"Oo na kasalanan ko na! Kasalanan ko na kung bakit ka nahihirapan ng ganito" naiiyak na sabi ni Alexus at tinignan niya si Alexandra sa mata "Kaya ko nga sinusubukan ayusin yung nasira ko" at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Alexus "Ate, gusto kong ayusin yun pero bakit sa tuwing gagawa siya ng paraan para mapalapit sa'yo ay itinutulak mo siya papalayo?"
Natigilan si Alexandra dahil sa sinabi ni Alexus.
"Akala ko ba gusto mo siyang makasama? Pero bakit mo siya tinutulak papalayo?"
"Alexus, Kahlil maari bang iwanan niyo muna kami?" tanong ni Danaya nang mapagpasiyahan niya ng magpakita. Narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Alexus.
"Ashti" gulat na sabi ni Alexus nang mapatingin ito sa kanya "Kanina ka pa ba jan?" tanong nito.
"Maari ba, Alexus, Kahlil na iwanan niyo muna kaming dalawa?" pag-uulit ni Danaya sa katanungan niya kanina.
"Maari po" sagot ni Alexus at nakita niya naman na tumango si Kahlil at umalis ang mga ito.
"Ang ganda ng dalawang buwan ano? Ang ganda nilang pagmasdan" nakangiting sambit ni Danaya ng lumapit siya kay Alexandra at pumwesto sa pwesto ni Kahlil.
"Hindi ba may kasiyahan doon sa loob? Bakit ka naririto?"
"Sa tingin mo ba, babalik pa ko sa loob kung hindi ko kasama ang gusto kong ipakilala sa aming mga nasasakupan?"
Yumuko si Alexandra "Ikaw lang naman ang iniisip ko, alam kong hindi ka pa handa na ipakilala ako bilang anak mo"
Malungkot na ngumiti si Danaya "Totoo ang sinabi mo, nagdadalawang-isip pa din ako kung anak ba talaga kita o hindi" sambit ni Danaya "Diba sabi ni Amihan may kapangyarihan ka na ipaalala ang mga nakalimutan na naalala? Bakit hindi mo ito gamitin para ipapalala sa akin"
"Sa tingin mo ba hindi ko pa nagagawa yun?" sambit ni Alexandra at halata ang pait sa kanyang tono na ikinagulat naman ni Danaya at tumingin siya dito "Alam mo ba kung gaano ko pinapangarap na makasama ka at kilalanin mo ko bilang anak? Alam mo ba kung gaano ko inaasam na maramdaman ang iyong pagmamahal? Kaya nga akala ko ng makatungtong ako sa Encantadia at mahawakan ko ang iyong kamay ay mapaalala ko sa inyo na may anak kayo" naiiyak na sabi ni Alexandra "Ngunit hindi, hindi ko alam ang paraan para maalala mo ako. Pilit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit" sambit ni Alexandra habang tumutulo na ang kanyang luha.
"Bakit hindi ko magawang ipaalala sa'yo na anak mo ko? Pero nagawa ko yun kila Mira at Ashti Amihan. Hindi mo ba alam na ang sakit-sakit sa kalooban ko na alam kung may kapangyarihan akong ipaalala sa ibang tao na anak mo ko pero hindi ko magawa sa sarili kong ina?" at tuluyan ng bumagsak si Alexandra at umiyak na ito.
Hindi mapigilan ni Danaya ang maawa sa kanyang anak. Wala siyang nasabi bilang sagot sa katanungan ang alam niya lang ay kailangan siya nito kaya pinaramdam niya ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang yakap.
Pinunasan niya ang mga luha na pumapatak sa mukha nito ng kumalas ito sa pagkakayakap niya at ngumiti siya "May agam-agam man sa isipan ko pero ramdam ng puso ko na nagsasabi ka ng totoo, kaya Alexandra, anak, pagpasensyahan mo na kung magdadalawang-isip ako paminsan-minsan pero hayaan mo pipilitin ko ang sarili kong maalala ka" sambit nito habang naiiyak.
Tumayo si Alexandra "Wag mo na muna akong tawagan na anak kung may agam-agam ka pa rin sa sinasabi ko" sambit ni Alexandra at ngumiti ng peke.
"Pero an - -"
"Sinabing wag mo muna akong tawaging anak hindi ba?!" inis na sabi nito at halata sa mukha nito na pinipigilan nitong umiyak "Pwede naman tayong magkaibigan hindi ba, Sang'gre Danaya" pormal na sabi nito na siya namang ikinagulat ni Danaya.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfikceThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.