Unang nagising si Lira kesa kay Mira kaya naginat-inat muna siya pagkabangon niya bago niya ginawa ang mga morning rituals niya.
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang repleksyon sa salamin habang sinusuklay niya ang kanyang buhok.
"Ang ganda mo talaga Lira" puri niya sa kanyang sarili at tsaka inilagay ang suklay sa kinalalagyan nito.
"Lira, bakit di mo ko ginising?" sambit ng kakagising lang na si Mira at nagmadaling bumangon "Malilintikan nanaman tayo ni Ashti Danaya dahil nahuli tayo sa pagsasanay niya"
"Beshie, ikaw lang ang malalate ayos na ayos na ako" nakangiting sabi ni Lira at pinagmasdan si Mira na nakakunot noo.
"Laglagan na ba tayo ngayon beshie?"
"Binibiro lang kita beshie, sige na magmadali ka. Mauuna na lang ako sa dining room"
"Dining room?"
Bumuntong-hininga si Lira "Yung lugar kung saan tayo kakain"
"Ang ibig mo bang sabihin sa komedor?"
"Basta yun na yun" sambit ni Lira at tsaka nag-evictus.
Umiling na lang si Mira "Liraaaaa!" sigaw nito at tsaka nagmadaling gawin ang kanyang morning rituals dahil nasisigurado niyang mapapagalitan nanaman siya dahil na huli siya sa paggising.
Mag-eevictus na sana siya ng may mahigip ang kanyang mga mata. Ang palamuting bote.
"Teka ito yung sinasabi ni Alexandra na dapat inumin ni Lira" sambit ni Mira at tinignan niya kung may laman pa ito "Bakit hindi pa ito iniinom ni Lira?"
"Si Lira talaga sadyang makakalimutin" dagdag na sambit pa ni Mira at tsaka umiling at tsaka naglaho.
....
"Nasaan na ba ang iyong pinsan Lira? Akala ko ba ay sinigurado mong gising na si Mira pagpunta mo dito, bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?"
"Ashti, chill. Pupunta iyon dito siguro nagfrefreshen up pa iyon" sambit ni Lira habang abala sa pagkain. Mukhang nakakalimutan na nga nito na hindi nakakaintindi ang mga nasa loob komedor.
"Lira, pakiayos nga ng iyong pananalita dahil pati kami ay nalilito sa iyong sinasabi" sambit ni Danaya sa kanyang hadia.
"Ang sabi ko po - -" sambit ni Lira habang puno pa ang kanyang bibig ng pagkain pero kaagad ito tinakpan ni Alexus.
"Ang ibig sabihin ni Ate Lira, ay papunta na si Ate Mira dito siguro kaya natatagalan ay dahil nag-aayos pa iyon"
"Excuse me" sambit ni Anthony at tumayo at aalis n asana pero napigilan siya ni Lira dahil hinawakan nito ang kamay niya.
"Saan ka pupunta, Anthony? Hindi ka pa tapos kumain oh" sambit ni Lira at tsaka nakita niya si Mira na patungo "Kaya naman pala"
"Tapos na ako Lira" sambit ni Lira at tsaka iniwakli ang kamay nito "Maari naman po akong umalis dito diba?"
"Maari Anthony"
"Amihan!" nanlaki ang mga mata ni Pirena dahil hindi siya makapaniwalang na pumayag si Amihan dahil isang kalapastanganan ang kinikilos ng tagalupa sa kanila.
"Hayaan mo na siya Pirena, intindihin na lang natin siya"
"Kung nasa akin lang ang brilyante ng apoy, kanina ko pa siya sinunog"
"Na kailanman ay hindi mo gagawin" sambit ni Mira at tsaka nilapitan sila "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang puno't dulo ng kaguluhan na ito" dagdag na sambit ni Mira.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.