Zia POV6 years later
Pumikit ako habang pinakiramdaman ang hangin ng Pilipinas.Sa wakas.Nakauwi na rin matapos ng anim na taon.
Sa America ako nagtapos ng pag-aaral sa kursong Arts & Design balak ko ring pumunta ng France para mas matuto pa pero sa ngayon dito muna sa Pilipinas.Hindi sumama sakin sila Daddy at mas pinili nilang maiwan doon.
Masasabi kong naging maayos ang buhay ko sa America at dahil doon kung bakit mas naging close pa kami ni Dad.Naging sucessful ang pag-papaopera sakanya sa puso dahil sa magagaling na mga Doctor doon.
Walang nakakaalam na uuwi ako ngayon at balak kong sorpresahin si Khrislyn.Kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Natawa ako noon dahil halos magalit siya sakin sa pag-alis ko ng walang pasabi.
"Nakakainis ka naman Zia! Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos!" Napatawa ako dahil sa pagdadabog niya.
"Sorry biglaan din kasi."
"Haist! Ewan ko sayo! Pasalamat ka! Mahal kita."
Kinakamusta naman niya ako minsan at nag-sesend ng mga pictures kung saan siya pumupunta.Ewan ko ba sa babaeng 'yon dapat daw updated ako sa Pilipinas.
"Girl! Sumama ako kila Renz para makita ang sunrise!"
Tinignan ko ang picture nila ni Renz na parehong nakangiti pero hindi 'yon ang napansin ko kung hindi yung lalaki na nasa likod nila na nakaupo sa bato habang nakatingin sa Dagat.Si Half.
Bigla akong naiyak ng mga oras na 'yon.I miss him.
Wala yatang gabi na umiiyak ako noon sakanya hanggang sa na realize kong wala namang magagawa ang luha ko dahil iniwan ko na siya.
"Kailan ka ba uuwi? Ha? Babae? Na-mimiss na kita!" Sabi niya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay.
"Hindi ko pa alam." Iyon ang lagi kong sagot sakanya.Humalumbaba ako habang pinapanood siyang maglakad.
Nanlaki naman ang mata ko ng may mahagip 'to.Si Half ba 'yon?
"Nasaan ka?"
"Ha? Papuntang mall!" Napatango naman ako.Baka namamalik mata lang ako.Haist.
"Sige, babush na! Basta umuwi ka na ha?" Ngumiti ako at kumaway sakanya bago isara ang laptop ko.
Nabalik ako sa realidad ng may magbusina na sasakyan sa harap ko.May taxi na pala.Sumakay na ko at sinabi ang address ng dati naming bahay.
Ang dami na palang nagbago dito.Kung sabagay.Anim na taon na ang lumipas.Siya kaya? Kamusta na? Paniguradong kinalimutan na niya ko dahil sa sobrang galit sakin.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakapasok na kami sa village.
"Dito na lang po." Sabi ko sa driver ng makita na ang bahay namin.
Tinulungan ako ni manong sa mga gamit ko kaya binigyan ko siya ng sobrang bayad.Humarap na ko sa dati naming bahay at mukhang inaalagaan talaga 'to ng mga taong iniwan nila Mom.
"Ay! Ma'am Zia?" Mas lumawak ang ngiti ko ng makita si Manang.
"Kamusta po?"
"Naku! Kayo nga! Pasok po!" Binuksan niya ang gate habang tumawag ng lalaki na nagbabantay din sa bahay upang buhatin ang mga gamit ko.
"Maayos naman kami dito ma'am.Kayo po mas lalo kayong gumanda." Ngumiti ako sakanya bago tignan ang kabuuang garden.Puno parin ng bulaklak.
"Sila Sir po?"
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...