Papunta na sana si Ybrahim sa bulwagan na Sapiro ng madaanan niya ang azotea napatingin siya dito at nakita niya si Amihan, ang reyna ng mga diwata, ang ina ng kanyang mga anak at ang diwatang nagpapagulo ng kaniyang puso at isipan."Amihan" bulong na tawag niya sa pangalan nito. Ayaw niya itong gambalain kaya lalakad na sana siya ng humarap si Amihan papunta sa kanyang kinatatayuan.
"Hara Amihan" hindi na mapigilan ni Ybrahim na tawagin ang pangalan ng hara ng mga diwata kahit na alam niyang kanina pa siya linalayuan at iniiwasan ni Amihan.
"Rehav Ybrahim" awkward na ngumiti si Amihan at nagsimulang lumakad papaalis.
"Napansin ko kanina ka pa tahimik. May niraramdam ka ba?"
Napahinto si Amihan. Kanina niya pa hinihiling na hindi niya makita ang Prinsipe ng Sapiro ngunit sadyang napakalupit sa kanya ng tadhana dahil kasama niya ito sa paniniktik dahil ayaw nitong magpaiwan kahit anong sabihin pa niya rito at sa mga pulong na ginawa nila kanina.
"Amihan, maayos ka lang ba?"
Walang magawa si Amihan kundi ang lumingon sa kinatatayuan ni Ybrahim at pilit na ngumiti "Wala ito, Ybrahim siguro ay napagod lang ako sa ating paniniktik sa galaw ng mga hathor at sa mga pagpupulong kanina"
"Batid ko nga sa iyong pagmumukha ang pagod siguro ay dapat kana ngang magpahinga" nakangiting sambit ni Ybrahim "Nais mo bang samahan kita patungo sa iyong silid?"
Ngumiti si Amihan bago umiling Avisala Eshma sa iyong alok ngunit hindi mo na ako kailangan samahan Ybrahim. Sige na Ybrahim, alam ko naman na kailangan mong magbalik kila Alena at Kahlil dahil baka hinahanap ka na nila" sambit ni Amihan at sinubukan niya talaga na ngumiti bago siya tumalikod at humakbang.
Isang hakbang pa lamang ang kaniyang nagagawa ng marining niya ang tinuran ni Ybrahim.
"Hindi ko kayang gawin yun" sambit nito.
Narinig ni Amihan ang papalapit na yapak ni Ybrahim kaya nanatili siya sa kinatatayuan niya.
"Hindi ko kayang iwan ka Amihan, kayo nila Lira at Alexus" bulong ni Ybrahim ng makalapit ito kay Amihan.
Pinipigilan ni Amihan ang pagpatak ng kaniyang mga luha dahil naantig ang kaniyang puso sa sinabi ng Prinsipe ngunit kahit ito ang gusto ng puso niya iba ang sinasabi ng isipan niya na siyang tamang gawin dahil alam niyang maraming masasaktan.
"Ybrahim -" tawag ni Amihan sa pangalan ni Ybrahim gusto niya man itong tignan ay di niya magawa dahil baka pumatak ang pinipigilan niyang mga luha.
BINABASA MO ANG
E Correi (My Love) [DISCONTINUED]
FanficThis story will start at the downfall of Amihan kung saan nasa kuta na sila ng mga madirigma.