Zia POVNakatanga ako sa laptop ko habang paulit-ulit na pinanood ang nangyari kahapon doon sa mall.
303,407 views
"I know this guy! Oh my gosh! It was Half Alcantara!"
"Kyaaahh!!! Ito ba ang girlfriend ni Half Alcantara?!"
"Is this Zia Dethon?"
"Grabe! Kakilig sila sa mall!"
"Bagay sila!"
"Walang forever!!"
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang binabasa ang mga comments sa baba.
"That's enough." Sumimangot ako kay Half ng isara niya ang laptop ko.
Katulad nga ng pinag-usapan namin kahapon.Nag-meet kami.Dito napili ni Half sa isang cafe malapit sa West Adams University.Matapos niya kong hilahin paglabas ko ng school ko kanina.
Tumingin ako sa paligid at may iilang nakatingin samin kaya mas tinakip ko pa ang buhok ko sa mukha ko.Habang inayos naman ni Half ang saklob niyang suot.
"Hindi mo sinabing sikat ka pala." Natatawa kong sabi pero siya naman ang sumimangot sakin.
Hindi na naman ako nagulat.Sikat ang mga Alcantara dahil sa kanilang mag-kapatid.Minsan ko nang narinig ang pangalan nila at hindi ko akalain na tama pala ang description ni Khrislyn sa kanila.
"So? What's your plan?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
"Wala akong plano." Inirapan ko siya at humigop sa capuccino ko.
"What? Eh pano---"
Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.Napangiti ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya.Gulat na gulat
"Kyaaaahhh! Bagay talaga sila!"
Sabay kaming napalingon sa nag-salita.Nakita ko ang kumpol ng mga babae na nakatingin sa direksyon naming dalawa.Tumayo silang lahat at halatang pupunta dito sa namin.Bago ko pa malingon si Half naramdaman ko na lang na hila-hila na niya ko palabas ng cafè.
"Half!" Pigil ko sakanya at nilingon ang cafè.
"What?"
"Yung laptop ko!"
"Shvt!"
Inikot ko ang paningin ko para maghanap ng matataguan tumigil ang mata ko sa maliit na eskinita sa likod ni Half.Hindi na ako nagdalawang isip na itulak siya doon.Sobrang sikip kaya halos dikit na dikit kaming dalawa.
Nanlaki naman ang mata ko ng makakita ng ipis.Titili na sana ako pero maagap na tinakpan ni Half ang bibig ko.
"Quiet." Bulong niya pero umiling ako.Makita na kami ng mga babaeng 'yon huwag lang ako madikitan ng ipis!!
"Half---hmmm!"
Narinig ko na ang pagdaan nung mga babae kaya bago pa sumilip si Half para i-check, na una na kong lumabas at pinagpag ang sarili.
"Let's go!" Hinila niya ulit ako pabalik sa cafè at buti na lang nandoon pa yung laptop ko.
Sumilip ako sa labas at nanlaki ang mata ko ng makita na naman yung mga babae.Bumalik na sila.
"Ayan na ulit sila, Half!"
Imbis na sa kaliwa kami dumaan sa kanan kami dumiretso.Hindi ko akalain na magiging ganito 'to kahirap!
"Get in." Mabilis akong sumakay sa taxi na pinara niya.Sumunod naman agad siya habang nilingon ko yung mga babae na mga nanghihinayang.
"Hahaha! That was fun!" Nakangiti kong sabi habang nilingon si Half.
"You told me to leave you alone and now---"
"Oh! Forget that! I changed my mind."
"Urgh, hindi talaga kita maintindihan." Iiling-iling niyang sabi pero nginitian ko lang siya.
*****
"What? Pretend?" Tumango tango ako sakanya habang sumubo ulit ng panibagong ubas.
Sa condo niya kami dumiretso matapos ng nangyari kanina.And now nagawa kami ng plano kung pano malulusutan itong gulong pinasok namin.
For sure nakarating na 'to kila Mom and Dad but i don't care dahil alam kong masusulusyonan ko naman 'to.
"Yeah, then after a weeks pwede nating ipakita na break na tayo.Ganon ka simple!"
"Hindi ako makapaniwala na sasakyan ko tong kabaliwan mo." Nakasimangot niyang sabi.Tinaas ko ang dalawa kong kamay at kinurot siya sa cheeks.
"Just relax! And enjoy!!!"
"Tch." Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya habang napapailing.
"Tara gawa na tayo video!" Sabi ko at nauna ng tumayo sakanya.Mukhang magiging masaya 'to!
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...