Note:Para sa mga hindi pa nakabasa ng Wilton .Uulitin ko ang ibang parte ng storya pero naka summary na.
*****
Half POV
Nag-transfer ako sa Wilton para kay Autum.Oo ginawa ko 'yon.Pinayagan niya rin akong manligaw sakanya.Kahit sinabi niyang bilang kaibigan lang talaga ang turing niya sakin.
Papatunayan ko paring mahal ko siya pero inisip ko kung hanggang saan nga ba ang kaya ko? May pag-asa nga ba ko? Lalo na at mukhang sobrang lapit nila sa isa't-isa ng lalaking lagi niyang kasama pero wala rin tong pagkakaiba sa mga babaeng niligawan ko noon pero umaasa pa rin ako.
Ngayong araw ang camping ng Wilton at ngayong araw din namin aakyatin ang Mount Pulag.Ang ganda dito lalo na ang papalubog na araw. Tumingin ako sa direksyon nila Autum at Ichiro ang lapit nila sa isa't-isa.
"Autum!" Tawag ko sakanya mabilis naman silang lumayo sa isa't-isa.
"Halika mas kita doon." Sabi ko bago ilahad ang kamay ko sa harap niya.Inabot naman niya 'to at sumama sakin.
Ilang minuto kaming natahimik at nakamasid lang sa araw.
"Sana pala hindi na lang ako umalis..." Basag ko sa katahimikan kaya mabilis siyang napalingon sakin.Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Hindi ka sana mapupunta sa iba..." Dagdag ko pa.Nakita ko ang paghinga niya ng malalim at binitawan ang kamay ko.
"Alam mo Half, makakahanap ka rin ng mag mamahal sayo." Sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"Bakit Autum? Hindi mo ba ko minahal?"
"Bilang kaibigan---"
"Sawa na kong marinig 'yan sayo." Napailing na lang ako at iniwan na siya doon.Hindi ako galit dahil alam kong pinagpipilitan ko lang naman ang sarili ko sakanya.
Kumuha ako ng bato at malakas tong hinagis.
"Wala na ba talagang babaeng mamahalin ako?! Sawang sawa na ko ma-reject!!!" Sigaw ko at hinihingal na napaupo.
Natatawa na lang ako sa sarili ko.Mahirap pa lang maghanap ng taong magmamahal sayo.
*****
Matapos pumunta sa mga tourist spot ng Baguio City.Umuwi na rin kami.Naglakad na ko palabas ng Wilton para kunin ang sasakyan ko.
"Half!" Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na 'yon.
"Mag usap tayo." Sabi niya.Tumango ako.Alam ko na naman kung saan tungkol 'to.
Nag punta kami sa likod ng kotse ko at doon naupo.
"Half gusto ko lang sanang sabihin na---"
"Autum kung tungkol na naman ba 'to sa---" Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.
"Half...mahal kita..."
A-Ano raw?
"Autum---"
"...pero alam mo naman siguro kung hanggang saan lang 'yon...huwag mo na sanang pahirapan ang sarili mo..." Huminga ako nang malalim at niyakap din siya.I know.
"Sorry...Autum...alam ko naman...kung sino...talaga ang mahal mo..." Noong una pa naman alam ko nang wala akong pag-asa pero sinubukan ko parin.Masama bang umasa?
"Basta lagi lang akong nandito kung saktan ka man ng g*gong 'yon!" Biro ko para mapagaan ang loob niya.Pinalo niya ko sa braso nang tuluyan na siyang humiwalay sakin sa pagkakayakap.
"Alam ko..." Dinig kong bulong niya at ngumiti sakin.Napangiti na lang din ako.
"Sige na, uuwi na ko baka mag bago pa ang isip ko at agawin kita sakanya." Biro ko ulit kaya sinapak na naman niya ko.
"Tsk, sige! Bye!"
Kumaway ako sakanya at nang tuluyan na siyang makapasok bigla na lang nawala ang ngiti ko.And i guess hanggang dito na lang kami.
Reject na naman...
*****
Malakas na music at malilikot na neon lights ang sumalubong sakin.Inikot ko ang paningin ko at agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko.
"Half!" Nakangiting tawag sakin ni Lindsey.Umupo ako sa tabi niya at agad na kumuha ng tequila na nasa table nila.
"Alam ko na ang mukhang 'yan." Natatawang sabi ni Renz napailing na lang ako.
"Si Zia ba?" Gatong ng kapatid niyang si Renzo habang nakaakbay sa asawa nito.
Zia? Wala pala silang alam tungkol sa fake relationship namin.But it's been 1 week.Im trying to forget her pero walang araw na hindi ko siya naaalala.
"Bakit? Break na kayo?" Sasagutin ko na sana si Lindsey pero natigilan ako sa sinabi ni Renz.
"Wait, siya ba 'yon?"
Mabilis kong sinundan ng tingin ang tinuturo niya at nakita ko ang babaeng nagsasayaw sa gitna ng dance floor na mukhang lasing na lasing na.
Hindi ko alam pero napatayo na lang ako bigla ng makitang may lumapit sakanyang lalaki.
"Sandali Half---"
Iniwan ko sila doon at dumiretso sa direksyon nila Zia.Hindi ko alam ang pakiramdam na 'to, naiinis? Tsk.Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong inis.
"What's your problem---" Hindi ko pinakinggan ang reklamo ng lalaking lumapit kay Zia basta ang gusto ko malayo 'to sakanya.
Hinila ko siya palayo doon hanggang sa makalabas kami ng bar.Aish! Nababaliw na talaga ko! Ano bang nangyayari sakin?
"Let me go! I want to dance!" Binitawan ko siya pero agad ding hinawakan ng muntik na siyang matumba.
"Iuuwi na kita." Umiling siya at tinulak ako palayo sakanya.
"I don't need your help! Just leave me alone!" Huminga ako ng malalim at napapailing na lang.Habaan mo pasensya mo Half.
"You're drunk.Let me take you home Zia." Mahinahon kong saad pero umiling ulit siya.
Shvt! Sawang-sawa na kong tanggihan! Hanggang dito ba naman?
"I hate you Ichiro!! If you don't love me anymore then fine! Just please leave me."
W-What? Ichiro? So this is the guy she always talking about? When she's always drunk and crying like a child.Ichiro again? Tsk.
"Then what do you want? I can't leave you here---"
"I-I want Half..." Napatingin ako sakanya dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakayuko parin siya at umiiyak.
"I want my h-honey babe..." Lumunok ako at parang na estatwa na dito sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...