Zia POV"Akala ko ba sa Sunday pa?" Tanong ko kay Renz ng magkaroon ako ng oras para makausap 'to.
"Ibig kong sabihin.Hanggang Sunday tayo dito." Napairap na lang ako.Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.Bakit ba hindi na ko nasanay sakanya? -_-
Tumingin ako sa bonfire na ginawa ng mga barkada ni Half.Mukhang nagkakasayahan sila doon.Hindi naman ako masyadong nakikipag-usap sakanila dahil bukod sa dalawang beses pa lang namin 'to na pagkikita.Hindi pa nila alam na wala na kami ni Half.I mean hindi naman kasi talaga naging kami that time.
"Can we talk?" Pareho kaming napatingin ni Renz sa nagsalita.Si Khrislyn.
"Sige, iwan ko na muna kayo." Sabi ni Renz at mabilis ng umalis.
Bigla naman akong hinila ni Khrislyn palayo doon.Don't tell me may balak na naman siya sakin.Oh sadyang OA lang ako? Pero matapos ng gawin niya sakin this past few weeks.Hindi ko na alam.
But still, I trust her.She's still my bestfriend.A person who always there for me.Wala lang talaga kaming pagkakaintindihan.
Nakarating na kami sa medyo dulo ng beach kung saan puro puno na ang makikita mo.Hindi naman madilim dahil hanggang dito may ilaw parin at isama mo pa ang liwanag ng buwan.
"Anong pag-uusapan natin?" Binitawan na niya ang wrist ko at hinarap ako.
"May relasyon ba kayo ni Renz?"
"Wala!" Mabilis kong sagot.Bakit niya ba naiisip na may relasyon kami ng lalaking 'yon?
"Eh ni Half?"
Lumapit pa ako sakanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Wala rin Khrislyn at yung dati? Fake lang 'yon."
Nakita ko ang sobrang pagkagulat sa mukha niya.Dapat talaga matagal ko ng sinabi sakanya 'to.
"No way!" Tinabig niya ang kamay ko habang may hindi makapaniwalang tingin sakin.
"Super sweet niyo! Saka yung mga ngiti niyo..." Dagdag niya pa na kinatawa ko.
"Umarte lang kami Khrislyn.Fake lang 'yon." Saad ko at naupo sa bato.
"B-Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Kaming dalawa lang kasi ang dapat makaalam pero tapos na kami kaya ngayon ko lang sinabi sayo."
Ilang minuto kaming natahimik at halos pag-alon lang ng tubig ang maririnig mo sa paligid.
"Ang galing niyo!" Pumalakpak siya habang hinampas ako.
"...may talent ka pala doon." Mapait akong ngumiti sakanya.
"Pero Zia gusto kitang makausap--I mean humingi ng tawad."
"Pinapatawad na---"
"No! Masyado akong pinangunahan ng selos saka yung mga pictures? Dad mo nagpapadala sakin non."
Kumunot ang noo ko.Si Dad? Napakagat ako sa ibabang labi ko.Para akong nanghihina.Bakit niya ginawa 'yon?
"Im sorry Zia.Babawi ako sayo promise!"
"Bakit 'yon ginawa ni Dad?" Wala sa sarili kong tanong.
"Hindi ko rin alam."
Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Mommy.Iyon ba ang dahilan niya?
"Im going to France."
"Binabalak kong isama ka at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral mo."
"Mas maganda ang magiging buhay mo doon Zia."
"Pero Mommy pano si Dad?"
"Siya ang may gusto nito."
"Khrislyn, gusto ko munang mapag-isa."
"Pero---"
"Please?"
Naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko bago tuluyan ng umalis.Huminga ako ng malalim habang niyakap ang sarili ko.
Gusto nila akong paalisin dito sa Pilipinas dahil nabigo ako.Iyon lang ang sigurado ako.
My Dad, kahit ganon siya I still love him.Gusto niya ang nakakabuti sakin kahit may masaktan pang tao pero hindi ko hahayaan 'yon.Ayokong maging makasarili.
"Hi Miss."
Agad akong napatayo ng may humawak sa balikat ko.Napaatras ako ng makitang isa tong lasing na lalaki.
"Come with me." Nilahad nito ang kamay niya na tinignan ko lang.Malaki siyang lalaki at kayang kaya niya kong buhatin kaya kinabahan na ko dahil alam kong wala namang makakarinig sakin dito kaya ang tumakbo lang ang unang pumasok sa utak ko.
"Hey! Comeback!"
Lumingon ako at nakita kong hinahabol niya ko kaya mas binilisan ko pa.Napunta na ko sa gubat pero hindi parin ako tumigil sa pagtakbo.
"Urrgh!" Napaupo ako ng matalisod ako sa bato.Pinilit kong tumayo para magtago sa likod ng puno.May butas dito kaya pinilit kong sumiksik para hindi ako makita ng lalaki.
Pinunit ko ang ibabang damit ko para talian ang paa kong nagdudugo.Tinakpan ko ang bibig ko ng marinig ang pagtunog ng mga tuyot na dahon.
"Where are you? Pagnakita kita patay ka talaga sakin." Kinagat ko ang dila ko at napatakip na lang sa mukha ko.
God help me!
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...