"Amihan? Maari ba kitang makausap?" tanong ni Ybrahim sa reyna ng mga diwata pagkarating niya sa punong bulwagan.Tumango si Amihan "Mga kawal, iwan niyo muna kami ni Prinsipe Ybrahim"
Kaagad na yumuko ang mga kawal at umalis sa punong bulwagan para bigyan ng panahon para makapagusap silang dalawa ng pribado.
"Kamusta na nga pala si Danaya?"
"Napakalma ko na siya kanina. Iniwan ko siyang tulog sa kanyang silid at pinababantayan ko siya kina Aquil at baka ano nanaman ang maisipan gawin ng aming bunsong kapatid"
"Mabuti naman kung sa ganun, sadyang napakalaki ng epekto ng pagkawala ni Alexandra kay Danaya"
"Hindi ko siya masisisi Ybrahim, pinagkaitan siya ng mahabang panahon na makasama si Alexandra at sarili niya pang kadugo ang kumitil sa buhay ng kanyang anak - -"
"Sinisisi mo ba si Alena, Amihan?"
"Hindi ko siya sinisisi Ybrahim sa akin lang hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi siya sumangayon sa plano ni Ether at kung pinakinggan niya tayo. Isang diwani ng Lireo ang nawala Ybrahim at namahal na rin sa akin si Alexandra, kaya hindi mo ko masisisi kung medyo may galit rin akong nararamdaman kay Alena"
"Nawalan din kami ng anak ni Alena, Amihan. Nawala rin sa akin si Kahlil"
"Alam ko, Ybrahim. Alam ko dahil kahit na iniisip ko kung papaano kung isa kila Lira, Mira o Alexus ang nawala? Hindi ko makakayanan iyon dahil mas nanaiisin ko pa ako ang mamatay kesa makita ang mga retre sa katawan ng aking mga anak" sambit ni Amihan at tinignan si Ybrahim "Nga pala, ano ang iyong sadya at naparito ka?"
Pinunasan ni Ybrahim ang isang luha na pumatak sa mukha ng reyna ng mga diwata "Kahit ako hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag may nawala ni isa sa inyo" sambit ni Ybrahim at yinakap si Amihan "Tahan na, Mahal kong Reyna. Hindi ko na hahayaan na may masaktan sa inyo nila Lira at Alexus" bulong na sambit ni Ybrahim at kumalas sa pagkakayakap at hinagkan ang noo nito.
"Pangako" he said when his lips parted from her forehead.
Naputol ang kanilang pagtitinginan ng may marinig silang nabasag.
"Anthony?"
"I'm sorry, sorry po mahal na reyna" paghingi ni Anthony ng paumanhin at pupulutin na sana ang nabasag na vase.
"Anthony, hayaan mo na ang mga dama na maglinis niya at baka masugatan ka pa" sambit nj Amihan at nilapitan ang tagalupa at pinatayo ito.
"Sige po, aalis na po ako. Babalik na lang po ako kapag hindi ka na abala, mahal na reyna"
"Anthony saglit" pagpigil ni Amihan sa papaalis na tagalupa "Ano ang iyong sadya at nagpunta ka pa talaga dito sa punong bulwagan? May nais ka bang sabihin?"
Napatingin si Anthony kay Ybrahim "Mamaya na lang po"
Nakuha naman ni Ybrahim ang sinasabi ng mga mata ni Anthony "Amihan"
Napatingin si Amihan sa gawi ni Ybrahim .
"Magpapaalam na sana ako sa'yo dahil babalik na kami ni Alena sa Sapiro"
Biglang nawala saglit ang mga ngiti sa labi ni Amihan pero ngumiti siya ulit at tumango "Pagkaingatan mo ang aking kapatid, Ybrahim"
"Makakaasa ka, mahal kong reyna" sambit ni Ybrahim at tsaka nagsimulang lumakad papaalis.
"Anthony? May gusto kang pagusapan diba?"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.