Kabanata 30 - Pasko sa Sapiro

1.3K 60 22
                                    


"Wow ang ganda" tila namamanghang sambit ni Lira habang nililibot ang kaniyang paningin sa paligid.

"Oo nga beshie, isang araw lang tayo nawala kay ganda na ng mga palamuting nakasabit dito sa Sapiro" halata sa boses ni Mira ang kagalakan "Ngunit Prinsipe Ybrahim, sino ang naglagay ng mga dekorasyon dito at bakit?" nakakunot noong tanong ni Mira.

"Mira, masyado ka na atang makakalimutin ah" natatawang sambit ni Alexandra "Nakalimutan mo na ba na noong umalis tayo ay naghahanda tayo para sa Pasko"

Nanlaki ang mga mata ni Mira "Talaga? Pasko na?"

Natawa si Alexandra at tsaka umiling "Desperas pa lang Mira. Hindi pa 12 sa mundo ng mga tao. Kaya may tatlong oras pa tayo para maghanda"

"Beshie, papaano mo nalaman na hindi pa 12 sa mundo ng mga tao?"

"Sa pamamagitan nito" nakangiting itinaas ni Alexandra ang kanyang cellphone na iphone 6.

"So ibig sabihin nacharge mo yan?" tila na mamahang sambit ni Lira.

"Oo di ko nga namalayan na nagchacharge pala tong phone ko habang nakikipaglaban tayo kanina. At least diba ngayon may picture taking na magaganap" masayang sambit ni Alexandra.

"Ayy gusto ko yan bes, sayang nga lang at walang internet dito para maupload mo ang mga yan sa fb o instagram" nakangiting sambit ni Lira.

"Oo nga nakakamiss rin pala ang facebook" nakangiting sambit ni Mira.

"Uyy beshie, alam mo yung facebook?"

"Oo naman, tinuruan ako ni Anthony kung papaano gamitin ang kasangkapan na iyan" sambit ni Mira habang tinuturo ang cellphone no Alexandra.

Halata ang kasiyahan sa mga mukha ng mga diwani na tila walang naganap na pagdukot sa tatlo.

Nakangiting pinagmamasdan nila Amihan, Danaya, Ybarro at Aquil ang tatlo.

"Hindi ko man naiintidihan ang kanilang sinasabi ngunit sa wika nila ay tila masaya ang pinag-uusapan nilang tatlo" nakangiting sambit ni Amihan.

"Kahit papaano ay lumuluwag ang loob ko kapag nakikita ko silang tatlong nag-uusap"

Nakangiting tumango si Amihan.

Natigilan sila Lira at Alexandra sa pag-uusap at napatingin sa encantada na kakaakbay lang sa kanila.

"Alam kong gustong-gusto niyo ng ipagdiwang ang pasko. Ngunit may ilang oras pa diba bago magpasko? Kaya sige na ihanda niyo na ang sarili niyo. Isa pa,paniguradong naghihintay sila Alexus at Anthony sa inyo kaya puntahan niyo na sila" nakangiting sambit ni Amihan.

Nagkatinginan ang tatlong diwani at nagkangitian bago sila lumakad.

Tumigil si Alexandra sa paglakad ng mapansin na hindi sumama sa kanila si Andrew "Andrew, tara na" sambit ni Alexandra ngunit hindi ito gumalaw kaya bumalik si Alexandra sa kinatatayuan nito at hinila ito papuntang punong bulwagan dahil narinig niya ang mga dama na sinagot ang katanungan ni Lira kung nasaan sila Anthony.

.

.

.

.

.

"Danaya kanina ko pa napapansin ang pagtitig mo sa iyong brilyante"

Kaagad na isinirado ni Danaya ang kanyang palad at lumingon para tignan kung sino ang nagsalita.

"Amihan" tawag niya sa pangalan ni Amihan na lumalakad papalapit sa kanya.

"May problema ba?" tanong ni Amihan at tumigol siya sa paglakad dahil pinagmamasdan niya ang bunso niyang kapatid.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon