Chapter 22

696 23 0
                                    


Half POV

"Half..."

"Half..."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Zia pero wala akong makita kung hindi ang puting kisame.

"Gising na siya!"

"Oh! Thank God!"

Pinikit-pikit ko ang mata ko para makita ng maayos si Whole at si Mommy.Where's Zia? Narinig ko ang boses niya kanina.

"Are you okay now?" Tango lang ang sinagot ko kay Mommy.Pakiramdam ko nawalan ako ng boses.Ilang oras na ba ko dito?

"Water..." Nanghihina kong sabi na mabilis namang inabot sakin ni Whole.Napapikit ako ng makaramdam ng kaginhawaan.

"Thanks..."

Napatingin naman kami sa pinto ng bumukas 'to.Isang lalaki nama'y suot na puting coat ang pumasok and i guess siya ang Doctor, meron tong kasama na dalawang nurse.

Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari at kung anong ginagawa ng Doctor at nurse sakin basta bigla ko na lang naalala ang gabing huli kong nakausap si Zia.

"Half..." Napapikit ako ng madiin ng marinig ang malumanay niyang boses.God! I miss her!

"May na realize ako ngayon. *cough*" Shvt! Nagsusuka na ko ng dugo.

"A-Ano bang nangyari sayo? Please Half s-sabihin mo sakin kung hindi papatayin ko tong tawag..." Agad naman akong nag-panic.No, may kailangan pa kong sabihin, gusto ko pang marinig ang boses niya.

"Huwag." Pigil ko habang tinignan ang kutsilyo na nakasaksak sa tyan ko.Ang dami ng dugong nawawala sakin.Ayaw kong makita ako ni Zia sa gantong sitwasyon.

"Magkikita pa tayo diba?"

Magkikita pa nga ba kami?

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam? Aalis ka ba? Saan ka naman pupunta? Nakakainis ka!" Mas lalo akong nasaktan ng marinig ang pag-iyak niya.

"Zia---"

"Ang daya mo Half! Bakit ayaw mong sabihin kung nasaan ka?"

"Don't cry p-please...Shvt..." Hindi ko na yata 'to kaya fvck! Huminga ako ng malalim para makakuha ng kahit konti pang lakas.

"Zia...My honey babe...Ikaw lang nagparamdam sakin nito.Parang bakla man pero gusto kong s-sabihin na *cough* ma---" She cut me off.

"Huwag mo ng ituloy Half." Para akong binagsakan ng isang sakong simento na mas nagpadagdag pa sakin ng sakit.Bakit ayaw niya ituloy ko? May hula na ba siya sa sasabihin ko? Tanga ba ko para hindi isiping may mahal na pala siyang iba?

"Hahaha, ano nga bang inaasahan ko? S-Si Ichiro...siya ang---"

"Huwag ka na kasing magsalita! *hulk* I hate you! Nakakainis ka! *hulk* Galit ako sayo!"

She hate me but bullshvt! Bakit siya umiiyak? What's your reason Zia? Huh? Bakit siya umiiyak? Hindi ko alam!

"Pupuntahan kita *sob* "

"Akala ko ba galit ka s-sakin?"

"Oo, kaya gusto kita makita *hulk* para sapakin ka!"

"Hahaha."

Your really different but i think i need to end this...now.

"Sige na b-bye na."

"Ayoko! Sabihin mo muna kung nasaan ka! *sob* please honey babe..."

W-What did she called me?

"Fvck."

"Bakit---"

"Can you please r-repeat it?"

Pumikit ako ng madiin.Nababaliw na ko.

"A-Ang alin?"

Huminga ako ng malalim at umiling.

"Huwag na pa---..."

"Honey babe..." Pinakiramdaman ko ang pagtawag niya sakin.

"Honey babe, honey babe, honey babe." Hindi ko mapigilang matawa ng ulit-ulitin niya nga 'to.

"Mahal kita..." Sabi ko pero hindi siya nag-salita.Nabigla ko ba siya? But i don't care i need to say this to her.

"...ngayon ko lang na realize.Hahaha wrong timing ba? *cough* Siguro oo.Pero ayos lang.S-Sana'y na kong ma-reject."

Please don't reject me...

"He's okay now."

Nawala ako sa pag-iisip ng marinig na nag-salita ang Doctor.Nakita kong nakahinga ng malalim si Mommy at ngumiti sakin.Umiwas ako ng tingin.Alam kong uulanin niya ko ng tanong tungkol sa kung anong nangyari sakin.

Kahit wala na ako sa sarili kong wisyo kinuha ko parin ang phone sa bulsa ng pants ko ng marinig na may nag-text dito.Napadami yata inom ko fvck!

Minulat kong maiigi ang mata ko para makita kung sino ang nag-text.Humigpit ang hawak ko sa phone ko ng makitang isa tong litrato.

Si Zia at Ichiro.

Napailing ako at binalik ang phone ko sa bulsa ko.Wala dapat akong maramdaman na kahit ano.Matagal na kaming wala ni Zia isa pa peke lang ang lahat.Pero shvt! Bakit ako nag-seselos? Oo na! Nag-seselos na ko! Nag-seselos ako dahil mahal ko siya.Hahaha! Bakit ngayon ko lang na-realize?

Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan ko habang inis na hinampas ang manibela.Wala kang pag-asa Half! 'Yan dapat itatak mo sa utak mo! Si Ichiro...yun ang taong mahal niya at kailan man hindi magiging ikaw.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at hindi ko alam kung saan na ba ko pupunta.Fvck this feeling!

Napapreno na lang ako ng makitang babangga ako sa isang eskinita.Aish! Parang biglang nawala ang pagkalasing ko.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko pero nagulat ako ng may makitang lalaking nakatayo dito.Sasarado ko na sana ulit pero mabilis niya kong nahila palabas at naramdaman ko na lang ang pagsaksak niya sa tagiliran ko.Hindi na ko na ka laban at napaupo na lang sa gilid.Nakita kong pinaandar na niya ang sasakyan ko paalis dito.

Fvck! Buti na lang hindi nakuha ang phone ko.Kinapa ko 'to sa bulsa ko at kahit may nag-send saking picture ni Zia kasama ang 'ibang lalaki' Ito ako hinahanap ang pangalan niya sa contacts ko para tawagan.I need to hear her voice.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon