Tahimik na umiiyak si Alena habang pinagmamasdan ang kapaligiran sa kasulok-sulokan ng kagubatan.Ito ang lugar kung saan niya nakita si Kahlil.
"Kahlil, anak" umiiyak na sabi niya dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin natatanggap na namayapa na ang kanyang anak "Pangako ipaghihiganti kita"
"Alam kong may kasama ako dito! Sino ka?! Magpakita ka sa akin!" matapang na sambit ni Alena habang sinusuri ang paligid at baka may biglang umatake sa kanya.
Lumitaw ang dambuhalang ahas sa harapan ni Alena.
"Kilala kita, ikaw ang sinasabi nilang Bathaluman na tumutulong kay Hagorn"
"Ako nga Alena"
Hinanda ni Alena ang kanyang sarili para madepensahan ang kanyang sarili kung sakaling aatakihin siya ni Ether.
"Hindi mo ako kalaban Alena bagkus ay nagpunta ako rito para tulungan ka"
Ngumisi si Alena "Tulungan? Tama ba ang narinig ko tutulunga mo ko? Bakit naman ako tutulungan ng isang bathaluman na walang awa sa mga encantadong naririto?"
"Walang awa? Kung wala akong awa hindi sana ako nagpunta rito para pagbigyan ang iyong hiling na buhayin si Kahlil"
"Buhayin si Kahlil?" tila sumigla ang boses ni Alena "Totoo bang mabubuhay mo si Kahlil?"
"Oo Alena, magagawa ko iyon kung iyon ang kahalingan ng iyong puso"
Napangiti si Alena "Makakasama ko ulit ang aking anak?" tanong niya kay Ether at mapapansin mo ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Ngunit alam mong merong kapalit ang lahat, Alena. Ang tanong ko lang ay kung handa ka ba gawin ang lahat para sa iyong anak?"
"Gagawin ko ang lahat para makasama ko lang ulit si Kahlil, Mahal na Bathaluman" desperadong sabi ni Alena na tila bang buong-buo na ang kanyang desisyon na gawin ang ipapagawa ng Bathalumang Ether.
Nag-anyong encantada si Ether.
"Simple ang iyong gagagawin Alena" sambit ni Ether at lumakad-lakad sa likod ni Alena "At yun ay patayin si Alexandra"
"S..si Alexandra? Ang anak ng aking kapatid na si Danaya? Pero bakit? Bakit kailangan ko siyang patayin upang makasama si Kahlil?"
"Bakit tila nagbago ang iyong isipan Alena? Bakit parang nanghihina ang iyong loob ng mapakinggan mo ang aking ninanais?"
"Pero bakit si Alexandra? Bakit ang anak pa ni Danaya?"
"Matatanong mo pa kaya iyan pagkatapos makita ang ipapakita ko sa'yo?"
Ginamit ni Ether ang kanyang kapangyarihan para ipakita kay Alena ang nais niyang ipakita at may lumitaw na mga pangyayari katulad ng tungkod ni Imaw.
Nagkasagupaan sila opensa doon, depensa dito. Opensa dyan, depensa riyan. Yan ang ginawa nila hanggang sa napatigil sila habang hinahabol ang kanilang hininga.
Napangiti si Alexandra "Mukha yatang talo ka na" sambit nito habang ngumunguso siya nagdurogong tagiliran ni Kahlil.
Napatingin si Kahlil sa kanyang tagiliran at hinawakan niya ito. At itinaas niya ang kaniyang kamay at nakumpirma niya ang malalim na sugat na natamo niya kay Alexandra.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
Hayran KurguThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.