A/N: Guys sorry kung ngayon lang ako nakapag-update ha? Sobrang naging busy lang talaga the past few weeks. Still thank you for staying tune at thank you din sa mga nangungulit sa pag-update ko. Thank you for keeping motivated to finish this story. Alam niyo naman na broken hearted pa rin ako sa nangyari kay Amihan. Haysss...
Hindi alam ni Ybarro kung saan nagtungo si Amihan kaya napagdesisyunan niyang ituloy ang paghahanap sa tatlong diwani na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung saan at kung anong nangyari sa mga ito. Nag-aalala siya para kay Lira ngunit alam niyang mas mahigit na nag-aalala si Danaya at Amihan para sa tatlo dahil bukod na sila ang nagpalaki at nagaruga kay Mira ay sila rin ang mga ina ni Alexandra at Lira. At alam niyang walang ina ang gustong mawalay sa kanilang mga anak.
Medyo malalim na ang gabi kaya napahinto saglit si Ybarro sa paglakad upang magpahinga at hindi niya napigilan na mapatingin madilim na kalangitan at ang dalawang buwan ang nagbibigay liwanag sa gabing iyon. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga buwan.
Nagpatuloy sa paglakad si Ybarro ng nakapagpahinga na siya. Tinignan ni Ybarro ang paligid upang tignan kung nasaan na siya, pamilyar ang lugar na iyon at napagtanto niya na malapit na ang batis sa kinaroroonan niya kaya nagpatuloy siya sa paglakad.
Ilang metro na lang ang layo niya sa batis ng makita niya ang isang encantada na nakatalikod sa kanya. Kaya tumigil siya sa kanyang kinatatayuan at pinagmasdan ito. Napangiti siya nang mapagtanto niya na pamilyar ang likuran na iyon dahil ang likuran na iyon ay palago niyang yakap-yakap kapag pinapanuod nila ang takipsilim sa lihim nilang tagpuan.
Nakatingin ito sa kalangitan.
"S..saan ka na ba Lira?" garalgal ang boses ng encantada na nasa kanyang harapan pagkasabi nito. Bakas sa boses ang kalungkutan na nararamdaman nito.
Matipid na ngumiti si Ybarro bakas sa kanyang mga ngiti ang pighati at sakit habang pinagmamasdan ang reyna ng mga diwata na tumatangis at ramdam niya ang kalungkutan at pananabik na makita muli ang sinasabi nilang anak na si Lira.
.
.
.
.
.
Halata sa pagmumukha ni Ybarro ang pagkagulat ng naramdaman niya ang matulis na espada sa kanyang leeg.
"Ybrahim?" hindi makapaniwalang tawag ni Amihan sa kanyang pangalan ng makita siya nito at kaagad nito ibinaba ang kanyang espada "Poltre" paghingi nito ng paumanhin "Ybrahim bakit hindi mo na lang ako tinawag para malaman ko na sa iyo pala ang nga yapak na aking naririnig. Tignan mo tuloy kamuntikan na kitang masaktan" sambit nito na may halong pagkainis ang tono and at the same time fristration.
"Poltre Amihan, sinundan kita kanina ngunit naglaho ka gamit ang iyong evictus kaya naisip ko na lang na lumakad mag-isa para hanapin ang mga diwani. Sana hayaan mo akong samahan kita sa paghahanap sa kanila" sambit ni Ybarro na puno ng senseridad.
"Ngunit hindi ba sinabihan na kita na manatili ka sa Sapiro kasama ni Alena"
"Nararapat ba na ako ay nasa Sapiro habang abalaa kayo ni Danaya sa paghahanap ng ating anak Amihan pati na rin ng iyong mga hadia? Sadyang napakawalang silbi kong ama naman kung gayon" sambit ni Ybarro na halata sa pagkasabi nito ang hinanakit.
"Poltre Ybrahim, hindi ganun ang ibig kung sabihin" paghihingi ni Amihan ng tawad sa Prinsipe ng Sapiro "Alam ko naman nais nating lahat na mahanap sila ngunit - -"
"Ngunit alam ko naman na ayaw mo akong kasama kaya nga lumalakad ka ng mag-isa na wala man lang pasabi diba?" sambit ni Ybarro at halata sa boses nito ang pagkainis "Na kahit sinabi ko na sssamahan kita sa paghahanap sa ating anak ay naglaho ka pa rin ng mag-isa dahil ayaw mo kong kasama" sambit ni Ybarro at ngayon halata na sa boses niya ang hinanakit na iniinda nito habang pinipigilan nitong umiyak "Wag kang mag-alala, Mahal na Reyna, kapag na hanap na natin ang mga diwani ay babalik na sa dati ang lahat. Ikaw sa piling ng ating mga anak. At ako sa piling ni Alena at ni Kahlil" sambit ni Ybarro at naunang lumakad.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
Hayran KurguThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.