Chapter 39

692 19 0
                                    


Half POV

Tumingin ako sa suot kong wrist watch.Halos kalahating oras na pala akong naghihintay dito.Napakamot na lang ako sa ulo ko bago umayos ng sandal sa kotse.Masyado ba kong maaga?

"Kanina ka pa?" Mabilis akong nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sakin ang mga mata niya.

"Hindi naman.Kakarating ko lang." Nanliit ang mata niya at mas lumapit pa sakin.Napangiti na lang ako.

"Okay." Sabi nito at lumayo na sakin.Pinagbuksan ko na siya ng pinto habang agad naman siyang sumakay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sakin ng tuluyan na rin akong makasakay.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan 'to.

"To my parents." Nakita ko ang paglaki ng mata niya kaya napatawa ako.

"H-Ha? Ganto suot?" Sumulyap ako sakanya at nakita kong natataranta na siya.

"No, dadaan muna tayo sa mall."

"S-Sige..."

"Don't be nervous hahaha." Pinalo niya ko sa braso habang nakita ko ang pagsimangot niya.Cute.

"Biglaan ka kasi.Aish! Dapat sinabi mo agad!"

"Hahaha.Don't worry im here."

*****

"Umuwi na ang Dad mo?" Tanong niya habang namimili ng damit.Lumingon siya sakin kaya tumango ako.

"Parang gusto ko ng umuwi tapos matulog saka kumain." Napatawa ako at inakbayan siya.

"You can't.You need to meet my parents." Bulong ko sakanya habang kinuha ang isang blue na dress.

"Here.Try this." Inabot ko sakanya ang dress na agad naman niyang tinanggap.

"I think okay na 'to."  Saad niya ng makalabas siya ng fitting room.Nag-angat ako ng tingin at napatayo.

"Y-Yeah..." Sagot ko habang napaiwas ng tingin.Tch masyadong maganda sakanya 'yon.

Binayaran na namin 'yon at umalis na rin ng mall para pumunta sa restaurant kung nasaan sila Mommy.

Malapit lang 'to sa pinuntahan naming mall kaya mabilis kaming nakarating dito.

"W-Wait..." Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago tanggapin ang kamay ko.

"Hindi ka naman nila kakainin." Nakangiti kong sabi pero mukhang hindi niya ko narinig at nakatingin lang sa loob ng restaurant.

"Let's go?"

Tumango siya kaya tuluyan na kaming pumasok.Agad kong nakita sila Mommy at Daddy pati si Whole na kumakaway samin.

"Kuya." Tawag ni Whole ng makalapit na kami.Kuya? Hahaha.Tumingin ako kay Dad na katapat niya.

"Half." Tumayo si Dad at niyakap ako.

"Dad." Ngumiti siya sakin at tinignan ang kasama ko.

"This is Zia Dethon my girlfriend." Pakilala ko sakanya dahil napansin ko ang pagtataka sa mukha nila Mommy at Daddy habang nakangiti lang si Whole samin.Of course nakilala na niya 'to months ago pero hindi niya alam na fake relationship lang 'yon.

"Good evening po."

"Good evening din iha.Have a seat." Saad ni Dad at ito na ang naglahad ng upuan sakanya.

"Thank you po." Napatingin ako kay Zia ng bitawan na niya ang kamay ko.Hindi na siya kinakabahan?

"Umupo ka na rin Half." Ngumiti ako kay Dad at naupo na rin habang napansin ko naman na natahimik si Mom habang nakatingin kay Zia.

"I though Autu---"

"Hi Zia.Im Whole nagkakilala na tayo months ago right?" Biglang salita ni Whole dahilan para maputol ang sasabihin ni Mom.Kumindat sakin ang loko.But thanks to him alam ko namang babanggitin na naman ni Mom si Autum.

"Ah yes.I remember you."

"Good! So kuya Half really loves you." Tango tango nitong saad habang na sulyap kay Mom.

"You didn't tell me that Half already have a girlfriend." Nakakunot na sabi ni Dad kaya nagkatinginan kami ni Zia.

"Uhm...The truth is---"

"We broke up months ago Dad that's why I didn't have a time to tell you and last week we just fix our relationship." Nakatitig lang sakin si Zia habang sinasabi ko 'yon.Tumingin din ako pabalik pero nag-iwas na siya agad.

"Oh!" Nakita ko ang pagtango nilang tatlo.

"So let's eat?" Sabi ni Mom at ngumiti samin.

Naging maayos naman ang pag-uusap namin sa mga lumipas na oras pero minsan lang magsalita si Mom at naging tahimik lang 'to.

*****

"I though masungit ang Dad mo pero para pala siyang si Whole." Napangiti ako at sinulyapan siya.Nakita kong nakangiti rin siya habang na sa labas ang atensyon.

"Sabi nga nila."

"And yung Mom mo I think sakanya ka nag-mana."

"How?"

"Tahimik?" Nakita ko ang paglingon niya sakin kaya nilingon ko rin siya ng mabilis bago ibalik ang tingin sa kalsada.

"Ako? Tahimik?"

"Sometimes!"

"Hmmm.You can say that." Tango tango kong sabi.She's good in observing.

"You always drank too much alcohol when you have a problem, Tapos bigla-bigla ka na lang nanghahalik.Oh! That's bad! Pano kung hindi ako 'yon? What if si Renz?" Bigla akong napapreno dahil sa mga sinasabi niya.Ako nanghahalik paglasing?

"Are you serious?"

"Mukhang ba kong hindi seryoso? Don't tell me hindi mo alam? Oh? I think that's good!" Napatawa ako at hinila siya palapit sakin.

"Gusto kong maalala."

Bago pa siya makapagsalita hinalikan ko na siya.

*Beep* *Beep*

Ah shvt! Nasa highway pala kami!

"Lasing ka?" Ngumiti ako sakanya at umiling.

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon