Kabanata 27 - Pagtanggap

1.3K 42 14
                                    

"Saan mo tinatago si Mira, pati na rin sila Lira at Alexandra, Pirena?" takang-tanong ni Amihan pero halata sa mga mata nito ang galit at pagkamuhi sa nakaaktandang kapatid habang tinutuon niya ang kanyang dalang sanda sa may leeg ni Pirena.

"Mahal ng Reyna!" sigaw ni Gurna at halata sa kanyang mukhaang pagkagulat ng lumitaw si Amihan sa bulwagan ng Lireo at kaagad nito tinuon ang espada kay Pirena.

Tinaas ni Pirena ang kanyang kamay para patigilin ang mga susugod na hathor.

"Nahihibang ka na ba Amihan? Paano mapupunta dito si Mira? Alam kong alam mo na kailanman hindi tutungtong ang aking anak sa Lireo kung ako ang kasama niya dahil na nasusuklam siya sa akin dahil sa paglalason niyo sa kanyang isipan!" sigaw ni Pirena.

"Hindi mo na ako maloloko Pirena" sambit nito at tsaka mas tinuon ang espada kay Pirena "Nasaan ang mga diwani?" sambit nito at halata sa pagmumukha nito ang galit pati na rin ang nakakamatay na titig ng reyna ng mga diwata.

"Wag mong sabihin na nawawala sila Amihan?" hindi makapaniwalang tanong ni Pirena "Wag mong sabihin na nawawala ang aking anak?" tanong ni Pirena at iwinakli ang espada gamit ang kaniyang kamay "Amihan, sabihin mo sa akin kung nawawala ba si Mira" sambit niya habang hindi iniinda ang nagdudugo niyang kamay.

"Mahal na Reyna" nag-aalalang sambit ni Gurna ngunit gaya ng ginawa niya kanina ay itinaas lang niya ang kaniyang kamay para hindi sumugod ang mga kawal na nakapaligid sa bulwagan.

"Amihan, pakiusap sabihin mo sa akin kung anong nangyayari kila Mira" sambit nito habang pinipigilan ang pag-iyak at halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Talaga bang wala sila rito?" halata sa pagmumukha ni Amihan ang pag-aalinlangan.

"Alam mong hindi ko magagawang saktan ang aking anak Amihan kung ang iyong anak ay magagawa ko pa"

"Pashnea!" inis nasigaw ni Amihan "Nais mo na ba talaga mamatay Pirena?

"Sige isaksak mo Amihan alam ko naman na hindi mo magagawa yun dahil mahina ka!"

Mas itinuon ni Amihan ang espada sa leeg ni Pirena "Sige gawin mo" pagmamatapang ni Pirena.

"Pasalamat ka Pirena at may pinangako ako sa ating ina" sambit ni Amihan "Ngunit, pagnalaman ko na hawak mo ang tatlong diwani matitikman mo ang galit ko" at tsaka binababa ang espada at naglaho.

"Amihan!" sigaw ni Pirena "Nasaan ang aking anak?" sigaw na tanong nito habang tumutulo ang luha nito sa kanyang mga mata kaagad niya naman ito pinunasan at tinignan si Gurna "Gurna"

Kaagad naman lumapit si Gurna sa kanyang kinatatayuan "Tama ba ang narinig ko, Mahal na Reyna na nawawala ang mga diwani?"

"Hindi ko rin nasisigurado yan Gurna ngunit bumuo ka nang isang hukbo na pawang diwata lamang para mahalughug ang buong Lireo upang matiyak natin na wala sa kapahamakan ang aking anak"

Yumuko si Gurna "Masusunod, Mahal na Reyna"

.

.

.

.

.

Sumipol si Lira kaya napalingon sila Alexandra at Mira sa gawi niya.

"Beh, may pangalan kami hindi mo kailangan sumipol" naiinis na sambit ni Alexandra.

"Sorry naman beshie, kasi naman kanina ko pa kayo tinatawag ngunit hindi niyo ko nililingon. Ano mga beshie, may plano na ba kayong naiisip dyan para makatakas tayo?" halata sa boses ni Lira ang pagkagalak kahit na bulong lang ito.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon