Chapter 36

702 19 1
                                    


Zia POV

"Okay lang ba talaga na nandito tayo?" Tanong ko kay Half habang sinusubukan na sumilip sa baba pero nahila na niya ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya.Aish.

"Let's just watch the star and forget everything for a while." Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa langit.

Umayos ako ng higa sa tabi niya at tinignan din ang langit.Ang daming stars.Napakatahimik at kalma ng gabi ngayon.Pumikit ako upang pakiramdaman 'to.

"Zia..."

Napamulat ako at nilingon si Half na ngayon ay pinagmamasdan na pala ko.

"Bakit?"

"Don't leave me." Ilang minuto kaming nagkatitigan.Anong ibig niyang sabihin? Ngumiti ako at niyakap siya.

"I won't."

Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik.Pumukit ulit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya.Ang bilis.

"Promise." Dagdag ko pa bago bumitaw sa pagkakayakap.

"Bumababa na kaya tayo dito? Pakiramdam ko mahuhulog tayo." Pag-iiba ko sa usapan at tumayo na.

"5 minutes." Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ulit ako pabalik.

"Half!" Sumubsob ulit ako sa dibdib niya.Seriously? Pano kung nabutas ang bubong at mahulog kami pababa? Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakahiga ko kanina.

"Si Ichiro." Rinig kong banggit niya dito habang lumingon sakin at niyakap ako palapit sakanya.

"What about him?" Kunot noo kong tanong pero umiling lang siya.

"Nothing."

"Okay." Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nakita ko ang pagtingin niya sa labi ko.Tch this guy.

"Honey babe."

"Oh?" Umiiwas na ako ng tingin pero hindi ko mapigilan na mapatingin sa mukha niya.Aish baliw na ko.

"Can I taste it again?"

Huh? Wala naman kaming dalang pagkain.Anong titikman niya?

"Ang alin?"

"This." Bago ko pa madagdagan ang sasabihin ko naramdaman ko na lang ang paghalik niya sakin.

Sinubukan kong umupo pero nabigo ako dahil napunta na siya sa ibabaw ko.Napakapit na lang ako sa batok niya.Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at ang halik niya pamilyar sakin.Bigla ko na lang naalala ang bar sa Seoul ng pumikit ang mga mata ko.

Nag-sasayaw ako sa gitna habang may lalaki---

"Kayo jan! Sa kwarto kayo! Aish! Hindi niyo dapat ginagawa 'yan dito!" Sabay kaming napalingon sa nagsalita.Si Renz habang nakatungtong 'to sa hagdan.

Tumingin ako kay Half na sobrang lapit parin sakin.Natulak ko siya pero mahina lang dahil nanghihina pa ang kamay ko dahil sa nangyari.

"Half." Tawag ko sakanya at agad naman siyang umalis sa ibabaw ko.

"Tch, Ikaw Renz.Baba na! Susunod na kami.Tsk."

"Siguraduhin niyo---Sabi ko nga." Binigyan siya ng masamang tingin ni Half kaya bumababa na 'to.

"Aish! that---"

"Baba na tayo." Hinila ko  siya sa kamay para makalapit sa hagdan.Lihim akong napangiti habang pinapanood siyang bumubulong patungkol kay Renz.

"Today is your birthday! You need to be happy." Saad ko ng makababa kami mula sa bubong ng isang bahay na sa pagkakaalam ko pinagawa ni Half para raw sakanya.

"Im happy.You don't have any idea how happy I am now." Tumango tango ako pero natigilan din ng may maalala.Aish! Wala pa pala akong gift sakanya.Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang tinignan siya ng alanganin.

"What's wrong?"

"Uhm...kasi---"

"Zia!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sakin.Si Khrislyn.Tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako.

"Sorry." Bulong nito pero wala doon ang atensyon ko dahil masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"C-Can't breath..."

"Hey! Hey! Enough." Ani ni Half at nilayo sakin si Khrislyn.Napahinga ako ng malalim.

"Ay, hehe sorry." Sabi niya at napakamot na lang sa ulo.Ngumiti ako habang tinapik siya sa balikat.

"It's okay."

Tumingin ako kay Half at tinignan siya ng makahulugan pero kumunot lang ang noo niya.Napailing ako.

"Mag-uusap lang kami ni Khrislyn." Napatango naman siya at naglipat lipat ang tingin saming dalawa.

"But---"

"Sige na honey babe doon ka muna." Saad ko bago pa niya madugtungan ang sasabihin niya habang tinutulak siya sa direksyon ni Renz.

"Okay." Suko niya at kusa ng naglakad.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Khrislyn ng makalayo na si Half.Magsasalita pa lang ako pero naunahan na niya ko.

"Saka tama ba pagkakadinig ko honey babe?"

"Ah, oo kasi---"

"Kayo na ulit?" Saad nito habang hinawakan pa ako sa dalawang balikat. Tumango na lang ako.

"Oh my! Congrat---"

"Khrislyn!" Tawag ko sa pangalan niya dahil mukhang hindi siya titigil sa kakatanong.

"Huh?"

"I need your help."

Note: Wait for the dedication! Thank you! ^_^

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon