Chapter 16

793 27 0
                                    


Zia POV

"Buti naman at tinapos mo na ang relasyon---"

"Ayoko na pong pag-usapan ang tungkol doon." Putol ko kay Dad habang nag-iwas ng tingin.

Hangga't maaari ayoko nang pag-usapan pa si Half tapos na kami at ang mga tapos na ay dapat ng kalimutan.

"Anyway, nakausap mo na ba ang batang Wilton?" Tumingin ako kay Mommy at umiling.Kahit sa totoo lang nag-kita kami kahapon.

"Miss sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo." Saad ng lalaking nabunggo ko.Sasagutin ko na sana siya pero may nauna na sakin.

"What's happening here?"

That voice.Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Lumingon ako sakanya at ng magtama ang tingin namin nakita ko ang pagkagulat niya.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tinawag ang Manager nitong park.

"Are you okay?" Nagulat ako sa tanong niya pero pinili kong tumango.

Matapos makuha ang sagot ko tumalikod na siya at nagsimulang maglakad kaya nataranta ako.

"Ah, s-sandali!" Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"Can we talk?"

"Huwag niyong i-pressure itong apo ko alam kong magtatagumpay na siya sa pagkakataong ito." Lumipat ang tingin ko kay Lolo na ngayon ay halatang malakas na.Pilit na ngiti lang ang binigay ko sakanya.

*****

Pagod akong sumalampak sa kama ko.It's been 2 days magmula ng tapusin ko ang fake relationship ko kay Half pero bakit pakiramdam ko napakatagal na nito? Yes, i miss him.Nasanay akong nanjan siya----

Urgh! Ano ba tong iniisip ko? We're over at ang dapat na iniisip ko ay si Ichiro.Biglang bumalik sakin ang mga salitang binitawan niya.

"Can we talk?" Tuluyan na siyang humarap sakin at ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko.

"About what?" Kinagat ko ang ibabang labi ko habang sinilip ang babaeng kasama niya kanina pero wala na 'to sa bench na kinauupuan niya.This is my chance.

"Ichiro, i-i still love you..." Lakas loob kong sabi pero wala man lang akong nakita ni katiting na ekspresyon sa mukha niya.It was all blank.

"If you really love you me hindi mo dapat ako iniwan and im sorry to tell you this but hindi na kita mahal, so please Zia? Let me go."

Madiin kong pinikit ang mga mata ko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

(N/P: Meron nang iba by Silent Sanctuary)

He's right kung mahal ko siya hindi ko dapat siya iniwan pero may dahilan ako.Maling mahalin ko siya sa maling proseso, sa maling pagkikita dahil ayokong dumating ang araw na tatanungin niya sakin kung mahal ko ba siya dahil isa siyang Wilton oh dahil mahal ko lang siya dahil sa business na 'to.

Mali ba ko? Napasapo na lang ako sa noo ko.Hindi ko alam, na guguluhan na ko.

"...hindi na kita mahal, so please Zia? Let me go."

Ayoko sanang maniwala pero kanina kitang kita ko kung paano siya napapasaya ng babaeng kasama niya.Na dapat ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.Susubukan ko parin.Baka may konti pa namang pagmamahal para sakin si Ichiro.

Kahit konti lang...

*****

"Ayos ka lang girl?" Walang ganang tumango ako kay Khrislyn.Mukha siguro akong zombie.

"Okay lang 'yan makakamove-on ka rin kay Half pero hindi kita maintindihan ikaw nakipag-break tapos ikaw tong nagluluksa." Umiling na lang ako sakanya.Hindi naman para kay Half ang luhang 'to.Kay Ichiro.

"Aalis na ko." Saad ko at inayos na ang mga gamit ko.

"Sandali! Mag-mall muna tayo---"

"Ikaw na lang.May pupuntahan pa ko." Putol ko sakanya at sinukbit na ang bag ko sakin.

"Saan naman?" Tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Basta, sige na.Ikaw na lang mag-mall." Sabi ko at tinulak na siya sa ibang direksyon habang nag-para ako ng taxi.

Kailangan kong makausap si Ichiro and this time sasabihin ko na ang lahat.Lahat-lahat.

Bumaba na ko ng taxi matapos mag-bayad.Hinarap ko ang Wilton at nagulat ako ng makita si Ichiro sa harap nito.

"Ichiro!" Walang pagdadalawang isip kong tawag sakanya.

Lumingon siya sakin at nakita ko ang pag-iling niya.

"Huwag kayong sumama sa camping." Agad niyang sabi ng tuluyan na kong makalapit sakanya.

"H-Ha? Bakit?"

"Gawin mo na lang." Tatalikod na sana siya pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Sige pero---"

"Good." Hinila niya ang braso niyang hawak ko at tuluyan ng pumasok sa loob.Sumunod ako pero agad akong hinarangan ng guard.

"Ichiro, wait---"

"Sorry ma'am pero bawal po kayo dito."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.Pinapahirapan niya ba talaga ako?

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon