Kabanata 29 - Kapangyarihan

1.1K 45 12
                                    


"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" sambit ng isa sa mga diwata na kasama nila Adhara habang nakatuon ang kaniyang hawak na sandata sa leeg ng isang encantado. 

Tinaas ng encantado ang kaniyang mga kamay as he gulped "Gusto ko lang sana humingi ng tubig, maari ba yun, encantada?" sambit pa nito sabay pacute.

"Maari naman" sambit ng diwata sa kaharap nitong encantado habang nakangiti ito ng kay tamis "Maghintay ka lamang jan, ginoo" 

Tumango ang encantado habang inilibot ang kaniyang paningin. 

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito sa kuta namin?" tanong ng isang boses sa likuran niya kaya napalunok na lang ulit ang encantado sa kaniyang laway ng maramdaman niya ang isang matalim na bagay na nakatuon sa kaniya. 

Dahan-dahan niyang tinignan kung sino ito "Humihingi lang po ako ng tubig sa inyong mga kasamahan" sambit pa nito.

"Andrew?" sambit ng isang lalaki. 

"Mang Berdano?" nanlaki ang mga mata ni Andrew ng makilala ang kasama ng encantada na nasa harapan niya. 

"Berdano?" nakakunot na bulong ni Lilasari sa kaniyang sarili. 

"Andrew, ikaw nga" natutuwang sambit ni Hitano at masaya siyang nakipagkamay kay Andrew, tignignan niya si Lilasari "Pwede bang ipaubaya mo na sa akin ang kaibigan kong ito?" 

Tumango si Lilasari "Kapag nakuha na niya ang gusto niya maari mo na siyang paalisin dito" 

Tumango si Hitano "Avisala Eshma, Lilasari" pagpapasalamat niya sa pagpayag ni Lilasari bago ito tuluyang umalis papalayo sa kanila. 

"Gusto mo siya ano?" nakangiting sambit ni Andrew ng mamatiyagan niya ang tingin ni Hitano kay Lilasari. 

"Ano ka ba, hindi no" pagdedeny ni Hitano at tsaka umiling siya "Hindi dapat ako ang pinag-uusapan dito dahil dapat ikaw papaano ka nakapunta dito? At bakit ka naririto?" Hitano sounded serious when he ask those two things. 

Ngumiti lang si Andrew at kinindatan ang babae na naghatid sa kaniya ng tubig, uminom muna siya ng tubig.

Nakita ni Hitano ang ginagawa ni Andrew kaya ngumiti siya at tsaka umiling-iling. Wala pa rin pinagbago ang dati niyang amo sa mundo ng mga tao.  Mahilig pa rin ito magpacute sa mga babae. 

"Saan na nga ba tayo?" 

Sumeryoso ang mukha ni Hitano at tsaka tinignan niya si Andrew na ngayon nakaupo sa tabi niya "Paano ka nakapunta dito at ano ang iyong dahilan kung bakit ka narito"

"Naala mo ba ang babaeng kinekwento ko sa'yo noon? Yung babaeng tanging nagpapatibok ng puso ko? Sinundan ko kasi sila ng mga pinsan niya na pumasok sa isang portal and the next thing that I know, nasa Encantadia na ako" 

Tumango si Hitano ngunit kumunot ang noo niya ng hindi niya maalala kung anong pangalan nito "Oo naman ngunit ano ngang pangalan niya?" 

"Alexandra, Alexandra ang pangalan niya" sambit ni Andrew at ngumiti siya ngunit halata sa pagmumukha niya ang kalungkutan at pag-aalala.

Nanlaki ang mga mata ni Hitano ng marinig ang pangalan nang iniibig at naging dahilan ng pagpasok ni Andrew sa encantadia ay ngayon ay bihag nila. 

Tumayo si Hitano at tinignan si Andrew "Umalis ka na dito, Andrew" mariin na pag-uutos niya "Siguro naman ay ubos na ang tubig na nasa basong iyan hindi ba? Umalis ka na" 

Tumayo si Andrew mula sa kanyang pagkakaupo at kumunot ang kaniyang noo "Anong nangyayari sa'yo Berdano? Kanina lang ay okay tayo, bakit ngayon ay pinapaalis mo ko?" 

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon