Start

4.4K 76 2
                                    


"I'm sorry Half but I can't love you.Let's just be friends?"

Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga sinabi niyang iyon.Hanggang kaibigan.Lagi na lang ba akong hanggang doon? Tsk.Hinagis ko ang mga bulaklak na hawak ko at padabog na sumakay sa kotse ko.

"Urrgghh!!!"

Hinampas hampas ko ang manibela at napasubsob na lang dito nang mapagod ako.Ilang buwan ko pa lang nililigawan si Erika at katulad ng mga nauna nagmakaawa akong pagbigyan ako ng pagkakataon kahit sinabi nilang kaibigan lang ang turing nila sakin.Pinagsiksikan ko parin ang sarili ko.

"Tama na dude, walang mag-uuwi sayo dito." Ani Renz habang napapailing.

Sa bar kasi ako dumiretso matapos nang nangyari kanina.Ano pa bang bago? Lagi naman akong na diretso dito pag nababasted ako.Pabagsak kong binitawan ang baso bago pumunta sa dance floor.

Ilang beses na kong na-reject ng mga babae at hindi ko alam kung ano ang mga dahilan nila! Aish!

Humawak ako sa bewang ng isang babae na una kong nakita dito.Mukha siyang nagulat dahil napaharap siya sakin.Akala ko sasampalin niya ako dahil ganon ang kadalasang mangyari sakin dito pero nagpatuloy lang siya sa pag-sasayaw.Mukhang lasing na siya.

Mas nilapit ko pa siya sakin at napansin ko agad ang dimple niya sa kanang pisngi, meron siyang maikling buhok, maputing balat, matangos na ilong,perpektong labi, at mga matang ang lalim kung tumingin.Mukhang bago lang siya dito.

Napatingin ako sa labi niya.Shvt, buong buhay ko wala pa akong nahahalikan na babae.Kinagat ko ang ibabang labi ko bago unti-unting nilapit ang mukha ko sakanya.

Hindi ko alam ang nangyayari sakin ngayon basta ang gusto ko lang ay halikan siya...

Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na halikan siya.Pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya habang naramdaman ko ang paghagod ng mga kamay niya sa batok ko.

Doon ko binuhos ang lahat ng pagmamahal na dapat sa babaeng magiging akin pero wala dahil reject na naman ako.

Lagi na lang! Bakit? Ano pa bang kulang sakin?

Tumigil ako sa paghalik para mabigyan siya ng hangin.Mukhang gulat siya sa nangyari kaya nabigla ako nang sampalin niya ko.What the!

"Pervert!" Sabi nito at iniwan na ko.Ano raw? Ako pervert? Samantalang humalik siya pabalik.Napailing na lang ako habang napahawak sa labi ko.

That was amazing.

Biglang nag ring ang phone ko nang makalabas ako ng bar at nakita ko na ang dami na pa lang miss called ni Whole.Ang bunso kong kapatid.

[Bakit?] Tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

[May maganda akong balita bro!]

[Ano?]

[Umuwi ka na.Sasabihin ko sayo.Hahaha!]

Tsk.Loko talaga.Siguraduhin niya lang na maganda talaga ang balitang 'yon dahil pag hindi sasapakin ko talaga siya.Bigla ko na namang naalala ang babae doon sa bar.Ibang klase wala pang tao na nagkakamaling sampalin ako.

Pinarada ko na ang sasakyan ko sa garahe ng makarating ako sa bahay.Tinignan ko muna ang kaliwang pisngi ko sa salamin bago bumaba.Bwisit! Namumula! Wala sanang makapansin.

"Good evening Sir." Tinanguan ko lang ang mga maid pero paatras akong bumalik dahilan para magtaka sila.

"Si Whole?"

"Na sa kusina po."

Pumunta ako sa kusina at nandoon nga ang loko.Nalamon.Hindi kain kung hindi lamon. -_-

"Nanjan ka na pala dude! Kumain ka muna---"

"Ano yung magandang balita na sasabihin mo?" Inip kong tanong at sumandal sa pader.Hindi ako masyadong lumapit sakanya dahil baka mapansin niya pa ang namumula kong pisngi at asarin pa ko.

"Mukhang hindi ka makapaghintay.May lakad?" Sinamaan ko siya ng tingin.Humagalpak siya ng tawa habang tinaas ang dalawang kamay na parang nasuko.

"Hahaha! Easy bro! Masyadong kang hot!"

"Whole!" Warning tone ko pero patuloy parin siya sa pagtawa.May sira na talaga sa ulo ang bugok na 'to.Pwede bang kunin niyo muna siya kahit isang buwan lang.Tss.

"Natatawa kasi ako sa pisngi mo.Iniisip ko kung pano ka sinampal ng babae hahaha!" Humawak ako sa pisngi ko at napailing.Sabi ko nga mapapansin niya parin.

"Gvgo! Sabihin mo na lang---"

"Uuwi na tayo ng Pilipinas."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya.Sa wakas!

Note:

Yes! Ito na po ang story ni Half! ^_^ hope magustuhan niyo.

-Erine♥

Confession Of Half Alcantara's Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon