"Icarus, bumangon ka!" sambit ni Pirena habang ginigising ang kawal na inatasan niyang magbantay kay Amihan "Anong nangyari dito at nasaan si Amihan?!" galit na tanong ni Pirena sa kawal na kanyang pinagkakatiwalaan.
"Patawad Mahal na Reyna ngunit nakatakas ang iyong kapatid"
"Tanakresha!" galit na sambit ni Pirena "Anong nangyari? Bakit siya nakatakas? Hindi niya magagamit ang kanyang ivictus dahil nakagapos siya"
"May tumulong sa kanya ang enkantadong nakasuot ng kalasag"
Napafacepalm si Pirena dahil sa frustrations "Siya nanaman?" inis na sabi niya at bumuntong hinga "Maghanda kayo. Kilala ko ang aking kapatid at alam kung babalik at babalik yun para iligtas ang kanyang anak"
"Masusunod Mahal na Reyna" sambit ni Icarus at yumuko para magbigay galang bago siya umalis.
.
.
.
.
.
"Inay" masayang sambit ni Lira ng makita si 'Amihan' nakakapasok lamang sa kanyang silid "Ang tagal niyo naman bumalik" nakasimangot na sabi ni Lira
"Patawad anak ngunit sadyang napakaraming suliranin na kailangan asikasuhin sa palasyo"
"Anak, may tanong ako hindi ka ba lumabas ng silid na ito?"
Umiling si Lira "Hindi po, nagstay put lang po talaga ako dito, Promise" sambit ni Lira habang nakataas pa ang kanyang kamay.
"Hindi ba talaga ako pwedeng lumabas dito Nay?"
"Lira, hindi bat sinabi ko na sa'yo na hinding-hindi ka makakalabas ng silid na ito?"
"Pero nay nakakabakot na kaya dito"
Hinaplos ni 'Amihan' ang mukha ni Lira "Anak, makinig ka na lang sa akin"
Bumuntong hininga na lang si Lira "Okay po, kung yan ang gusto niyo"
Ngumiti si 'Amihan' "Salamat sa pagiintindi anak" sambit nito habang hinahawakan ang kaliwang kamay ni Lira "Tapos ka na bang kumain?"
Tumango si Lira "Kung gayun, aalis na ako para makatulog ka na"
Bago makalayo si 'Amihan' ng tuluyan ay pinigilan siya ni Lira nang hinablot nito ang kanyang kamay.
"Oh bakit, Lira?" nakangiting lumingon si 'Amihan'.
"Inay, pwede pa humingi ng favor?"
Napakunot ang noo ni 'Amihan' "Favor?"
"Ayy sorry ahm pwede po bang dito ka muna sa tabi ko hanggang makatulog ako?"
Inis na bumuntong hininga si 'Amihan' at nakita naman ito ni Lira.
"Kung ayaw niyo naman po ay maayos lang" sambit ni Lira habang papunta na sa kanyang kama
"Hindi ko naman sinabing ayaw ko diba? Sige na, mahiga ka na para makatulog ka na"
Masayang yinakap ni Lira ang kanyang 'ina' na si Amihan "Avisala Asthma nay"
"Lira. Eshma hindi Asthma" natatawang sambit ni 'Amihan'.
"Ayy Avisala Eshma pala" natatawang sambit din ni Lira.
"Sige na anak, humiga ka na para makatulog ka na"
Tinabihan naman ni 'Amihan' si Lira at inawitan pa ito.
Napatingin si Pirena sa pagbukas ng pinto. Sinigurado niya munang tulog na si Lira bago siya tumayo at lumapit sa enkantadang kakapasok lang.
"Hindi ko alam at napapalapit ka na kay Lira"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.