Chapter 10

927 28 0
                                    


Zia POV

"What happened?"

Mabilis na dumalo sakin si Half habang hinawakan niya ako sa balikat at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Im fine Half, na sprain lang---"

"Lang? Are you kidding me? Can you walk?" Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tumango.

"Nakakalakad ako no! Nasaan ba yung kotse mo?"

"Wait here."

Tanging tango lang ang sinagot ko at ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang pamilyar niyang sasakyan.

Inalalayan niya akong sumakay at pagkatapos non ay tahimik lang siyang nag-drive.

"Next time please tawagan mo ko or i-text man lang---" I cut him off.

"Hindi na kailangan Half kaya ko ang sarili ko."

"No! Zia, im worried! Im worried because i care." Mahinahon niyang sabi habang pumikit ng madiin at huminga ng malalim na parang nagtitimpi.

He cared.

May paki siya sakin? I don't know pero marinig mula 'yon sakanya parang tumalon ang puso ko.No one cares to me.Even my parents alam lang nila business, pera lang ang mahalaga sakanila.Even Ichiro.I know it's my fault pero kahit sa nararamdaman ko sakanya ngayon wala na siyang paki.Masakit.He leave me katulad ng ginawa ko sakanya two years ago.Karma ko na siguro 'to.

"Okay..." Nakayuko kong sabi habang pinaglaruan ang mga daliri ko.

Tumigil na ang sasakyan niya kaya sumilip ako sa labas at mabilis ko namang nakita ang building ng condo ko.

"Ihahatid na kita sa condo mo.Can you walk?" Tumango ako kahit sa totoo lang masakit na talaga ang paa ko.

Magpahinga raw ako sabi ng nurse pero ito ang ginagawa ko ngayon, kanina pa palakad-lakad.

"Hindi mo kaya." Sabi ni Half ng makapasok kami sa elevator.

"Malapit na rin naman tayo." Nakita ko lang ang pag-iling niya.

Dalawang babae lang ang kasabay namin sa elevator na kanina pa nakatingin samin.Ewan ko kung namamalikmata lang ba ako oh totoong nakangiti sila samin.

"Let me help you." Saktong pagbukas ng elevator binuhat niya ako dahilan para muntik na kong mapatili pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

Agad akong kumapit sa batok niya dahil pakiramdam ko mahuhulog ako bago siya sinapak sa dibdib.

"Ibaba mo ko Half! I can walk!" Mariin kong bulong sakanya at minabuting hindi iparinig doon sa dalawang babae.

"Huwag kang malikot honey babe." Malambing na bulong niya sakin habang hindi pinansin ang sinabi ko. 

Alam kong pinasadya niyang iparinig doon sa dalawang babae yung sinabi niya kaya halos himatayin na sa kilig yung dalawa.

"Kyaaahh! Picturan natin sila!"

"Ang gwapo ni Half Alcantara sa personal!!"

Napailing na lang ako ng marinig ang sinabi nung isang babae.Yeah, Half is handsome pero sana hindi na niya pinarig.
-_- Wala lang naiinis ako.

"Doon mo na lang ako ibaba." Sabi ko ng makapasok na kami sa condo ko bago ituro ang sofa ko at doon naman niya ako binaba.

"Thanks."

Akala ko aalis na siya pero nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at maingat na kinuha ang kanang paa ko na na-sprain.

"W-What are you doing?"

"Just rest and relax." Saad niya habang sinimulan tong hilutin.

Wala na akong nagawa kung hindi sumandal na lang at ipikit ang mga mata ko.Pagod na talaga ako at wala na akong oras para intindihin pa ang mga bagay.

*****

Tumayo ako mula sa kama ko nang mainis sa taong doorbell ng doorbell.Hindi na naman ako nagulat kung bakit nandito na naman ako sa kwarto ko.Hindi na rin masakit ang paa ko i think magaling na siya.Thanks to Half.

Handa ko na sanang sermonan kung sino man ang taong na sa likod ng pinto pero halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino ang mga 'to.

"Mom...Dad..." Mahina kong bulong.

"We need to talk." Ma-awtoridad na saad ni Daddy dahilan para bumilis ang pag-pintig ng puso ko.Im dead.

*****

"What is the meaning of this?"

"Hindi ka namin pinalaki ng ganito Zia."

Nakayuko lang ako habang pinapagalitan ni Daddy.Palakad-lakad siya sa harap namin ni Mommy habang sinasabi ang mga 'to sakin.

Si Daddy na 'to.Kung ano ang sinabi niya 'yon dapat ang masunod kaya nanahimik na lang ako.Hindi sapat ang sorry sakanya.Ang gusto niya ay gawin kung ano ang ipinaguutos niya.

"Sinabihan ka na raw ng Mommy mo pero sumuway ka parin."

I know nagkamali ako doon hindi ko naman sinasadya.I was bad mood that time.Gusto ko lang naman makalaya sakanila kahit maikling panahon lang and i guess dito na nagtatapos ang lahat.

"Kailangan mo nang tapusin ang relasyon mo sa Alcantara na iyon!"

Hindi na ako nagulat at dahan-dahang tumango.Alam ko this time wala na akong magagawa.

"At simulan mo na ulit pa-ibigin ang batang Wilton."

Matapos sabihin ang mga 'yon tumayo si Mommy at sabay silang naglakad palabas.Tumakbo ako sa pinto para unahan sila.

"Bye Mom Dad ingat po." Hinalikan ko sila pareho sa cheeks.Tanging tango lang ang sinagot nila bago tuluyang lumabas.

Sinarado ko ang pinto at napasandal na lang dito.Kahit ganon sila sakin masaya parin ako at binisita nila ako dito kahit hindi para kamustahin.

Ngayon kailangan kong makausap si Half.

Kailangan kong sundin si Dad pero mukhang mahihirapan ako dahil alam kong itataboy lang ako ni Ichiro.

I love him at mamahalin ko siya hindi dahil sa pera niya.Ito ang dahilan kung bakit ako umalis noon dahil masyado na akong sinasakal nila Daddy at ngayon bumalik ako umaasang mahal niya parin ako pero mukhang nasagot na ang tanong ko.

"Tapusin na natin 'to Zia."

"You leave me 2 years ago so i gues? We're over? Right?"

Sa tuwing naaalala ko 'yon parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon