"Kaawang-awang Amihan" sambit ni Pirena habang pinagmamasdan ang kanyang nakakabatang kapatid na sugatan habang itinuun nito ang kanyang espada sa leeg nito "Sinaksak ng sariling anak"
Winakli ni Amihan ang espada na nakatuun sa kanya "Verdusa naasva!" galit na sabi nito.
"Ssheda hindi natin siya papatayin" galit na sambit ni Pirena ng makita niya ang isang hathor na sasaksakin na sana si Amihan "Nais kong maramdaman ni Amihan ang hapdi sa pagkakaalam na ang anak niya mismo ang nagtanka sa kanyang buhay kaya bubuhayin natin siya"
"Para ano Pirena? Para bigyan siya ng pagkakataon na tumakas?" tanong ni Hagorn na lumalakad papalapit sa kanila.
Napatingin naman si Amihan kay Hagorn.
"Paslangin ang dating reyna" naghanda ang lahat ng mga hathor para sundin ang pinaguutos ni Hagorn.
Bigla na lang may binato sa kanila at sumabog ito. Napatumba sila dahil nawalan sila ng balanse habang ang mga hathor naman na natamaan ay naglaho.
Kaagad sumugod si Ybarro at itinututuk ang kanyang espada sa leeg ni Pirena.
"Subukan mong saktan ang tunay na reyna ng Lireo at sisiguraduhin kong mapapaslang si Pirena"
Nanghihinang tinignan ni Amihan sila Ybarro habang si Hagorn naman ay nakatutuk ang kanyang sandata kay Amihan.
Ilalabas na sana ni Pirena ang brilyante ng tubig ng mapansin ito ni Ybarro at tsaka niya itong hinablot papalapit sa kanya "Wag mo akong utakan Pirena"
Naparoll eyes na lang si Pirena.
"Dahil bago mo pa mailabas ang brilyante mo ay malalaslas ko na ang leeg mo" tinignan ni Ybarro si Hagorn "Ikaw! Ibibigay mo ba sa akin si Amihan o hindi?" tanong ni Ybarro at mas linapit pa sa kay Pirena ang kanyang espada.
Naiiyak na tinignan ni Pirena si Hagorn at sinabing "Mauunawaan ko Ama, kung hindi mo pipiliin ang aking kaligtasan"
Mas hinila ni Ybarro si Pirena at mas linapit niya at diinin niya sa leeg ni Pirena ang kanyang dalang sandata "Hagorn! Alam mong hindi ako magdadalawang –isip na kitlin ang buhay ni Pirena"
Si Hagorn na man ay ganun din ang ginawa kay Amihan.
Halata ang kaba sa mukha ni Pirena para kasi siyang nawalang ng pag-asa na pipiliin siya ng kanyang ama.
May isang ibon ang lumitaw at naging si Ades ito.
"Tatakutin din ba ako ng kaluluwang nanggaling sa Devas? Upang pakawalan ko ang dating reyna ng mga diwata?" tanong ni Hagorn pagkakita kay Ades.
"Sa tingin ko ay hindi ka tinatakot ng aking kasama halata naman na hindi siya magaatubiling kitlin ang buhay ni Pirena kung hindi mo papakawalan si Amihan, hindi ba?"
Walang nagawa si Hagorn kundi bitawan si Amihan at itulak ito papalayo sa kanya.
"Sige, kunin mo na ang dati mong reyna bago magbago ang isip ko" sambit ni Hagorn at tsaka lumayo-layo.
Lumapit si Ades at inaalayan si Amihan.
Itinulak naman papalayo ni Ybarro si Pirena susugod na sana ulit sila Hagorn at Pirena ng pigilan sila ni Ades gamit ang kapangyarihan nito kaya si Ybrahim ang umalalay sa kanya.
Nanghihinang tinignan ni Amihan si Ybarro "Ybrahim, si Lira"
"Amihan hindi natin siya maiiligtas kung ganyan ang kalagayan mo. Kailangan natin umalis na dito" sambit ni Ybrahim at sila ay tuluyang naglaho.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.