"Bakit ba ako paulit-ulit na napupunta dito? Nagiging pulyado na yata tong powers ko" sambit ni Alexandra ng maglaho siya sa silid nila Mira at Lira para sundan sana si Alena ngunit bigla na lang parang may humila sa kanya sa kagubatan kung saan siya lumitaw at nang sinubukan niya ulit gamitin ang evictus ay lumilitaw pa rin siya sa may kagubatan.
"Alexandra!"
Napalingon siya upang tignan kung sino ang tumawag sa kanya "Bathaluman" sambit niya at kaagad yumuko.
"Mabuti naman at kilala mo pa ako" sambit ng Bathaluman na si Ether at nagiba ng anyo at naging isang encantada.
Nang makalapit si Ether sa kinatatayuan ni Alexandra ay hinawakan niya ang baba ni Alexandra para tumingin ito sa kanya "Bakit parang iniiwas mo ang iyong paningin sa akin?"
Alexandra let out a fake laugh "Iniiwas ko ba Bathaluman? Poltre kung ganun ang iyong tingin" sambit ni Alexandra ngunit hindi niya pa rin matignan sa mga mata ang bathaluman.
"Ramdam kong may nililihim ka sa akin Alexandra"
Umiling si Alexandra "Wala Bathaluman, wala akong inililihim sa'yo"
"Kung ganun" sambit ni Ether at tsaka binitawan niya ang pagakakahawak sa baba ni Alexandra "Bumalik ka na sa Lireo para magpahinga. Sundin mo ang pinag-uutos ni Hagorn sa'yo"
"Kung iyang ang iyong gusto, bathalumang Ether. Iyan ang masusunod" sambit ni Alexandra at tsaka naglaho.
"Akala ko ba ay tuturuan mo siya ng leksyon, Bathaluman? Pero bakit mo pinailis na wala man lang galos ang diwatang iyon?" nagtatakang tanong ni Hagorn habang lumalakad patungo sa kinatatayuan ng Bathaluman galing sa kanyang pinagtataguan.
"Dahil kailangan ko pa siya laban sa mga diwata. Kailangan ko pa siya"
"Iyon lang nga ba ang dahilan Bathaluman o may iba ka pang paggamitan sa kanya?"
Napatingin ang Bathalumang Ether kay Hagorn at ngumiti "Bakit parang ang dami mong tanong ukol kay Alexandra at tila interesado ka kung anong gagawin ko sa kanya?"
"Magkakampi tayo Bathaluman, hindi ba nararapat lang na malaman ko rin ang iyong plano?"
"Sa takdang panahon, Hagorn. Sa takdang panahon ay malalaman mo rin ang katungkulan ni Alexandra sa ating plano" sambit ni Ether at nagpalit ng anyo "Maghanda ka Hagorn dahil isa itong napakahabang gabi"
Napangiti si Hagorn "Matagal na akong handa, Bathaluman"
"Kung ganun bumalik ka na sa Lireo at sa pagbukang liwayway ay ibibigay ko sa'yo ang pinangako ko basta wag na wag mong hahayaan na makuha ng mga diwata ang natatangi nating alas sa kanila"
Nakangiting tumango si Hagorn "Masusunod Bathaluman kung ganun, Avisala Mieste" sambit ni Hagorn at tsaka naglaho.
.
.
.
.
.
"Lira, Mira" nanlaki ang mga mata ni Amihan ng makita niyang gising pa ang dalawang diwani. Akala niya kasi ay natutulog na ang mga ito dahil iyong ang sinabi ng mga dama nito.
"Ina/Inay" sabay na sambit ng dalawa
"Ang sabi sa akin ng mga dama ay natutulog na kayo, ngayon, bakit gising pa kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Amihan "Masyadong malalim na ang gabi para kayo ay mag-usap ng kung anu-ano"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.