Malungkot na pinagmasdan ni Amihan sina Alena at Kahlil na masayang nag-uusap.
"Amihan, maayos ka lang ba?"
Tumango si Amihan "Naiisip ko lang ang aking anak, Danaya sing laki na siguro siya nila Mira at Kahlil ngayon kung hindi siya napaslang ni Pirena" halata sa tono ng boses ni Amihan ang kalungkutan ngunit nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid pati na rin ang anak nito.
Ngumiti si Danaya pero halata sa kanyang mga mata ang kalungkutan habang pinagmamasdan ang kanyang nakakatandang apwe dahil alam niya na may iniinda itong sakit sa kalooban nito ng mabalitaan nila ang katotohanan na napaslang nga ni Pirena ang tagapagmana ng Lireo.
"Masaya siguro mag-kaanak ano?"
Gulat na napabaling ng kanyang tingin si Amihan kay Danaya.
Napansin ni Danaya ang pagtingi sa kanya ng kanyang kapatid kaya tumingin din siya dito at ngumiti "Nakikita ko ang galak sa mga mata ni Alena ganun din ang galak ng iyong mga mata noong hindi pa natin alam ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Mira" puna pa ni Danaya.
Napatingin si Amihan kay Danaya at malungkot na ngumiti. Naalala niya si Mira pati na rin ang kanyang bunsong anak na nasa mundo ng mga tao.
"Si Alexus? Kailan mo ba siya kukunin?"
Umiling si Amihan at ngumiti si Amihan ngunit alam niyang may halong kalungkutan ang ngiting kanyang nakikita "Mas pipiliin ko pang manatili doon si Alexus bagkus alam kong hindi siya pababayaan nila Mira. At dun, alam kong nasa mabuti siyang kalagayan kesa nandito siya sa Encantadia"
Hinawakan ni Danaya ang balikat ni Amihan "Wag kang mag-alala sasamahan kita sa mundo ng mga tao pagkatapos ng digmaan na ito"
.
.
.
.
.
"Nandito lang pa kayo mga diwata" sambit ni Hagorn habang pinalibutan naman sila ng mga hathor.
"Hagorn" sambit ni Amihan at nakipaglaban siya kay Hagorn.
Nagbago ang anyo ni Paopao at nakipaglaban ito sa mga hathor ng makita niyang nilalabanan nila Amihan sila Hagorn.
Bigo na umatras sila Hagorn wala siyang laban ng magsama-sama na sila Danaya at ang gabay-diwa ng brilyante.
Natalo man nila Amihan si Hagorn ay bigo pa rin nilang mapaslang ito.
"Mahal na Reyna, kailangan na natin mag-iba ng kuta"
Bumuntong hinga si Amihan. Wala na siyang lugar na alam kung saan sila magkukuta.
May isang kamay ang tumapik sa balikat niya "Wag kang mag-aalala Mahal na Reyna siguro napapanahon nang buksan ko ulit ang sapiro" sambit ni Ybarro at ngumiti "Mga kasama tayo na at magtungo sa Sapiro"
.
.
.
.
"Avisala Eshma Ybrahim at binuksan mo ang Sapiro para sa aming mga diwata" nakangiting sambit ni Amihan.
"Ngayon, mahihirapan na sila Hagorn na salakayin tayo dito" sambit ni Ybarro habang pinagmamasdan ang Sapiro "Minsan nang winasak ng Hathoria ang kaharian ng aking ama, ngunit tignan mo nakatayo pa rin ang mga haligi" sambit ni Ybarro habang masayang pinagmamasdan ang kabuuhan ng Sapiro.
Napangiti si Amihan sa sinabi ni Ybarro "Hayaan mo tutulong ang Lireo na maitaguyod ang iyong kaharian kapag natalo na natin ang mga vedalje (kalaban)" at tinignan niya si Ybarro.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.