Kabanata 38 - Ang Hinagpis ni Alena

875 31 4
                                    


ANG HINAGPIS NI ALENA

"Avisala Eshma sa pagkakaligtas sa akin" sambit ni Agane kay Alexandra pagkalitaw nila.

"Binabalik ko lang ang ginawa mong pagligtas sa akin" sambit ni Alexandra.

"Agane? Bakit nandito ka? Hindi ba ang sinabi ko paglayuin mo sila Amihan at Lira upang magawa ni Kahlil ang kanyang bugna!" sambit ni Hagorn kay Agane "Alexandra? Ano at naririto? At nasaan ang takip sa iyong mukha? Hindi ba ang - -"

"Ssheda Hagorn!" bakas sa boses ni Alexandra ang pagkainis kaya napagtaasan niya ng boses si Hagorn "Kailan mo pa ba ako naging utusan?"

Naikuyom ni Hagorn ang kaniyang mga kamay "Hindi ba ang sinabi sa'yo ng Bathaluman ay - -"

"Makipaglaban kasama mo. Wala siyang sinabi na sumunod sa mga utos mo! Kaya wag mo kong didiktahan sa mga ginagawa ko" sambit ni Alexandra at tumalikod at nagsimulang lumakad papalis.

Hindi na nakatimpi si Hagorn sa inaakto nito kaya hinila niya ang kamay nito "At saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang laban"

Isang matalim na tingin ang ginawad ni Alexandra kay Hagorn at tsaka tinignan nito ang kamay nito na nakahawak sa braso niya "Tapos na ang aking misyon. Nakipaglaban na ako kaya kung maari lang bitawan mo na ako" sambit ni Alexandra at tsaka ginamitan ng pwersa para makawala siya sa pagkakahawak ni Hagorn sa kanya.

"Tapos? At sinong nagsabi sa'yo?"

"Ako may problema ba?"

Hindi na nakatiis si Hagorn sa mga pabalang na sagot ni Alexandra kaya nasampal niya ito.

"Kapag sinabi kong lumaban ka! Lalaban ka! O baka gusto mong gamitin ko ang kapangyarihan ng brilyante na hawak ko para mapasunod ka o kaya mapaslang ka?"

"At sa tingin mo ay natatakot ako? Hagorn, baka nakakalimutan mo na ako ang kahuli-hulihang salinglahi ng mga Etherian at pinapangalagaan ako ng Bathaluman na nagbigay sa'yo ng kapangyarihan na tinatamasa mo ngayon"

"At sa tingin mo ba din ay papanigan ka ng Bathaluman kung ngayon pa lamang ay sinusuway mo na ang kaniyang pinag-uutos?"

"Sinusuway? Ang pinag-uutos niya lang ay lumaban sa iyong tabi at ginawa ko iyon kahit labag sa kalooban ko na maging isang mashna lang at wag kang mag-aalala nabawasan na ang isa sa mga sang'gre na kinaiinisan mo" sambit ni Alexandra bago umalis.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala na si Kahlil, ang sang'greng inutusan mo na paslangin si Lira"

"At talagang si Kahlil ang pinaslang mo? Hindi mo ba alam na siya ay - -"

"Kakampi? Kailan pa nating naging kakampi ang isang diwata?" nakangiting sabi ni Alexandra "Wag kang mag-aalala dahil ang mga sang'gre na mismo ang magpapatayan dahil sa pagkamatay ni Kahlil" sambit ni Alexandra ngunit kahit nakangiti man ay makikita mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan."Kung wala ka ng kailangan pa ay mauuna na ako sa Lireo" sambit ni Alexandra at tsaka naglaho.


.

.

.

.

"Agane, utusan mo ang ating mga kawal na umatras"

"Pero bakit panginoon? Hindi ba dapat na ubusin na natin sila hangga't may pagkakataon pa?"

"Ako ba ay pinapangunahan mo Agane?"

"Hindi sa ga - -"

"Kung ganun ay sundin mo na ang aking pinag-uutos, ena-i!"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon