"Ate Alex?" napalingon si Alexandra sa may pintuan para tignan si Alexus na tumatawag sa kanya. Iisa lang naman kasi ang tumatawag na Ate sa kanya dito sa bahay nila Anthony kaya alam na niyang si Alexus yun.
"What?" she said sternly alam na niya kasi ang gusto nitong sabihin noong isang araw pa siya kinukulit nito na pasalihin siya sa car racing ngunit ayaw niya baka kasi anong mangayari dito.
He knows how to drive. Tinuruan kasi ito ni Anthony kaya ngayon nagmamarunong.
"Ano bang kailangan mo Alexus?" tanong niya at tinignan ito ng mapasok na niya ang lahat ng gamit niya sa bag na dadalhin niya.
"Sige na oh, payagan mo na akong magcar racing kahit isa lang promise hindi na ako uulit" he pleaded.
Umiling-iling si Alexandra how could she said no kung ganito din ang nangyari sa kanya noon? When she beg her mom to let her try just once kaso ano? Isang beses lang ang pangako niya since 3 years ago pero hanggang ngayon ay nagcacar racing pa siya.
"Sorry Alexus, alam mo naman na hindi kita pwedeng pasalihin dito dahil alam natin na pwede mong ikapahamak ito hindi ba?" tanong nito na may halong pag-alala "Hindi pumayag ang Ate Mira mo na pasalihin ka. But pwede naman siguro nasa passenger's seat ka umupo at kahit papaano ay masubukan mo yung thrill"
Nagliwanag ang mga mata ni Alexus "Talaga ate?"
Nakangiting tumango si Alexandra at linapitan si Alexus at ginulo ang buhok nito "Sige na pumunta ka na sa kwarto mo at magbihis. Ayaw mong sayangin ang chance na ibinigay ko sa'yo hindi ba?
"Opo" nakangiting sambit ni Alexus at yinakap niya si Alexandra "Salamat Ate Alex" sambit nito at kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Alexandra at nagmadali siyang nagtungo sa kanyang silid para makapagbihis.
Nakangiting umiling si Alexandra habang pinagmamasdan niya si Alexus.
"Mira" tawag ni Alexandra ng makita niya si Mira na dumaan sa kanyang pintuan kaya napalingon ito.
"Handa ka na ba mamaya Alexandra?" tumango si Alexandra at ngumiti "Nais ko sanang ipagpaalam si Alexus sasakay daw siya mamaya sa car racing event"
"Ngunit" sambit ni Mira at umiling ito "Sige, ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Mira ng magbago ang isip nito.
"Salamat Mira" sambit ni Alexandra at yinakap si Mira.
"Walang anuman" nakangiting sambit ni Mira habang yakap-yakap siya ni Alexandra.
Kumalas sila sa pagyayakapan "Nga pala, Alexandra kapag bumalik ba ako sa mundo natin sasama ka?"
Natigilan si Alexandra ito ri ang matagal niya nang tanong sa kanyang sarili. Kapag bumalik ba siya sa Encantadia ay maalala na siya ng kanyang mga magulan lalo na ang kanyang ina? Kaya ba niyang iwanan ang nakagisnang pamilya? Maraming katanungan ang nabubuo sa isipan niya tuwing iisipin niya ang tanong na ito.
"Hindi mo na kailangan sagutin, Alexandra" napatingin na lang si Alexandra kay Mira na nakangiti "Dahil kahit ako mas pipiliin kong manirahan dito sa mundo ng mga tao dahil sa kaguluhan na nangayayari sa Encantadia" sambit ni Mira "Sige na kailangan ko nang maghanda bago ka pa mahuli sa car racing mo"
Tango na lang nasagot ni Alexandra.
"Anthony, please let me drive" pagsusumamo ni Alexandra ng makarating sila sa harapan ng kotse na habang nakabuka ang kanyang palad na at hinihintay niyang ibigay ni Anthony ang susi.
Imbes na sumagot at dinaanan lang siya ni Anthony at pumasok sa loob ng kotse.
Inis na umirap si Alexandra at pumasok sa loob. Wala siyang magagawa nasa lugar na ng car racing event na sasalihan niya ang kotse niya at walang ibang kotse ang nandito ngayon kundi ang kotse ni Anthony.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanfictionThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.