum na nagtatalon sa kama ko.

"What are you doing here?"

"Hahaha! Ang cute mo Half!"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Get out!"

"Hahaha!"

Autum Pereira.I miss her...so much.Makakausap ko na sana siya pero pagminamalas ka nga naman.Nagkaaberya pa.

Tumayo ako at pumunta sa malaking bintana ng kwarto ko.Sumilip ako sa kabilang bahay at halos mamilog ang mata ko ng makita si Autum.

"Autum---Shvt!"

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa bahay nila.Aish! Wala na naman.

"Bro! Pahiram ng kotse." Lumingon ako kay Whole pero wala na siya doon.Tsk!

"Whole---"

Narinig ko ang pagharurot ng sasakyan ko dahilan para mapasampal na lang ako sa noo ko.Bumalik sana ng maayos 'yon. -_-

"Half, let's talk." Tumingin ako sa suot kong wrist watch.8:00 na pala ng gabi.

"Bukas na Mom!"

Mabilis akong lumabas ng bahay at nagpara ng taxi.Alam ko namang sesermonan niya lang ako kaya mas mabuting umalis na lang doon.

Pinara ko ang taxi sa unang bar kong nakita.Kahit noong na sa Seoul pa ko.Libangan ko na talaga ang pumunta sa mga bar kasama ng mga kaibigan ko.

Papasok na sana ako sa loob pero natigilan ako ng makita ko ang kotse ko.Nandito pala ang loko kong kapatid.

Malilikot na neon lights at malakas na music ang sumalubong sakin.Madami dami na rin ang mga tao.

"Tequila." Sabi ko sa bartender na mabilis naman niyang binigay.

"Half!"

"Shvt!"

May yumakap sakin mula sa likod kaya mabilis ko tong nilingon.

"Zia?"

Ba'se sa itsura niya mukhang lasing na siya.Ngumiti siya sakin kaya nakita ko na naman ang dimple niya.Nag-iwas ako ng tingin.

"Sino kasama mo?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuuang bar baka na sa paligid lang ang mga kasama niya.

"Hmmm...*hulk* W-Wala."

Bigla siyang bumagsak sa dibdib ko dahilan para matigilan ako ng ilang minuto.Sinilip ko ang mukha niya.Tulog na.Mukha ba akong unan-slash-driver niya?

Inisip ko tuloy kung ano ang ginawa niya sa Park matapos ko siyang ihatid doon.

Binuhat ko siya ng parang sako nang bigas palabas ng bar.Mukhang may problema talaga ang babaeng 'to kanina naiyak ngayon nag-lalasing.

"Bwisit ka Half!" Natawa na lang ako habang pinapanood siyang mag-suka.

"Ayokong masukahan mo ang kotse ko." Pinaglaruan ko sa kamay ko ang duplicate ng susi nang kotse ko.Matalim ang tingin niya sakin, but still cute.

"Come on, saan ba bahay niyo? Hahatid na kita." Nakita ko ang pag-irap niya bago punasan ang bibig niya.

"No need! I can handle my self! Jan ka na!"

Naglakad siya pabalik sa bar pero bago pa siya makapasok hinila ko na siya.

"What?" Inis niyang tanong at matalim parin ang tingin sakin.

Napalunok ako ng makita na naman ang mga matang 'yon.
Parang bumalik lahat ang nangyari doon sa Seoul.

The way she kissed me.Her lips, her eyes.It was all amazing.

"Half." Para akong natauhan ng tawagin niya ang pangalan ko.Binitawan ko ang wrist niya at mabilis na tumalikod.

"Stupid." Bulong ko at napapikit ng madiin.Pano kung makilala niya ko? Makakatanggap na nama ako ng sampal.Tch.Stupid Half.

"What did you say?!"

Sinabayan niya ako sa paglalakad at pilit na hinuhuli ang mga mata ko.

"Im not stupid!!"

"No, not you." Tumigil ako sa paglalakad at niligay ang dalawa kong kamay sa bulsa ko.Ano bang nangyayari sakin? Aish!

"Im going home." Bubuksan ko na sana ang kotse ko pero natigilan ako ng marinig ang sinabi niya.

"Akala ko ba ihahatid mo ko?"

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon