Chapter 19

738 26 0
                                    

Zia POV

"Ayos ka na?" Tumingin ako kay Renz habang pilit na ngumiti at sumubo ulit ng isa pang kutsara ng ice cream.

"Ginawa mo naman akong bata nito." Nagkibit balikat siya.

"Tumigil ka naman sa pag-iyak." Tama naman siya.Hindi ko alam kung anong trip ni Renz at bigla na lang bumili sa naglalakong ice cream na dumaan sa harap namin kanina.

"Anyway, pwede mo akong sabihan ng problema mo." Tumingin ako sakanya pero nakatitig lang siya sa ice cream niya.

"...pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo."

Huminga ako ng malalim at inubos na ang ice cream ko.

*****

"Nauubusan na tayo ng oras Zia, kailangan mong maunahan ang mga Natali." Hinulot ko ang sentinido ko at pilit na tumango kay Dad.

Umuwi na ako dito sa condo ko para magpahinga sana pero hindi ko inaasahan na pupunta sila Dad dito hindi para kumustahin ako kundi para sabihin sakin na unahan na ang mga Natali.Pagod na ako sa mga gantong eksena hiling ko na mapagod din sana sila Dad para pabayaan na nila ako.

"Aasahan ko 'yan." Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas na sila pero napangiti ako ng sumilip si Mom pabalik.

"Inaasahan ka rin ng lolo mo kung ayaw mo ulit siya ma-ospital gawin mo ang pinagagawa ng Dad mo." Nawala ang ngiti ko at napakagat na lang sa ibabang labi ko.

"O-opo..."

"Good."

Narinig ko ang pagsara ng pinto kasabay ng pagbagsak ng ulo ko sa dalawa kong tuhod.

Pagod na ko...

Lagi na lang bang ganto? Wala ba akong kalayaan na piliin ang gusto ko? Alam kong para sakin yung mga ginagawa nila ngayon pero nasasakal na ko.Bawal na ba kong magpahinga?

*****

Hindi ko alam kung anong meron sa mga estudyante ngayon at tuwing nakikita nila ako para silang nadidiri sakin.

May nakataob na papel na lumipad sa paa ko kaya pinulot ko 'to at gulat ng makita kung anong nakalagay dito.

Malandi! Mang-aagaw! Huwag tularan!

Kumunot ang noo ko ng makita ako at si Half sa harap ng isang bar.Sandali? Siya yung lalaking 'yon? Sumunod ay yung kaming dalawa ni Ichiro kahapon sa harap ng Wilton at si Renz na tinulungan din ako kahapon.Nalukot ko na lang ang papel na 'to.Sino naman gagawa nito?

Bwisit talaga ang nagpakalat ng maling balitang 'to.Hindi niya alam kung anong kwento sa likod nito.Tsk! Hanggang dito ba naman hinahabol ako ng kamalasan?

Pinagtatanggal ko ang mga papel na makita ko at wala na akong pake sa mga estudyante na pinagtitinginan ako.Urgh! Kainis!

"Your here." Napalingon ako ng marinig ang boses na 'yon.Kumunot ang noo ko sakanya.

"Kilala mo ba kung sino ang---"

"Ako."

"Ha?" Para akong nag-loading ng ilang minuto at natauhan lang ng may lumapat sa pisngi ko.Napahawak ako dito dahil sa hapdi.

"Anong problema mo?" Tanong ko ng tuluyan ng matauhan.

"Ikaw! Mang-aagaw ka!" Sinampal na naman niya ako pero sa pagkakataong 'to sa kabila naman.Wala pang nakakasampal sakin ng ganito.

"Hindi ko alam ang mga binibintang mo Khrislyn---"

*pak*

Napahawak ulit ako sa kaliwang pisngi ko.Hindi ko na 'to nagugustuhan.Sumusobra na siya.

"Nag-sisinungaling ka pa! Kitang-kita ko na!"

Sasampalin niya sana ulit ako pero nasalo ko agad 'to.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!"

"Si Renz!" Kumunot ang noo ko.Anong meron kay Renz?

"Nakita ko kayo kahapon!"

"Sandali Khrislyn!" Napatampal na lang ako sa noo ko.Mali ang iniisip niya pero hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sakin.

Kilala ako ni Khrislyn siya lang ang tanging nakakakilala sakin sa lahat ng mga taong nakapalibot sakin kaya hindi ko maisip na agad niya akong pinagbintangan at hindi man lang ako pinagpaliwanag.

*****

Katulad ng inasahan ko hindi naging mapayapa ang araw ko ngayon at sa tingin ko mas malala pa sa mga susunod na araw.Aish! Hindi talaga ako makapaniwala kay Khrislyn.

Hindi niya talaga ako hinayaan ipaliwanag ang side ko.Isa rin sa mga hindi ko malimutan ay yung picture namin ni Half sa bar.So? Siya pala yung lalaking 'yon.Ano ba yung mga sinabi ko ng gabing 'yon? Urgh! Hindi ko na matandaan. >_<

"Zia!" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang taong tumawag sakin.

Nanlaki ang mata ko ng makitang si Renz 'to.Tumingin ako sa paligid bago tumalikod at naglakad ng mabilis.

Baka ma-issue na naman kami ng lalaking 'to at mas pag-initan pa kami ni Khrislyn.Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero alam kong kailangan kong umiwas.

"Sandali!"

Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero nahablot niya agad ang braso ko.Aish! Wala na akong nagawa kung hindi ang huminto.

"May lakad ka?"

Humarap ako sakanya at dumistansya ng konti.Nakita ko ang paghinga niya ng mabilis.Masyado ba akong mabilis maglakad?

"Ah, oo sige! Una na ko." Tatalikod na sana ako pero hinila niya ko pabalik.

"Sandali lang may sasabihin ako.Ilang minuto lang naman." Hindi ako sumagot at tumingin-tingin lang sa paligid.

"Nagkikita pa ba kayo ni Half?" Natigilan ako at napatingin sakanya.

"Hindi na." Sagot ko kahit alam kong nagkita kami kahapon dahil sa picture na nakita ko.

"Ganun ba? Sige." Kumunot ang noo ko ng tumalikod na siya.Hindi ko naman mapigilan na hawakan siya sa braso.

"Sandali Renz bakit mo tinatanong---"

"Kahapon pa kasi siya hindi nagpapakita samin.Kahit ang kapatid at Mama niya nag-aalala na."

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon