Kabanata 1 - Ang Simula

4.7K 74 20
                                    

"Hara Amihan, gumising ka" yinuyugyug ni Ybarro ang reyna ng mga diwata para ito ay magising dahil uumungol ito na tila ba ay hudyat ng isang napakasamang panaginip ang napapanaginipan nito at kitang-kita mo sa kanyang noo ang matinding pawis.

"Amihan" di na mapakaling sambit ni Ybarro at sinubukan niya ng yugyugin ang reyna mga diwata upang magising ito sa pinapanignipan nito.

Di kanlaunan ay nagising ang pawis na pawis na si Amihan habang hinahabol ang kaniyang hininga.

"Ybrahim" yan ang sinabi ni Amihan ng makita niya si Ybarro na gumigising sa kanya. Si Ybrahim na mas kilala bilang Ybarro ang nawawalng Prinsipe ng Sapiro. Napayakap siya dito habang pinipigilan niyang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.

Noong una ay tila nagulat si Ybarro sa ginawa ni Amihan ngunit yinakap niya ito pabalik ng walang pag-alinlangan dahil alam niyang kahit papaano ay kailangan nito ng sandalan. At handa siyang maging sandalan nito.

"Agape Avi, Ybrahim" sabi ni Amihan ng kumalas siya sa pagkakayakap.

"Ybrahim? Tila hindi yata ako sanay na matawag na ganyan" sambit ni Ybarro na pilit na pinapagaan ang loob ng reyna.

Hindi namans siya nabigo dahil nakita niya ang ngiti nito dahil sa kaniyang sinabi "Hindi ba bago pa lang tayo magkakilala ay yun na ang iyong pangalan, Rehav. Kaya nararapat ka nang masanay sa matawag sa iyong totoong pangalan"

Ngumiti si Ybrahim "Siguro nga ay tama ka, Amihan"

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tila nagtatakang-taning ni Amihan at tsaka niya napansin na nawawala ang batang ligaw sa kaniyang tabi "At si Paopao? Nasaan ang batang ligaw?"

"Wala kang dapat ipag-alala tungko sa batang ligaw, Mahal na Reyna dahil nasa labas siya sa inyong kubol. Pinapakalma nila Nunong Imaw dahil umiiyak ito ng lumas siya sa inyong kubol"

"At ba - -"

"Ate Amihan, okay ka na po ba?" sabi ng batang ligaw na kakapasok lang sa kanilang kubol.

Kumunot ang noo ni Amihan na tila di maunawaan kung bakit tinatanong ni Paopao kung maayos lamang siya.

Ngumiti lang si Amihan habang pinagmamasdan ang batang ligaw "Oo naman Paopao, maayos lamang ang aking kalagayan. Salamat sa pag-aalala"

"Walang anuman po" sabi nito habang lumapit ito kay Amihan "Mabuti po at nagising po kayo ni Kuya Ybrahim. Thank you po sa pagising kay Ate Amihan, Kuya Ybrahim"

"T..thank you?" nakakunot noong sambit ni Ybarro dahil hindi niya naiintindihan ang sinasambit ng batang ligaw.

"Avisala Eshma ang ibig sabihin niyan Ybrahim" nakangiting paliwanag ni Amihan upang maintindihan ni Ybarro ang kahulugan ng sinambit ng batang ligaw.

Yumuko si Ybarro para kahit papaano ay mapantayan niya si Paopao, nginitian niya at at ginulo ang buhok "Walang anuman Paopao" sambit niya at tsaka tinignan si Amihan "Thank you sadyang kakaibang salita. Marami ka yatang alam tungkol sa salita sa mundo ng mga tao, Mahal na Reyna"

"Sapagkat sa mundo ng mga tao ako lumaki at nagkaisip, Ybrahim"

"Ngunit akala ko ba sa Lireo ka lumaki?"

"Ang mundo ng mga tao muna ang kinagisnan ko bago ako napunta dito sa Encantadia"

"Agape Avi, hindi ko nais na usisahin ang iyong nakaraan lalo na na nakikita ko na ito ay nagdadala ng kalungkutan sa iyo" sambit ni Ybarro at halata sa kanyang tinig ang pag-aalala.

Ngumiti si Amihan "Mapait man ang huli kong alala sa mundo ng mga tao hindi pa rin mapapantayan iyon dahil doon malaya akong nakasama ang aking ama"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon