Kabanata 49 -

1K 28 13
                                    


Kahit nakangiti ay halata sa mga mata ni Danaya ang kalungkutan ng makita ang dalawa niyang hadia na mahimbing na matutulog hg abang nagyayakapan ang mga ito.

"Sadyang kay ganda nila pagmasdan" nakangiting sambit ni Danaya habang tinitignan ang dalawa niyang hadia na mahimbing na natutulog.

Nakangiti man ay hindi pa rin maikukubli sa kanyang mga mata ang nararamdaman niyang kalungkutan.

"Alexandra, anak, ikaw na lang ang kulang" malungkot na sabi nito at nang maramdaman niya ang pagtulo ng kanyang luha ay pinunasan niya ito bago pa ito mahulog bago maglaho at lumitaw siya sa azotea ng Lireo.

"Mahal na Sang'gre" tawag ng isang pamilyar na boses dahilan ng pagkakalingon niya.

"Aquil"

"Umiiyak ka ba?" tanong ni Aquil at nagmadaling lapitan si Danaya para tignan kung tama ang kanyang hinala.

"Ssheda Aquil"

Napatigil si Aquil sa kanyang paglapit kay Danaya ng marinig niya ang maawtoridad na tono nito.

"Gusto ko lang sana - -"

"Poltre, Mashna ngunit nais ko ng magpahinga" sambit ni Danaya at maglalaho na sana ng maramdaman niya ang kamay ni Aquil na nakahawak sa kamay niya at kaagad na yinakap nito.

Sa hindi malamang dahilan ay napaiyak si Danaya. Humagulgol siya habang yakap-yakap siya ni Aquil.

"Iiyak mo lang Danaya, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong maging matapang" pagalo ni Aquil kay Danaya.

Sa buong buhay ni Aquil, ikaapatbeses niya lang nakitang umiyak si Danaya. Una ng pagkamatay ng inang reyna, pangalawa ay noong nagsusumamo ito sa inang reyna na wag ilayo ang arksha na si Alexandra at ikapangatlo ay noong namatay ito, at ngayon ang ikaapat na beses na nakita ito. Nakita niya ang isang mahinang Danaya na pilit na bumabangon hindi lang para sa kaniyang sarili kundi para sa buong Encantadia.

Nang kumalma si Danaya ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Aquil "Poltre Aquil at naabala pa kita sa iyong tungkulin at avisala eshma sa iyong pakikinig"

"Walang anuman, Danaya. Palagi mong tatandaan na narito lang ako para sa'yo" nakangiting sabi ni Aquil.

Ngumiti ng matipid si Danaya "Avisala Eshma, ulit" sambit ni Danaya.

"Sige na mahal na sang'gre kailangan mo nang magpahinga" sambit ni Aquil "At ako ay hahayo na papunta sa aking pwesto"

Tumango si Danaya at nginitian ulit si Aquil ng matipid bago maglaho.

"Poltre Danaya, at wala akong nagawa para sagapin siya" sambit ni Aquil habang pinipigilan na maiyak at tsaka umalis pagkalipas ng ilang minuto.

................

"Sige na iwanan niyo na ako at magpahinga na kayo" utos ni Amihan sa dama at iilanag kawal na sumusunod sa kanya.

Yumuko ang mga ito bago umalis.

Napangiti siya ng mapait habang pinagmamasdan ang azotea dahil pinapaalala lang nito si Ybrahim.

"Si Ybrahim na ngayon ay nasa Sapiro at kasama si Alena" sambit niya sa kanyang sarili at mapait na ngumiti habang papalapit siya sa baranda ng Lireo.

Napatanaw siya sa kaharian ng Sapiro. Ito ay nagliliwanag. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito.

"Sana ay nasa maayos ka na kalagayan, Rehav" sambit niya habang pinipigilan na maluha.

"Ina?"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon