Author's Note:
Sorry guys kung hindi ko natupad yung update kahapon. May linakad kasi ako. Tapos may kailangan akong gawin ngayon. Nga pala, walang update bukas kasi may lakad ako bukas. Isa pa, walang signal dito sa Cebu bukas dahil nga Sinulog. Sana maunawaan niyo. Avisala Eshma sa pagpatuloy na pagbabasa nito! Sana magustuhan niyo ang chapter na ito. As much as possible, kahit gusto kong mag-update palagi marami lang talaga akong nakatambak na dapat asikasuhin kaya sana pagtiyagaan niyo muna ang isang chapter na ito. Thanks guys!
"Alexus, nandito ka lang pala" sambit ni Lira ng makita niya si Alexus sa azotea ng Sapiro.
Napalingon naman si Alexus at ngumiti ng matipid "Ikaw pala, Ate Lira" sambit nito at pagkatapos ay binalik kaagad ang tingin nito kung saan makikita mo ang kaharian ng Lireo.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang-tanong ni Lira nang malapitan niya ang kanyang kapatid na si Alexus.
"Nageemote, hindi ba obvious?" sambit ni Alexus at natawa sa sinabi niya.
Natawa din naman si Lira saa sinambit ng kapatid "Ahhh ganun ahhh barahan pala tayo dito ngayon" sambit ni Lira at tsaka niya kiniliti ang kaniyang bunsong kapatid.
"Ate Lira, tama na" sambit ni Alexus habang pinipigilan ang mga kamay ni Lira na umaatake sa kanya.
Tinigilan ni Lira ang pagkakiliti kay Alexus "Mabuti naman at tumawa ka na ulit, alam mo mas gusto ko makita kang ganyan kesa maging malungkot ka. Alam mo ba habang pinagmamasdan kita kanina at narinig ko ang buntong-hininga mo akala ko lolo eh"
"Ahhh ganun" sambit ni Alexus at ngayon siya naman ang kumikiliti kay Lira.
"Alexus...tama na" humihingal na sambit ni Lira kaya tiniggilan niya na ang kaniyang kapatid.
"Alam mo Alexus, sana palagi na lang tayong ganito. Yung payapa lang at laging magkakasundo" sambit ni Lira habang tinitignan ang dalawang buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan.
Ngumiti ng matipid si Alexus "Masasabi mo bang lagi tayong magkasundong lahat kong galit sa akin si Ate Alexandra dahil mas napagalitan siya ni Ashti Danaya?"
Tinapik-tapik ni Lira ang balikat ni Alexus at tsaka inakbayan ito "Alam mo bro, hindi naman galit si Alexandra sa'yo. Inis siguro oo, pero alam kong hindi ka matitiis non. Si Alexandra pa ba?" nakangiting sambit ni Lira at tinignan ang kaniyang kapatid na mukhang nag-aalala sa pakikitungo ni Alexandra sa kaniyang sarili.
Ngumiti ng matipid si Alexus "Salamat Ate Lira ah, salamat at pinapalakas mo ang aking loob" sambit nito habang tinitignan si Lira.
"Ano ka ba, Alexus? Sinu-sino pa ba ang magtutulungan at magbibigayan ng advice kung hindi tayo-tayo lang, di ba?" nakangiting sambit ni Lira "At isa pa, magkapatid tayo paano naman kita hindi tutulungan?"
Napangiti si Alexus sa sinabi ni Lira. Kamuntikan niya nang malimutan ang isang napakahalagang bagay na mayroon nga pala siyang nakakatandang kapatid at yun ay ang kaniyang Ate Lira na mas ubod ng kulit sa kanya.
Alam niya na ang ugnayan nila ni Lira. Matagal niya ng alam at kaagad niya naman itong tinaggap ang katotohanan kahit na wala siyang naalala o sinasabi ng kaniyang ina na hindi totoo ang mga tinuran ni Lira at Alexandra na ito ang tunay na Lira, ang tunay na anak ng Hara Amihan at Rehav Ybrahim. Ang anak na nawalay sa kanila sa loob ng napakatagal na panahon.
(Flashback)
"Ate Mira, kamusta ang lagay ni Ate Alexandra?" di mapakaling tanong ni Alexus pagkalabas ni Mira sa silid ni Alexandra.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.