Chapter 29

703 21 1
                                    


Zia POV

*PAK*

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko ng maramdaman na naman ang malakas na sampal ni Khrislyn.

"Malandi ka talaga!" Sabi niya habang may binato saking mga litrato.

Yumuko ako at tinignan ang mga 'to.Picture namin 'to ni Half kahapon habang napasok sa building ng condo niya at picture namin ni Renz na naguusap noong araw din na 'yon.Hindi ko namamalayang may tumulo na pa lang luha sakin kaya mabilis ko tong pinunasan.

Masakit makarinig sa isang tao ng masasamang salita pero mas masakit pala pag nanggaling na 'to sa taong malapit sayo.Hindi ko alam kung anong problema ni Khrislyn.Siguro nga nagkulang ako sa paliwanag sakanya pero alam kong wala rin naman siyang balak makinig.

"Boyfriend ko si Renz! And now pinagsasabay mo sila ni Half!"

Napailing ako.Tinatanong ko sa sarili ko ngayon kung ito pa ba ang kaibigan ko.

"I can't believe you Khrislyn." Nanghihinayang kong sabi bago siya iwan doon at ang mga estudyanteng nakikinig samin.

Hindi ako makapaniwala sakanya.Ganon na ba talaga ang tingin niya sakin? Malandi? Parang kumikirot ang puso ko tuwing naaalala ang sinabi niyang 'yon kanina.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko.Paniguradong namumula 'to.Haist! Ang lakas namang sumampal ng babaeng 'yon.

"Hello." Sumimangot ako sa lalaking sumabay sakin sa paglalakad ng makalabas ako ng school.Siya may kasalanan nito! Hindi sana ako masasampal ng ganito. TT^TT Ang sakit kaya.

"Ano na namang kailangan mo?" Tanong ko habang tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

"Okay na kayo ni Half?"

"Hindi pa." Nawala ang ngiti sa labi niya pero ilang minuto lang ay bumalik din.Baliw -_-

"Sama ka sa Sunday." Kumunot ang noo ko.

"Saan? At bakit ako sasama? -_^" Iniisip ko pa lang parang hindi lang dalawang beses ang matatanggap kong sampal kay Khrislyn.

"Dahil birthday ni Half! That's the perfect day para mag-bati kayo!" Bigla akong kinabahan.Malapit na pala birthday niya.

"Sigurado ka ba Renz? Baka hindi siya---"

"Don't worry Zia akong bahala sayo." Saad nito sabay kindat sakin.Napasimangot ako.

"Ikaw bahala? Ako kawawa." Umiling ako habang pinagpatuloy na ang paglalakad.

"Basta! Hihintayin kita!" Rinig kong sigaw niya pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

*****

Pinagmasdan kong matunaw ang ice cream sa baso na binili ko kanina.Haist! Hindi ako makakain ng maayos.Ang sakit pa rin ng sampal ni Khrislyn.TT^TT

"Try this, honey babe."

"Masarap?"

"Hmm...let me taste it again."

"Ano?"

Nalipat ang atensyon ko sa hawak kong camera.Hindi ko alam pero napangiti na lang ako.This is our first date.

"Good morning everyone! Im gonna make some delicious breakfast to my honey babe.But before that..."

Nagulat ako ng makitang nakaupo si Half sa kama ko.Tinapat niya sakin ang camera at swear! Masasapak ko talaga siya! Ang panget ko dito!

"Honey babe?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita ang paglapit ng mukha niya sakin.

"Okay! Enough.Let's go to kitchen."

Ito yung part na napanod ko pero na low battery naman yung camera.Nakita ko ang pagpapatuloy kung pano nagluto si Half.

"I think gising na siya."

Sabi niya sabay kindat sa camera.

"Good morning Honey babe!!"

"HALF!!"

Nakita ko ang sarili ko na kagigising pa lang habang masama ang tingin kay Half.

"What?"

"Aish! Hindi pa ko naghihilamos!!"
Biglang gumulo yung video at tawa lang ni Half ang naririnig ito yata yung parte na inanagaw ko yung camera sakanya.

"Don't worry cute ka parin naman."

"Akin na 'yan!"

"Hey."

Likod ko na lang ang nakita habang na sunod siya sakin.Super beastmode ko pala dito.

"Honey babe..."

"Honey babe mo mukha mo!"

"Ano? Susunod ka rin dito?"

Nakita ko ang sarili ko na nakasandal sa pinto ng cr habang nakasimangot sakanya.

"Half!!"

"Hahaha!"

"Bahala ka jan!"

"Bwisit ka Half!!!"

"Beast mode na honey babe ko."

Bulong niya sa camera.Akala ko doon na magtatapos pero biglang nakita ang mukha niya.

"I love you Zia!"

Nanlaki ang mata ko.Nag-vivideo pa pala siya nito?

"I hate you Half!"

Dinig kong sigaw ko pero medyo mahina dahil nakalayo na siya sa kwarto.

"I love you too daw."

Ngumiti siya at sa hindi malaman na dahilan na pause ko 'to.Ilang minuto akong nakatitig dito.

I miss him, his smile, his laugh, his hug.

Bigla kong naalala na inimbatahan pala ako ni Renz sa birthday ni Half.I think his right.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon