"Mga Bandido" sabi ni Danaya "Lira maghanda ka" sabi niya at nakipaglaban sila sa mga bandido.
Medyo napalayo si Lira kila Danaya at Wantuk sa pakikipaglaban.
"Wala ka nang kawala diwata"
"Huy mga taong espasol, akala niyo lang yun"
Tumawa lang naman ang mga bandido at sinimulan siyang atakihin.
Dinipensahan naman ni Lira ang kanyang sarili ngunit sadyang hindi pa talaga siya ganun ka-aayos makipagdigma at napaupo siya tinapunan niya ito ng buhangin pero saglit lang ito umepekto at nakipaglaban ulit ito sa kanya.
"Teka lang, chocolate crinkles, wait lang" pagsusumamo niya ng kamuntikan na nito tapusin ang buhay niya at tinapakan naman niya ang paa nito at tinulak ito.
Lumakad siya papalayo sa mga bandido.
"Kung alam ko lang na ito ang sasalubong sa akin sa mundo ng Encantadia...Sana mas sineryoso ko ang mga tinuturo ni Muyak"
"Saan ba ako pupunta?" sabi niya sabay inilibot ang kanyang tingin sa pwe?deng daraanan niya.
Nasundan siya ng mga bandido mabuti na lang at may sumagip sa kanya na nakakalasag.
"Ang galing mo" sabi niya at yinakap niya ito.
Gulat siyang tinignan ni Ybarro.
"Grabe you're my hero, para kang si batman" manghang-manghang sambit ni Lira habang tinitignan si Ybarro mula ulo hanggang paa.
Binababa ni Ybarro ang telang nakatakip sa may bibig niya.
Kinuha ni Lira ang kanyang espada na nasa lupa.
"Isa ka bang kaibigan o kaaway?" sabay nilang sabi.
Lumingo-lingo si Lira.
"Sino ka?" sabay nilang sabi.
"Infairness ha, parang prinactice natin yun" natatawang komento ni Lira sa pagkakasabay nila.
Napangiti na rin si Ybarro "Hindi pangkarinawan ang iyong pananalita kaya nakakasiguro ako na hindi ka nagmula dito sa Encantadia"
"Sabihin mo nga sa akin, sino ka at anong pakay mo dito?"
"Peace po sir, hindi po ako masamang nilalang mabait po ako"
Ybarro chuckled "Alam mo mahirap na magtiwala sa panahon ngayon kaya kung totoong mabait ka ibibigay mo sa akin ang iyong sandata"
"Ayyy sorry po pero hindi ko po pwede tong ibigay ito kahit kanino eh"
"Wag ka ng matakot" nilapitan ni Ybarro si Lira para hablutin sana ang sandata nito ngunit lumayo si Lira at ginamit ang kaniyang ivictus upang pumunta sa likuran nito.
"Sorry po talaga hindi ko po to pwedeng ibigay eh, pero salamat po talaga at iniligtas niyo ako. Kitakits na lang" sabi ni Lira at kumaway pa pero agad naman itong tumakbo papalayo kay Ybarro.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.