Zia POV"Clothes? Watch? Shoes?" Umiling ako kay Khrislyn.Halos lahat ng binanggit niya meron na siya.
Yes, nagpatulong ako sakanya bumili ng regalo para kay Half at mukhang hindi naman ako nabigo dahil mabilis kaming nakatakas sa beach at nagpunta sa malapit na mall.
"Ang hirap naman nito." Tumango ako bilang pag-sangayon.Ilang oras na rin kaming naglilibot.
"Perfume?" Tanong nito ng mapadaan kami sa isang perfume shop.
"Let's try." Pumasok kami sa loob habang pumunta sa men's section.
"Ito." Nag-spray siya ng konti sa kamay ko.Inamoy ko 'to pero mabilis ko ring nilayo sa ilong ko.
"Ang tapang.Amg sakit sa ilong. " Napahawak na lang ako sa ilong ko.Ayoko ng amoy.
Kinuha ko ang na sa tapat ko at nag-spray ng konti sa gilid ng damit ko.
"Mabango naman." Bulong ko habang paulit-ulit na inamoy.
"Ako nga." Saad ni Khrislyn at inamoy din 'to.
"Perfect!"
Nag-apir kami at binayaran na habang bumili rin siya ng kanya.Inikot pa namin ang mall ng konti bago naisipan na kumain.Hindi pa pala kami nag-aalmusal.
"Hinahanap na kaya nila tayo?" Tanong ko kay Khrislyn habang kumagat sa burger ko.
"Hindi 'yan." Sabi nito at kumindat pa sakin.Weird.
Nagmasid ako sa labas ng fast food chain.Habang natigil ang mata ko sa isang shop.Parang wala nga siyang ganon? Napangiti ako at tumingin kay Khrislyn.
"May pupunthan pa tayo pagkatapos kumain."
"Okay."
*****
"Nakakapagod!" Saad ko ng makasakay kami sa taxi.
"Kaya ayoko pumunta sa mall eh." Nakasimangot na saad ni Khrislyn.Tumawa ako habang tinitignan ang mga pinamili niya.
"Pinigilan ba dapat kita?" Tumango siya habang napasandal na lang.Umiling ako at binaling na lang ang atensyon sa labas.
Kasalukuyang nakatigil ang mga sasakyan habang napatingin ako sa isang babae.Mga na sa mid 40 siya.Bigla siyang lumingon sakin.Those eyes.Napalunok ako at tumingin sa ibang direksyon.Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na sinara niya ang bintana.Aish! Bakit pakiramdam ko nakita ko na ang mga matang 'yon?
"Ayos ka lang?" Pilit akong ngumiti kay Khrislyn at tumango.Baka naman kung anu-ano lang ang iniisip ko.
Nakarating na ulit kami sa beach at agad naming natanaw sila Half kasama ang mga kaibigan niya sa gilid ng dagat.Tumaas ang kilay ko.Hmm, magaling silang ilipat sa iba ang atensyon ng tao.
"Sabi ko sayo." Ngiti ni Khrislyn kaya napangiti rin ako.
"Zia!" Sabay kaming napalingon at nakikita ko na si Half na natakbo sa direksyon namin.
"Nakabili kayo?" Kumunot ang noo ko.Bigla namang sumulpot si Renz.
"Yung ingredients para sa lulutuin."
"Yup!" Tumingin ako kay Khrislyn habang tinaas niya ang dalawang supot.Huh? Parang hindi ko naman napansin na bumili siya.
"Panong---"
"Kami na ang magluluto." Sabi ni Half habang inakbayan ako at kinuha na ang supot kay Khrislyn.
Lumayo naman agad ako dahil sa basa siya at uhm, nasabi ko bang topless rin siya?
>\\\\\<
"Basa---" Hinila niya ulit ako palapit sakanya at nagulat ako ng amoyin niya ang kaliwang balikat ko.
"Half, anong---"
"What's that smell?" Kumunot ang noo ko at tinulak siya pero mahigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Men's perfume." Nanlaki ang mata ko.Shez! I forgot to change! Nag-spray pala ako sa damit ko.Hindi ko naman pinahalata na nagulat ako ng mag-angat siya ng tingin sakin.
"Ah yan ba kasi---"
"Ay sorry!" Tumingin ako sa damit ko na natapunan ng juice at kay Khrislyn na nagbunggo sakin.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako oh ano.
"Hala! Sorry talaga.Halika sasamahan kitang mag-palit." Sabi nito at hinila na ko.Lumingon ako kay Half na sinundan lang kami ng tingin.
Muntik na!
>_<
*****
"Loka-loka ka talaga! Bakit hindi ka nagpalit ng damit?" Napakamot na lang ako sa ulo ko habang sinesermonan ako ni Khrislyn.
"Nakalimutan ko eh."
"Muntik na 'yon! Buti na lang naalala ko." Tumango ako at kinuha ang isang t-shirt sa bag ko.
"Salamat pero yung tingin niya kanina.Kakaiba."
"Huh?" Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago biglang napatayo at nakangiting nilingon ako.
"Iniisip niya sigurong may lalaki ka!"
"Eh?!" Galit kong hinubad ang damit na suot ko kanina.
"I think? Syempre ano pa bang iisipin niya diba kung nakaamoy siya ng panlalaking pabango." Napapailing ako habang sinusuot ang bago kong damit.'Yun ba talaga ang iniisip niya sakin kanina? Tapos tinulak ko pa siya palayo sakin. 0_0
Ginulo ko ang buhok ko at pabagsak na nahiga sa kama.Baka naman OA lang kami.Tch. -_-
"Pero sana hindi? Pero malakas talaga ang feeling ko na ganon nga."
"Oh baka gutom ka lang?" Saad ko upang ilihis ang usapan.Tumayo na ko at hinila na siya palabas ng kwarto.
"Baka nga? Halika na! Baka nakaluto na ang honey babe mo." Sabi nito at siya na ang humila sakin.
BINABASA MO ANG
Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]
Teen Fiction"...sometimes letting go is the best decision." Meet Half Alcantara. Good guy, handsome, rich, kind. Lahat na yata na sakanya maliban sa pag-ibig.Love sa family? Check! Love sa friends? Check! Love sa isang tao? Uhm...nevermind! Always rejected sa b...