Kanina pa paikot-ikot si Alexandra sa kakahuyan kung saan siya lumitaw. Hindi niya alam kung bakit siya umalis ng Sapiro basta ang nais niya lang ay makalayo doon. At doon niya siya lumitaw sa kagubatan ng Encantadia.
Umupo si Alexandra sa malaking bato na malapit sa kanyang kinatatayuan kanina.
"Sino ka encantada? At anong ginagawa mo dito sa aming kuta?" tanong ng mga nagkukumpulan na mga bandido.
"Di pa nga nagiinit ang pwet ko sa pagkaupo may didistorbo nanaman" inis na sabi niya sa kanyang sarili at tsaka tinignan ang gawi ng nagsalita.
"Baka nais niyang ibenta natin siya kaya siya naparito" natatawang sambit pa ng isa pang taong nababad sa harina dahil sa sobrang puti nito
"Huy kayong mga taong binababad sa harina pwede ba tigilan at iwan niyo ako? Badtrip na nga ako pinupunan niyo pa" naiinis na sambit ni Alexandra.
"Nakakatuwa ang iyong mga sinabi Encantada ngunit hindi namin na iintindihan" nakangiting sambit ng isa pang bandido.
"Ang sabi ko iwanan niyo ako!" mariin na utos ni Alexandra.
"Matapang na diwata" pagpupuri ng isa pang bandido kaya nagkatingin ang limang bandido at ngumiti "Ito ang nais ng ating mga taga Ascano" dagdag na sabi pa nito at ngumiti.
Nagkatinginan ang limang bandido na para bang alam nila ang tumatakbo sa isipan ng bawat isa.
Nagsimulang mas lumapit at pinaligarin ng mga bandido si Alexandra.
Inihipan ni Alexandra ang nakaharang na buhok sa kaniyang mukha "Gusto niyo talagang makipaglaban sa akin na badtrip na badtrip ako?!" inis na sigaw ni Alexandra at ngumiti "Kung ganun pagbibigyan ko kayo" sambit ni Alexandra at gamit ang kanyang index finger ay pinapalapit niya ang kaniyang mga kalaban.
"Sadyang nagmamatapang ang encantadang ito" natatawang sambit ng isa sa limang bandido at nagsimula ng silang sumugod at tinabanggan nilang lima si Alexandra.
"Too slow" sambit ni Alexandra at ginamit ang kaniyang evictus upang maglaho. Nagkabangga naman ang limang bandido.
"Aray" daing ng limang bandido.
"Ano ba kayo? Tignan niyo nga ang nilalakaran niyo!" Inis na sigaw ng isa.
"Ang encantada nawawala"
"Hanapin niyo ang encantada"
"Pssst" pagsipol ni Alexandra at lumingon naman ang lima at inatake si Alexandra.
"Too slow" sambit ni Alexandra at tsaka pinatid ang unang bandido na nakalapit sa kanya.
Nailagan niya ang bawat atake na ginagawa ng mga bandido bagkus ay mas nasaktan pa niya ang mga ito. Bumagsak sa lupa ang limang bandido.
"Hay, sinabi ko naman kasi na wag kayong mag-aksaya ng lakas lalo na at badtrip ako eh" sambit ni Alexandra at kinuha ang isa sa mga armas ng bandido.
Aalis na sana siya ng mapahinto siya dahil naramdaman niya na parang may sumusunod sa kany "Sino ka? Alam kong may kasama ako dito" tanong niya at hinanda ang kanyang sarili mabuti na lang at naisipan niya dalhin ang isa sa mga armas na ginamit ng mga bandido noong umatake ito sa kanya.
"Alexandra" sambit ng isang boses kaya napatingin siya sa gilid niya.
"Shit! You're going to give me a heart attack" sambit niya at itinuon ang espada sa encantanda na kakalitaw lang sa kanyang harapan "Sino ka? At bakit alam mo ang panggalan ko?"
"Ako si Cassiopea, ako ang tinawag nilang mata. Alam kong marami kang gustong malaman tungkol sa iyong pagkatao at narito ako upang samahan kang tuklasin iyon. Kaya halika ipapakita ko sa'yo ang iyong pagkatao"
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.