Kabanata 26 - Ang Pagkawala ng Tatlong Diwani

1.2K 35 18
                                    

Kanina pa napapansin ni Alena ang pabalik-balik na paglakad ni Danaya sa bulwagan ng Sapiro mukhang hindi lang yata siya ang nakapansin ng makita niyang lumapit ang Mashna ng Lireo sa kanyang kapatid nakita niya itong nag-uusap lalapit na sana siya ng may tumawag sa kanya.

"Ina" napalingon siya sa gawi kung saan niya narinig ang boses na tinatawag siyang ina.

"Kahlil, anak? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba ito ang oras upang mag-ensayo kayo ng iyong ama?" takang-tanong ni Alena sa kanyang anak.

"Yun nga po ang itatanong ko sa inyo eh, kanina pa naming hinihintay ni Alexus si ama ngunit hindi pa siya dumadating sa hardin ng Sapiro" sambit nito at malungkot na ngumiti.

"Kasama niyo si Alexus sa inyong pag-eensayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Alena sa kanyang anak at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oo ina" nakangiting sambit ni Kahlil makikita mo talaga ang kagalakan sa mukha nito.

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya dahil hindi kayo magkaunawaan?" takang-tanong ni Alena dahil minsan ay nakwento ni Kahlil sa kanyan na ayaw niya daw kay Alexus dahil nga hindi sila magkaunawaan nito.

"Noon yun ina" sambit ni Kahlil "Noon yun na hindi ko pa alam na masaya pala siyang kasama. Isa pa, humingi na kami ng pasensya sa isa't-isa dahil sa mga inasta namin pareho noon hindi kami nagkaunawaan" sambit ni Kahlil "Nang dahil nga sa kanya para akong nagkaroon ng kapatid. Kapatid na pwede kong sabihan ng kahit ano" nakangiting dagdag na sabi nito.

Nakangiti lang si Alena habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang sinasambit ng kaniyang anak "Mabuti naman at ganun ang nararamdaman mo para sa iyong pinsan, anak at hindi na pagkamuhi" sambit nito habang tinatapik ang balikat ni Kahlil "Sige na puntahan muna si Alexus doon at baka nandun na ang iyong ama" sambit ni Alena sa kanyang anak.

Tumango lang si Kahlil habang nakangiti bago ito tuluyang tumalikod at lumakad papunta sa hardin ng Sapiro.

Nakangiting pinagmasdan ni Alena ang kaniyang anak at nang mawala na ito sa kaniyang tingin ay tinignan niya si Danaya na parang aligaga sa iniisip nito dahil kanina pa ito hindi mapakali at pabalik ng palakad-lakad kaya nilapitan niya na ang mga ito.

"Danaya, maayos ka lang ba?"

Napahinto si Danaya sa paglakad at ngumiti ng matipid "Oo Alena, maayos lamang ako" pero halatang hindi ito maayos kaya bumuntong hininga na lamang si Alena bago ito nilapitan ng tuluyan.

"Ano bang nangyayari sa'yo at tila balisa ka sa iyong kinatatayuan?" di mapigilang tanong ni Alena sa kanilang bunsong kapatid.

"Gusto ko lang iwaksi ang aking iniisip. Para kasing may mali sa aking nararamdaman" sambit ni Danaya.

"Ano ang iyong tinutukoy Danaya?" naguguluhang tanong ni Alena sa kanyang nakakabatang kapatid.

"Hindi ko alam Alena, ngunit iba ang aking pakiramdam ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng pagkatakot at parang may masama akong kutob na may hindi magandang nangyayari"

Bumuntong-hininga si Alena at tsaka niya nilapitan ang bunso nilang kapatid na si Danaya at hinawakan nito ang balikat ni Danaya "Iwaksi mo ang iyong iniisip Danaya baka may hinding magandang maiidulot yan sa'yo" sambit ni Alena "Bakit hindi na lang tayo pumunta sa hardin ng Sapiro? Sa pagkakaalam ko ay nagsasanay dun sila Alexus at Kahlil pati na rin ang mga dayo, para naman kahit papaano ay hindi mo na naiisip ang iyong nararamdaman"

Ngumiting-tumango si Danaya "Mabuti pa nga" sambit nito at tsaka lumakad sila ni Alena papunta sa hardin ng Sapiro kung saan nagsasanay sila Alexus at Kahlil.

.

.

.

.

E Correi (My Love) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon