Kabanata 42 - Ang Kaguluhan sa Sapiro

889 33 17
                                    

"Kay gandang pagmasdan ng trono" nakangiting sambit ni Lilasari habang pinagmamasdan ang trono ng reyna ng mga diwata.

"Lalong lalo na kapag ikaw na ang nakaupo" sambit ni Hagorn at ibinigay kay Lilasari ang isang baso na naglalaman ng alak.

Napatingin si Lilasari sa nagsalita at nginitian niya si Hagorn at tinaggap ang inaalok nitong baso "Noon tinatangi ko lang makaupo rito" sambit ni Lilasari ng makaupo na siya sa trono ng mga diwata.

"Ngayon, ay masasabi kong akin na talaga siya"

Ngumiti si Hagorn at tsaka umupo sa kanyang trono at tsaka hinawakan nito ang kaniyang kamay "Hanggang ngayon ay di ako makapaniwala na, ikaw at ako ay iisa na, mahal ko"

At pilit na ngumiti si Lilasari "Ganun din ako, Mahal kong hari"

Kanina pa siya nasusuka sa paglalambing kay Hagorn kundi siya tinakot nito na papaslangin ang kaniyang mga kasama at kung hindi din siya nakumbinsi ni Adhara ay hinding-hindi siya magpapakasal rito.

"Haring Hagorn, maari ba kitang makausap?"

"Kay lalim na ng gabi Adhara, maari naman nating pag-usapan iyan kinabukasan dahil sa ngayon nais ko munang titigan at makasama ang aking asawa"

Ngumiti lang ng peke si Lilasari.

"Hindi na pwedeng ipagpabukas ito Haring Hagorn"

Napabaling si Hagorn sa kanyang harapan at sinabi "Ano ba ang kailangan mong sabihin?"

"Tungkol ito Ether"

Napatayo si Hagorn "Mahal ko, mauna ka na sa ating silid. Susunod ako pagkatapos namin mag-usap ni Adhara"

Tumango si Lilasari at tinignan muna sila Adhara at Hagorn bago siya umalis sa punong bulwagan ng Lireo.

"Ngayon, Adhara, magsalita ka! Papaano mo nakilala ang Bathalumang Ether? At bakit mo gusto mo siyang pag-usapan?"

"Kanina ng lumabas ako sa Lireo at nagtungo sa kagubatan ay nakita ko siya, kinausap niya ako at may nais siyang ipahatid na mensahe sa'yo"

"At ano iyon?"

"Nais niyang kunin natin ang anak ni Danaya at ang anak ni Amihan na sinasabi nilang tagapagligtas bukas ng gabi"

Di makapaniwala si Hagorn sa kanyang narinig at tsaka umiling "Hindi ka na ba talaga makapaghintay na buhayin ang iyong mga Etherian, Bathaluman?" sambit ni Hagorn at tsaka nabasag sa kamay niya ang baso na hawak-hawak.

Dahil hindi man sabihin ng Bathalumang Ether sa kanya, alam niyang ay balak nitong buhayin ang mga Etherian.

~

May nais pa sanang sabihin si Danaya kay Aquil bago niya isakatuparan ang kaniyang plano ngunit ayaw niya na itong mas masaktan pa kaya nanatiling tinikom niya ang kanyang bibig at tsaka nagpaalam upang hanapin si Amihan.

"Amihan"

Hindi man lumingon si Amihan ay kilalang-kilala niya na kung kanino ang boses na iyon.

"Danaya" tawag ni Amiahn sa pangalan ng kanyang kapatid at kaagad na yinakap ito "Saan ka ba nagpunta ha? Kanina pa kita hinahanap" sambit nito at bakas sa boses ang pag-aalala nito.

"Poltre Hara, hindi ko nais na pag-alalahin ka. Nais ko lang munang masuri kung gising na ba si Alexandra bago ako mangyari ang dapat mangyari" sambit ni Danaya at halata sa mga mata at boses nito ang kalungkutan.

"Danaya, hindi na ba talagang maari na iurong mo ang iyong hamon kay Alena?"

Napangiti ng mapait si Danaya ng marinig niya ang pangalan ng kanyang ide-a Alena. Bumuntong hininga muna siya bago niya tinignan si Amihan "Kailanman Amihan hindi ko naisip na magkakalapat ang relasyon namin ni Alena at hahantong ito sa isang hamon ngunit sadya yatang may ibang plano si Emre dahil hinayaan niya humantong kami sa ganito" sambit ni Danaya at lumakad papunta sa azotea.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon