"Get in." Binuksan ko ang pinto nang front seat at hinintay siyang makapasok.
"Salamat." Rinig kong sabi niya bago ko isara ang pinto.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob.Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to.Kanina masungit ngayon naman parang kuneho na naliligaw.
Iniisip ko tuloy kung bakit ko 'to ginagawa.Kung bakit hindi ko mapabayaan ang babaeng 'to. -_-
Sinulyapan ko siya at nakita kong naka-pout lang siya habang tahimik na nakatingin sa labas.
Aksidente lang kaming nag-kita sa bar at nagkabunguan sa mall.Hinatid ko siya sa gusto niyang lugar.At ito na naman ako ihahatid siya sa bahay niya.
Napailing na lang ako.Siguro naman pagkatapos ng araw na 'to.Hindi na ulit kami magkikita.
"Dito na lang."
Hininto ko ang sasakyan at tumingin sa labas.What the hvll?!
"Saan ang bahay mo?" Tanong ko at pinaandar ulit ang makina ng sasakyan.
"Buksan mo na tong pinto Half.Dito na lang."
Nagtama ang tingin naming dalawa at kitang kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.Huminga ako nang malalim bago mag-iwas ng tingin.
"Saan ang bahay mo?" Ulit ko at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan.
"Ang kulit mo Half! Pabayaan mo na ko!"
"Ikaw ang makulit Zia.Ihahatid kita sa bahay niyo.Hindi sa bar!"
"Half!"
"What?"
Tinigil ko ang sasakyan at inis siyang hinarap.Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko.Naiinis na rin ako sa sarili ko.
"Dito na lang.Please?"
Napapalo na lang ako sa manibela.
"I can't believe this."
*****
"Taraaa!!! Dali!"
Hinila niya ako sa isa sa mga table doon at umo-order ng madaming hard drinks.Pinanood ko lang siyang mag-inom habang napapailing.
Hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to at hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko.Aish! Bakit ko ba 'to ginagawa?
"Sayaw tayo!!"
Hinila niya ako sa dance floor dahilan para magbalik ang nangyari noon sa Seoul.
"Pervert!"
Napangiti na lang ako ng maalala 'yon.Hindi ko alam pero parang nakaisip ako ng magandang ideya.Hahaha, pervert pala huh?
Hinawakan ko siya sa bewang at mas nilapit pa sakin.
"What are you doing Half?" Ngumiti ako pero siya nakakunot na ang noo.
"What do you think?" Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sakanya habang pilit siyang nalayo sakin.
"Don't you remember me?" Bulong ko sa tenga niya pero marahas niya akong tinulak.
"Anong ibig mong sabihin?"
"This."
Hinila ko siya at hinalikan sa labi.Akala ko itutulak na naman niya ko pero hinalikan niya rin ako pabalik.Shvt! Hindi ito ang plano ko.
Parehas kaming naghahabol ng hininga ng maglayo ang labi namin.
"Im sorry!"
"Zia, wait---"
Fvck! Hindi ko dapat ginawa 'yon pero gusto ko lang naman maalala niya ko.Aish!
Sinundan ko siya palabas ng bar pero nakita ko na lang na sumakay na siya ng taxi.Oh! Great! Tsk!
*****
"Oh! Shvt! Akala ko may nag-nakaw na ng kotse!" Salubong sakin ni Whole pero dire-diretso lang ako ng lakad.
"Alam kong regalo 'yon ni Autum sayo kaya alam kong papatayin mo ko pag-nawala ko 'yon pero---"
"You're right." Hindi ko na pinatapos si Whole at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.
Isa sa mga dahilan kung bakit ako umuwi dito ay dahil para kay Autum.Kailangan ko na siyang makausap at makita ulit.May pangako pa akong dapat tuparin.
Hinawakan ko ang labi ko at naalala ang nangyari kanina.Naalala ang mga binulong ni Zia.
"I love you..."
"...Ichiro."
![](https://img.wattpad.com/cover/88824129-288-k155487.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Novela Juvenil"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...