Zia POVPumasok parin ako ng school kahit hindi ako nakatulog ng maayos at umiyak ng buong gabi.Siguro mukha na kong Zombie.Kasalanan 'to ni Half.
Hindi ko ma-kontak si Whole at kahit ang mga kaibigan niya.Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko nakita ang batong na sa harap ko kaya naman lumagapak ako sa lupa.Aish! Ang sakit!
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makitang nagkasugat ako sa tuhod.May dugo.
"Ayos ka lang hija?" Napatingala ako sa nag-salita.Si Miss Flores.Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Kinakarma na siya."
"Malandi kasi."
Hindi ko na lang pinansin ang mga naririnig ko at ininda ang sakit na nararamdaman ko sa tuhod ko.
Ilang araw pa ba ako magiging ganito? Yung taong palaging nanjan sakin bigla na lang din nawala.Siguro mahirap talaga akong pakisamahan.Sa bawat araw na dumadaan mas nararamdaman ko ang pagiging kulang, mag-isa.Wala akong matakbuhan.
Tumingala ako sa lugar kung saan dinala ako ng mga paa ko.Wilton University.Napailing na lang ako sa sarili ko.Huli na 'to.
Inipon ko ang lakas ng loob ko bago pumasok dito pero hindi pa ako nakakaapak ng may humila sakin pabalik sa labas.
"What are you doing here?" Irita niyang tanong pero imbis na sumagot ay dahan-dahan akong lumuhod.Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko 'to.
"Zia, stand---"
"Im sorry, sa lahat Ichiro.I hope you forgive me."
*****
I need a break, i need to rest, i need to think.Im tired.Kailan ba ako naging masaya? Hindi ko na maalala.Si Half lang ulit nag-paramdam sakin non pero katulad ng iba iniwan niya rin ako.Ni ayaw niya nga akong makita siguro nga tama sila karma ko na 'to.
Nilanghap ko ang sariwang hangin ng Tagaytay habang nakatanaw sa Mt. Taal.Nag-paalam ako sa principal na mawawala muna ako ng one week naging madali lang sakin iyon dahil siguro Dethon ako.
Ilang sermon ang natanggap ko kay Dad at isang sampal kay Mommy.Mahirap pa lang mabuhay na walang tao na kaya kang intindihin.
Si Khrislyn sana pero kinamumuhian na niya ako ngayon at sa bawat araw na nagkikita kami mas lalo lang yata lumalala ang galit niya sakin.
Sa totoo lang sawang sawa na ako sa mga ka-dramahan ko sa buhay.Gusto ko maging masaya.Maging masaya at kontento sa sarili ko yung hindi ko kakailanganin ng iba.Pusible naman 'yon diba?
Isa pa.Na realize kong siguro guilty lang tong nararamdaman ko para kay Ichiro.Hindi ako pinatatahimik ng konsensya ko sa pag-iwan ko sakanya kaya iniisip kong mahal ko parin siya kahit ang totoo ay hindi na.
Time na siguro para sarili ko naman ang isipin ko.Masyado ko ng inisip ang ibang tao.Napangiti ako ng makita ang magandang kuha ko sa Mt. Taal.Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang tinitignan ang mga kinuhanan kong mga lugar.Sumubo ulit ako ng isa pang pirasong chips bago 'to ilipat.
Natigilan ako sa pag-nguya ng makita ang sunod na picture.Ito yung first date namin.Ilang minuto pa akong nakatitig dito bago napagdesisyunan na itabi na 'to.Ayoko ng pindutin ang next dahil alam kong puro pictures at videos na namin 'yon ni Half.
Umalis ako sa pagkakahiga at lumabas nitong kwarto ko.Na sa isang bahay ako na pinagawa nila Mommy last year.Minsan na rin kasi silang napunta dito.
Halos 7:00 pm na ng gabi kaya naisipan kong lumabas at kumain na lang sa restaurant or fast food chain na makita ko dito.Marunong akong magluto pero tinatamad akong bumili ng mga ingredients.
Sa isang restaurant malapit dito ang napili ko since gutom na rin ako dahil chips lang ang kinain ko kanina.Sino bang mabubusog doon? -_- Umupo ako sa table na malapit sa glass para mukhang loner na talaga ako.
Nag-order na ko at hinihintay na lang ang pagkain pero nanlaki ang mga mata ko ng may mahagip 'to.Shvt! Si Renz! Ano namang ginagawa ng lalaking 'yan dito? Tinakip ko ang buhok ko sa mukha ko para hindi niya ko makita.
"Here's your order ma'am."
"Thank you." Sagot ko pero tinatago parin ang mukha ko.Aish! Ayoko namang maging assuming pero ayoko ring makita niya ko.Baka mas uminit lang ang dugo sakin ni Khrislyn.
Sumilip silip ako para tignan kung nanjan pa siya at nakahinga ako ng maayos ng makitang lumabas na siya.Haay! Salamat!
*****
"Kapagod!" Bulong ko at binagsak ang katawan ko sa kama ko.
Gusto ko ng matulog pero hindi ko maiwasan na isipin si Half.Kung nandito si Renz pusible kayang nandito rin siya? Ano naman kayang ginagawa nila dito? Teka, paki ko ba? Ayaw niya nga kong makita diba?
May pasabi-sabi pa siyang mahal niya ko? Bullshvt siya! Kung mahal niya ko ba't ayaw niyang mag-pakita sakin?
"Urghh!!" Ginulo ko ang buhok ko at padabog na umupo.HINDI BA SABI KO WALA AKONG IISIPIN KUNG HINDI SARILI KO LANG?! Eh ano tong ginagawa ko ngayon? Tsk.
Napatigil ako sa pagwawala ng may kumatok sa pinto ko.Tumingin ako dito at hindi ko alam dahil biglang kumalabog ang puso ko.
Dahan-dahan pa ang pagtayong ginawa ko dahilan para mabagal akong makarating sa harap nito.Kumatok ulit yung kung sinong tao man ang na sa likod nitong pinto.Humingi ako ng malalim bago 'to buksan.
Fvck!
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...