Kabanata 17: Ang Pagkikita ni Danaya At Alexandra

1.3K 44 5
                                    

"Mabuti na ang kanyang kalagayan, Amihan" sambit ni Danaya ng makita niyang unti-unti ng bumabalik sa dating kulay nito si Alexandra.

"Mabuti naman kung ganun" sambit ni Amihan at nakahinga na siya ng maluwag. Tinignan ni Amihan si Alexandra at binalik ang kanyang tingin kay Danaya "Pero bakit hindi pa siya nagigising Danaya?"

"Dahil kailangan niya pang bawiin ang kanyang lakas dahil sa lason na kamuntikan ng kumitil sa kanyang buhay"

Amihan sighed in relief "Salamat naman kah Bathalang Emre at hindi niya pinabayaan si Alexandra" sambit ni Amihan habang pinagmamasdan ang kanyang hadia. At tsaka niya tinignan si Danaya "Avisla Eshma rin sayo Danaya sa pagpapagaling mo kay Alexandra"

"Walang anuman Amihan gaya mo ay hangad ko rin ang kaligtasan ng tagalupa"

"Mukhang nakakalimutan mo na isa siyang encantada Danaya? Naalala mo kung bakit hindi gumana ang iyong enkantasyon?"

"Alam ko Amihan. Sino ba naman ang mag-aakala na isang encantada rin pala ang magpapabalik sa aking hadia?" sambit ni Danaya at tinignan si Mira kaya napatingin na rin si Amihan sa gawi nila Mira.

Unang lumakad patungo si Danaya sa gawi nila Mira "Hindi niyo na kailangan mag-alala kunting pahinga lang ang kailangan niya at gigising na rin siya" sambit ni Danaya at tsaka nginitian sila.

"Avisala Eshma, Ashti" sambit ni Mira.

Tumango si Danaya at tsaka ngumiti "Walang anuman, Mira" sambit niya at tsaka hinawakan ang kamay ni Mira "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon lalo na nandito ka na uli sa Encantadia"

"Ganun rin ako Ashti" sambit ni Mira at yinakap si Danaya. Pagkalipas ng ilang saglit ay narinig nila ang pagtikhim kaya napahiwalay sila at tinignan nila pareho sila Anthony at Alexus.

"Ma'am hindi po namin sana nais na gambalain yung reunion niyo ni Mira ngunit maari ba namin lapitan na si Alexandra?"

"Maari na tagalupa" sambit ng tumatangong si Danaya "Ngunit kailangan niyang magpahinga para makabawi ng lakas kaya wag niyo muna gambalain ang kanyang pagpapahinga"

Tumango lang si Alexus at Anthony at nagmadaling pumunta kung saan nakahiga si Alexandra.

"Pansin kong napakalapit ng tagalupang inyong kasama sa encantada na aking ginamot" puna ni Danaya.

"Tama ka diyan Danaya sapagkat kinilalang pinsan ni Alexandra ang tagalupa"

Kumunot ang noo ni Danaya "Kinilala? Hindi ba sila totoong magkadugo?"

Umiling si Mira "Sapagkat si Anthony ay isang tao habang si Alexandra naman ay isang encantada, isang diwata"

"Diwatang hindi natin alam ang pinagmulan" sambit ni Danaya at tsaka tinignan si Mira.

Napatingin parehon sila Amihan at Mira kay Danaya. Alam nilang may pagalinlangan si Danaya sa mga kasama ni Mira.

"Ashti wag kang mag-alala sapagkat ngayon lang nakatongtong ulit ng Encantadia si Alexandra pagkatapos siya ilayo ng kanyang ila"

"Inalayo? Bakit naman?"

Kibit-balikat lang ang nasagot ni Mira "Si Alexandra lang ang makakasagot niyan Ashti"

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon